Sierra
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa tensyon na nararamdam ko. Napaatras ako nung biglang itulak nung isa sa mga lalaking humarang sa akin si Rafael. “Boyfriend.” Sarkastikong ulit nung lalaki sa sinabi ni Rafael.
“Anong problema niyo ha.” Mariing tanong ni Rafael sa kanila tapos ay nagulat ako nung bigla siyang suntukin ng isa sa mga lalaki.
“Rafael.” Sigaw kong tawag sa kaniya tapos ay susubukan ko sana siya siyang lapitan para awatin sila pero napaatras ako nung sinugod din siya nung isa pa sa mga lalaki.
Nanginginig ako at wala akong nagawa kundi mapapikit at huminga ng malalim. Tapos ilang minuto pa ang nakakalipas ay muntik na akong mapatalon sa gulat nung may humawak sa braso ko at pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita si Rafael sa harapan ko na may sugat sa gilid ng labi niya.
“Are you okay?” Tanong niya sa akin pero nangnginig pa din ako. Pag angat ko ng tingin sa mga lalaking nanugod sa kaniya ay tinataboy na sila nung mga kaibigan ni Rafael at ini-escortan sila ng mga bouncers palabas ng bar.
“Rafael.” Halos pabulong kong sabi habang tinitignan ang sugat niya sa mukha.
“OMG! Sierra! Are you okay?” Napalingon ako sa gilid ko nung makita ko si Hannah na patakbong lumapit sa akin at mukhang nag aalala.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko si Rafael. “Salamat.” Mahinang bulong ko sa kaniya pero wala akong ibang narinig kundi ang malalim niyang paghinga.
Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya nung napagtanto ko ang ginawa ko. “Pasensya na.” Emosyonal at nahihiyang paghingi ko ng pasensya sa kaniya.
“Sierra.. it’s fine.” Mahinahon niyang pagpapakalma sa akin.
“Ms. Sierra, nasaktan ka ba?” Tanong naman nung isa sa mga kaibigan ni Rafael pero nahiya ako kaya napailing na lang ako at napayako.
“Gusto mo bang ihatid ko na kayo pauwi?” Singit na tanong pa ni Rafael sa amin kaya napatingin ako kay Hannah dahil nahihiya ako.
“Ah, Hindi-“
“Ano ka ba, Sie! Sige na halika na umuwi na tayo.” Mariin at nag aalalang suhestyon naman ni Hannah.
“Pero, ikaw. Nag e-enjoy. At saka.. ayoko naman magtanong si Tita, tapos bad experience pa ‘yung ikukuwento ko sa kaniya bakit ako umuwi ng maaga.”
“Sigurado akong aalala yo’n.” Nag aalala at mahinang paliwanag ko pa sa kanila.
“Okay, if that’s the case, then you can join with us naman eh.” Suhestyon nung isa sa mga kaibigan niya.
“Oo nga, Ms. Sisrra! I’m glad you’re okay! By the way, I am fan of yours. I’m so shy lang talaga to approach dahil din sa nangyari sa’yo. Marami talagang loko loko dito eh.” Magiliw na sabi nung nag iisang babaing kasama nila kaya kahit paano ay gumaan ang loob ko at napangiti ako.
“Thank you.” Pasasalamat ko pa sa kanila at sa tingin ko sa pagkakataong ito ay wala na akong dahilan para tumanggi pa sa kanina pang inaalok ni Rafael sa akin.
Lahat ng atensyon nila lalo na si Rafael ay na sa akin dahil hinihintay nia ang pagpayag ko.
Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Sabay sabay naman silang naghiwayan buti na lang eh club to at hindi naman kami masyadong pinagtinginan.
Nauna na silang umakyat sa second floor habang naiwan kaming tatlo nila Rafael at Hannah dito. “Sie, restroom lang ako sandali ah, sunod na lang ako sainyo.” Paalam ni Hannah sa amin kaya kami na lang ni Rafael ang naiwan dito.
“It’s cold here, isn’t?” Seryoso niyang tanong sa akin.
