MARICIEL “Bakit hindi n’yo man lang sinabi sa akin? At paano na lang kung tuluyan s’yang nawala, paano n’yo ipapaliwanag sa akin, ha?” puno ng galit kung turan habang mariing nakatitig sa aking mga magulang. Kadarating lamang namin ni Aljune sa bansa. Nang malaman ko ang tungkol sa nangyari sa aking anak ay agad akong nag desisyon na umuwi na rin ng Pilipinas. Nakaplano na rin naman talaga ang pag-uwi ko dahil nag desisyon na rin akong mag-resign, ngunit dahil sa nalaman ko ang nangyari kay Marseille ay mas napaaga lamang ang aking pagre-resign at pagbalik sa Pilipinas. “Hindi namin sinabi sa ‘yo hindi dahil sa ayaw naming ipaalam, kundi para hindi ka na rin mag-alala pa. Isa pa, maayos na rin naman ang kalagayan ni Marseille, anak. Hindi rin naman s’ya pinabayaan ng doktor n’ya hanggan

