bc

Shadows Between Us

book_age18+
311
FOLLOW
5.2K
READ
revenge
forbidden
love-triangle
family
HE
system
fated
second chance
heir/heiress
bxg
bold
office/work place
pack
secrets
war
love at the first sight
surrender
addiction
office lady
actor
like
intro-logo
Blurb

When Miss Author meets her own leading man, her world turns upside down because of many mystery and secrets that lies between their growing relationship. When their hearts collides, it revolves with so many controversies and rumors around them. Will they managed to remain by each other’s side in spite of all the circumstances and secrets of their families.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sierra Louise Magkahalong saya at kaba ang nararamdam ko ngayon habang nakatutula akong pinagmamasdan ang mga tao dito sa loob ng function hall na malapit sa opisina ng presidente. Nandito ako para sa isang curtesy call dahil nanalo ako ng isang international award dahil sa mga sinusulat kong libro. Akalain mo yo’n?! Nang dahil sa hobby ko na pagsusulat eh nakatanggap ako ng isang pagkilala na nagdala sa akin sa lugar na ito ngayon araw. Napalingon ako sa buong paligid habang hinihintay namin ang presidente, nasa meeting pa daw siya kaya naman kasama kong naghihintay dito ang ibang reporters. Napahinga ako ng malalim at napailing nung tignan ko ang oras sa cellphone ko. Sampung minuto na lang matatapos na ang meeting pero hanggang ngayon wala pa din dito si Tita Marina, ang sabi niya eh hahabol siya pero wala pa din siya. Hays. Sabay sabay kaming napalingon nung bumukas ang pintuan, akala namin eh ‘yung presidente na ang dumating si Tita Marina lang pala! Lakas maka-main character nitong si Tita talaga kahit kailan. Napangiti ako at sinalubong ko siya ng yakap. “Pasensya na late ako kasi galing pa ako work tapos alam mo naman, nag ayos pa ako.” Nakangiting salubong niya sa akin sabay yakap. “Na’ko, proud na proud ako sa’yo, congrats, Ms. Author.” Nakangiti at magiliw pa niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko. Si Tita Marina ang nagpalaki sa akin dahil bata pa lang ako eh iniwan na ako ng parents ko at hindi ko alam kung nasaan na sila. Walang anak si Tita kaya simula noon hanggang ngayon, tanging kaming dalawa lang sa buhay at siya lang din ang naging sandalan ko na itinuring ko na din na ina. “Thank you, Tita!!” Nakangiting pasasalamat ko pa tapos ay napakunot ako ng noo nung nay inabot siyang isang paper bag sa akin. “Ano po ito, Tita?” Takang tanong ko. “Iyong pangarap mong relo! Dapat nung birthday mo pa yan naibigay ko kaso.. ngayon lang ako nakaipon ng pambili eh.” Nag aalangan at pakamot ulo niya pang sabi habang nagpapaliwanag. Parang gusto kong maluha dahil sa galak at saya, hindi na dapat siya nag abala. Ang mahal mahal nito pero binili pa din niya para sa akin. Napa angat ako ng tingin at binalik ko muna sa paperbag ‘yung regalo ni Tita nung matanaw namin ang presidente na paparating. “Good Morning, Mr. President.” Bati nung ilan sa mga nasa silid. Para akong na starstruck nung makita ko ang presidente at ang first lady. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila nung makita ako na para bang nakakita sila ng multo pero pilit nilang itinago ang ekspresyon na yo’n at magiliw na lumapit sa akin. “Are you Ms. Sierra Louise Valencia? The author who won book award?” Nakangiting tanong nito sa akin tapos ay nakipagkamay pa siya sa akin. Tumango ako at ngumiti. “Opo, Glimpse of Yesterday po ‘yung title.” Pagbibida ko pa sa kaniya nung libro ko. “I heard many things about you and the book itself, it sounds interesting, huh?” Papuri ng presidente kaya