“Hin-“ Hindi pa man ako nakakasagot eh nagulat ako nung bigla niyang hinubad ang suot niyang jacket at sinuot niya yo’n sa akin. Pakiramdam ko mukha na siguro akong katamis sa sobrang mapupula ko ngayon.
“Let’s go?” Mahinang sambit niya tapos ay inakbayan niya ako para alalayan habang nakahalukipkip lang ang kamay ko dahil sa totoo lang eh nilalamig naman na din talaga ako kanina pa.
“Rafael, sandali.” Pigil ko sa kaniya kaya huminto din siya nung huminto ako sa paglalakad. Lumapit ako sa isa sa mga staff nung club para manghingi ng first aid kit.
“Miss, meron kayong first aid kit or ice pack?” Tanong ko sa babaing nasa counter.
“Sandali lang po, Ma’am.” Paalam nito.
“Sierra.” Nagulat ako sa boses ni Rafael.
“What about that?” Kunot noong tanong ni Rafael nung lingunin ko siya.
“Para diyan sa pasa mo.” Kaswal kong sagot tapos sakto naman na nakabalik na si ate na pinagtanungan ko at Luckily, meron sila.
“Thank you.”
“Next time, if you want to go clubbing, just contact me.” Bulong niya habang naglalakad kami sa papunta sa mga kung nasaan ang mga kaibigan niya.
“Oh, where’s your friend?” Reaksyon nung mga kaibigan niya nung makita nila kami.
“Restroom.” Tipid na sagot ni Rafael sa kanila.
“By the way, Sierra.”
“This is Lance, I bet you already saw him before, siya ‘yung nagpapirma sa’yo ng book noon.” Pakilala niya do’n kay Lance.
“This is Lara, his girlfriend.”
“This is Renzo, Lance’s brother.”
“And of course, Kyle.” Sunod sunod niyang pakilala sa mga kaibigan niya kaya kinamayan ko naman sila tapos ay naupo ako sa tabi ni Rafael at paglingon ko sa baba eh nakita ko si Hannah na may kausap. Kung katulad ko lang talaga siyang first timer sa bar eh mag alala pa ako eh kaso mukhang enjoy na enjoy niya ang makipag socialize kaya ayoko namang sirain ang gabi niya.
“Don’t worry about her, she’s enjoying but we’ll still watch out for her, over here.” Muntik na akong mapatalon sa gulat nung marinig ko si Rafael at paglingon ko sa gilid ko eh pareho kaming nakatingin kay Hannah sa baba.
Binigyan niya ako ng isang shot glass at sinalinan niya yo’n ng laman. Binaba ko yo’n at kinuha ko ‘yung ice bag na may yelo at dinampi ko yo’n sa labi ni Rafael. “Hindi mo na kasi dapat pinatulan ‘yung mga yo’n, tignan mo tuloy.. nagkapasa ka pa.” Sermon ko pa sa kaniya habang ginagamot ko ‘yung pasa niya sa mukha. Binilisan ko na lang ang ginagawa ko dahil naiilang ako. Paano ba naman, habang dinadami ko ‘yung ice bag sa labi niya eh nakatingin lang siya sa akin.
“Guys? We’re here.” Napalingon ako sa mga kasama namin nung magsalita sila at lahat sila nakatitig sa amin ni Rafael. “Sorry.” Nahihiyang paumanhin ko tapos ay binalik ko na ‘yung ice pack do’n sa lagayan.
“Nainom ka ba regularly, Sierra? Ito kasing mga kasama natin lalakas uminom eh.” Pabirong tanong at hirit ni Lara sa akin.
“Oo naman, occasionally nga lang.” Nakangiting sambit sagot ko sa kaniya.
“Sierra, graduate ka na hindi ba? Nakahanap ka na ba ng work? Alam mo we can help you find one.” Tanong at offer naman ni Kyle kaya napangiti ako pero bigla akong nahiya.
“Na’ko, naghahanap naman ma ako sa ngayon pero sige, I consider ko yan ah!” Nahihiya pero pabirong hirit ko sa kanila.
“Oo naman, sure yo’n. Anytime.” Magiliw na hirit pa nila.
