"Oy— gising ka na! Mabuti naman. D'yos ko, Ciel. Maghapon kang tulog. Sobra ba ang pagod mo, girl? Grabe, ha!" malakas na turan ni Aira at mabilis itong umapit sa akin. "Hinaan mo naman ang boses mo, Aira. Baka lalo pang magkasakit sa 'yo si Ciel, eh." Saway ni Donna kasabay nang marahan nitong pagtapik sa balikat ni Aira. Napahagod ako sa aking sintido kasabay nang pagpikit ng aking mga mata nang gumuhit ang bahagyang kirot. "A-Anong oras na?" sa halip ay tanong ko. Alam ko naman ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay dahil sa sobrang sama ng aking pakiramdam. Ngunit ang tungkol sa kung paano ako nakarating dito sa kinahihigaan ko ay hindi ko na alam kung sino ang nagdala sa akin at tumulong. "Alas sais na ng hapon, Ciel, at maghapon kang tulog. So ano? Gusto mo bang ikuwento ko sa

