ISANG BUWAN at kalahati na rin na ang lumipas at hindi ko na muli pang nakita ang dalaga. Mula nang huling araw na nakita ko ito at nakausap. Sinubukan ko rin itong padalhan ng mga bulaklak at kung ano-ano pa upang suyuin ito at iparamdam ang totoo kung nararamdaman at totoo ang aking mga binitawang mga salita. Ngunit lahat lamang ng mga bagay na ipinapadala ko ay bumabalik sa akin dahil umano ay wala raw Mariciel Cruz na tumatanggap sa hospital. Hanggang sa nag desisyon akong ako na mismo ang pumunta sa dalaga, ngunit tulad ng sinabi sa akin ni Arnel ay wala na nga akong naabutang Mariciel sa opisina nito dahil ayon sa mga nurse na kasamahan nito at kay Dr. Mercado ay nag-resign na si Mariciel matapos ang ginawang bone marrow transplant sa aking anak, at nang masigurong maayos na si Dwig