“Eh Sierra, parang may gustong itanong sa’yo si Rafael oh, tahimik eh.” Pabirong hirit ni Kyle kaya napatingin kami kay Rafael at kita kong sinamaan niya ng tingin si Kyle dahil sa sinabi nito.
“May no-“ Napahinto si Kyle sa pagsasalita dahil sumingit si Rafael.
“Your number.” Malakas niyang sambit sabay lapag do’n sa shot glass niya. Akala ko ay pagsasalin siya pero hindi, diretso niyang inom ‘yung alak mula sa bote tapos ay tignan niya ako at bahagya siyang lumapit sa akin.
“You didn’t give it to me last time.” Nakangisi at malalim ang tono ng boses niya.
“C-Cellphone n-number?” Kunot noo at nauutal na tanong ko sa kaniya kaya nag angat siyang muli ng tingin sa akin sabay tango at lagok do’n sa boteng hawak hawak niya.
“Yes, what else number should I get from you? Your house address?” Nakangisi at sarkastiko niya pang dugtong tapos ay nilahad niya ang cellphone niya sa akin kaya kunuha ko yo’n at sinave ko ‘yung number ko tapos ibinalik ko din sa kaniya.
Nagulat ako nung tawagan niya ‘yung numerong binigay ko kaya nag ring ang cellphone ko. Tignan ko siya at tinasaan ng kilay.
“That’s my number.” Seryoso niya pang sabi bago ibaba ang tawag kaya napatitig ako sà screen ng phone ko.
Pagkatapos no’n ay tahimik lang ako sa isang tabi habang pinagmamasfan silang masayang nagkukuwentuhan at paminsan minsa’y sinisililip ko si Hannah sa baba. Makalipas ang trenta minuto ay napailing na lang ako dahil madami na silang nainom.
“Sierra, w-why are you q-quiet? Hindi ka ba nag e-enjoy?” Nagulat ako nung magsalita si Rafael at lalo na nung isandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
Bakas sa boses niya na medyo lasing na siya at paglingon ko sa table ay marami rami na din pala silang na iinom kahit nung hindi pa ako sumama sama sa kanila. Nilingon ko din ang mga kaibigan niya at napahinga na lang ako ng malalim nung makita kong lasing na din sila.
“Guys! I’m so tipsy na! But I can drive pa naman but.. Lance is so drunk na, we need to go home na!” Rinig kong complain at paalam na din ni Lara sa amin.
“I’ll go with them na guys!” Singit naman ni Renzo, kapatid ni Lance kaya medyo nataranta ako kasi nakita ko si Kyle na halos tulog na din.
“Byee!!”
Lumingon ako kay Rafael at sinubukan ko siyang tapikin sa braso.
“R-Rafael..” Pabulong kong tawag sa kaniya pero hindi siya nagigising. Mamaya pa eh biglang may nag ring na cellphone at nagising si Kyle.
Bakas sa mukha niya ang gulat nung makita ang kung anuman ang nakaflash sa screen ng phone niya. Napailing siya at napangisi nung makita niya na ako na lang at si Rafael ang nandito.
“Oh, where are they?” Takang tanong niya sa akin.
“T-they already left.” Tipid kong sagot sa tanong niya habang si Rafael eh nakasandal pa din sa akin.
“Sorry, Sierra.. but.. I.. need to go. Can you look after Rafael na lang muna. I’m sure he’ll wake up later. Makakauwi pa yan!” Palaam nito at saka siya nag mamadaling umalis at iniwan sa akin ang kaibigan niya. Jusko! Paano kung may mangyari dito? Edi kargo ko pa?!
“Rafael! Sabi mo hindi ba ihahatid mo ako? Bumangon ka diyan!” Naiiyak kong reklamo sa kaniya.
Nagulat ako nung bahagya pa siyang umurong palapit sa akin yakapin niya ako. Kulang na lang eh magpakarga siya sa akin eh!
Sabi hang out and enjoy, eh bat parang magiging caregiver yata ako for tonight. Nilingon ko si Hannah at nakita ko na lasing na din ang loka! I took a deep sigh and breathe heavily. “Oh God!”
Napailing ako nung maramdaman kong gumalaw si Rafael at nagsalita siya. “S..Sierra, please..d-dito ka lang..”