DARRYL "How is she?" tanong ko kay Arnel nang makarating na kami sa aking kumpanya. Mas minabuti kong sa kumpanya na lamang muna ako mag trabaho habang nandito pa sa Pilipinas si Allonah, nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa mga bagay na maaaring mangyari ng hindi inaasahan, lalo na kung malalaman nito ang tungkol kay Mariciel. "Hindi raw po pumasok ngayon sa hospital sa Miss Cruz, at ayon po kay Joey ay hindi pa rin daw po umuuwi sa bahay n'ya si Miss Cruz mula pa raw po kahapon." Napatiim ang aking mga bagang kasabay nang mariing pagkuyom ng aking mga kamao sa balitang sinabi ni Arnel. At sa mga oras na ito ay kinakain ako ng matinding panibugho. Alam kong si Mendoza ang kasama ni Mariciel sa mga oras na ito, kaya lalo lamang tumindi ang galit na aking nararamdaman para kay Mendoza.

