WARNING SPG! PATNUBAY NG MGA EKSPERTO ANG KAILANGAN! "How is Miss Cruz?" tanong ko kay Arnel habang naglalakad papunta sa aking opisina. Kararating lang namin sa hospital. Alas nuebe na ng umaga nang magising ako, kaya ngayon ay late na rin akong nakapasok. Halos hindi rin ako nakatulog magdamag sa kakaisip sa dalaga. At aaminin kong sa puntong iyon ay lalo lamang lumalim ang kagustuhan kong makita at makasama palagi ang dalaga. "Hindi ko pa rin po uli nakakausap, sir. Sinubukan ko pong tawagan kanina para sa breakfast n'ya pero hindi po sinasagot ang tawag ko. Susubukan ko po uling tawagan ngayon." Pagkatapos ay napansin kong kinuha nito ang cellphone. Hindi na ako umimik pa at pumasok na lamang sa aking opisina. Pabagsak akong naupo sa aking swivel chair, saka ako bumuntong hininga n

