"Oo, totoong si Dr. Nuñez ang doktor na gumamot kay Marseille nang manganib ang buhay n'ya. Sa totoo lang, hindi rin naman namin talaga alam na si Dr. Nuñez pala ang tinutukoy ni Manang Tess na nakausap niyang doktor noon. Ang akala talaga namin si Dr. Ocampo 'yon. Isa pa, pagkatapos rin daw kasi ng operasyon at nang matiyak na maayos na rin si baby Marseille ay umalis na rin daw agad si Dr. Nuñez papuntang ibang bansa. Kaya lalo lang naming hindi naisip na s'ya ang doktor na 'yon," kwento ni Donna na mababakas pa sa itsura nito ang tila hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. Hindi ako kumibo at nananatili lamang tahimik at nakikinig sa mga ito. Dahil aaminin kong hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang mga nalaman ko kanina mula kay Dr. Ocampo. "At alam mo ba, Cie

