DARRYL "Sir, nagawa ko na po ang ipinag-uutos n'yo. Natanggap na rin po ng pamilya ni Miss Cruz ang mga ipinadala ninyo." Bungad ni Arnel nang makalabas ako ng aking opisina. Tumango ako. "Good. Make sure na magiging maayos ang lahat. By the way, how is Lexy? Tumawag na ba si Joey?" "Yes, sir. Mamayang gabi na raw po ang flight ni Maam Lexy, pero sabi po ni Joey, pupunta raw po muna rito si Maam Lexy at ang gusto raw po ay kayo ang maghatid sa kanya sa airport." Napabuntong hininga na lamang ako. Ayaw ko man sana itong ihatid upang mapuntahan at maalagaan si Mariciel, ngunit wala na rin akong choice kun'di ang sundin ito at pagbigyan ang kagustuhan dahil paalis na rin naman ito at dahil sa akin kaya ito napahamak kung kaya't ilang araw ring na-delayed ang sana'y pag-alis nito pabalik s

