CHAPTER 26 [R-18 SPG]

3147 Words

PAALALA!!! [WARNING SPG] MAY MAINIT NA TAGPO! MARICIEL HABANG nasa loob ng elevator ay bigla akong napahawak sa gilid nang makaramdam ako ng bahagyang hilo. Kanina ko pa nararamdaman ganitong pakiramdam nang magising ako. Pakiramdam ko'y bawat ikot at galaw ko'y maaari akong bumagsak ano mang oras. "Hays— ano ba 'yan, heto na naman ako. Ang sakit talaga ng ulo ko," mahina kong turan habang marahang hinahagod ang aking sintido. Ramdam ko rin ang panginginit ng aking pakiramdam. At hindi na bago sa akin ang ganito. Alam kong may lagnat na naman ako mula pa kahapon at pabalik-balik lamang ito. Inakala ko rin kagabi na tuluyan nang mawawala ang lagnat ko dahil hinignawan na rin ako, ngunit paggising ko kaninang umaga ay ramdam ko naman ang init nang singaw ng aking katawan. At iyon ay d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD