MARICIEL "Ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko kayang kumilos," mahina kong turan nang magising ako. Pakiramdam ko'y may mga mabibigat na bagay ang nakadagan sa aking katawan kung kaya't maging ang pag-galaw ay hindi ko magawa ng maayos. Kahit ang aking p****e ay ramdam na ramdam ko rin ang sakit. Hindi ako ganoon ka-inosente para hindi maunawaan ang ganitong pakiramdam. Bilang isang nurse ay alam ko na ang magiging resulta pagkatapos ng gabing may namagitan sa aming dalawa ni Dr. Nuñez. Ibinaling ko ang aking ulo sa kabilang side ng kama habang kinakapa ang aking cellphone upang tingnan ang oras. Hindi ko alam kung kaya ko ngayong pumasok sa trabaho, ngunit wala akong choice kun'di ang piliting magtrabaho dahil walang ibang nurse na mag-aasikaso kay Miss Monica sa floor na ito. "s**t—