napangiti ako. Napalingon ako sa first lady na nakatayo sa gilid ng presidente. Parang napako ang tingin niya at nagulat siya nung makita niya si Tita Marina na nasa likod. Nag iba ang awra niya na kung kanina ay magiliw siya ngayon naman eh natahimik lang siya at parang mas lalo siyang nabahala nung makita niya si Tita. “Salamat po.” Sambit ko pa sa kaniya at saka naupo para sa photo op. Habang nakuha ng litrato ay nakikita ko si Tita Marina sa peripheral vision ko na seryoso at parang hindi siya mapakali at para bang hindi siya komportable. Kita ko rin ang matatalim na tingin nito sa presidente maging sa first lady. Natapos ang photo op ay sandaling lumapit ang first lady sa akin para makipag kamay. “Is that your mom? Beside you?” Nakangiti ngunit nagtatakang tanong niya kaya napalingon ako kay Tita Marina na nasa likod ko. Bakas sa mukha niya ang pag aalala nung makita niyang lumapiy si first lady sa akin. “Ah, hindi po, Tita ko po pero parang mama ko na din po.” Nakangiting sagot ko sa kaniya at saka naputol ang usapan namin nung tinawag na kami ng presidente para iabot sa akin ang isang certificate of recognition. “Congratulations, Ms. Valencia.” Nakangiting pagbati nito sa akin pero kanina ko pa napapansin na parang hindi maalis ang tingin nilang mag asawa sa amin ni Tita Marina. “We prepared a lunch celebration for you after this, shall we? So, we can talk over lunch.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya dahil ang alam ko kasi eh awarding ceremony lang ito at pagbisita lang sa kaniya ang pakay namin. Hindi ko naman alam na may pa ganito palang ganap. Napalingon ako kay Tita Marina na parang nag aalangang pumayag tapos ay napahinga siya ng malalim. “Akala ko ba sandali lang tayo rito?” Mariin at pabulong na tanong niya sa akin. “Iyon din po ang akala ko eh, ayos lang po ba kung mag stay tayo? Nakakahiya naman pong tumanggi sa alok ng presidente.” Malumanay na paliwanag ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya na para bang hindi siya sang ayon sa suhestyon ko. “Ikaw bahala.” Malamig niyang sabi. Mas lalo akong nahiya nung paglingon ko sa presidente eh parang hihintay pa niya kami ni Tita na matapos mag usap. “Shall we, Ms. Ms. Valencia?” Nakangiting tanong ni Mr. President sa amin tapos ay nauna na silang nag lakad papunta sa dining area. “Your aunt is very supportive of you, ha.” Pabiromg sabi ng first lady habang papunta kami sa dining area. “Opo, very supportive po siya simula bata pa lang ako, lagi na siyang nandiyan.” Nakangiting pagmamalaki at pagbibida ko naman sa kaniya. “Siya lang ang kasama mo? Where’s your parents?” Mausisang tanong niya kaya napayuko ako. “They left me when I was just a toddler po.” Nag aalangan at nakangiting sambit ko sa kaniya. “Oh, I’m sorry, I didn’t mean to-“ “Ayos lang po, sanay na po ako sa mga gano’ng tanong.” Nakangiti pero naiilang na sabi ko sa kaniya. “Well, that explains why you were a great writer. Writing based on experience” Pabiro at nakangiting sabi pa niya sa akin kaya nagtawanan kami. “So, how’s your experience attending international award, Ms. Valencia?” Rinig ko naman na tanong nung presidente. “Ayos naman ho, Mr. President, it was such a great experience at nakakataba ho ng puso na mabigyan ng pagkilala sa larangan na gustong gusto kong ginagawa. Isa pa, it’s my pleasure to represent our country po.” Magiliw na kuwemto ko pa sa kaniya tapos nung malapit na kami sa dining area ay nakasalubong namin ang kaisa isang anak ni President Hernandez. Well, sino bang hindi nakakakilala sa napakagwapong anak niya?! Eh halos lahat ng kabataan ngayon, eh baliw na baliw sa kaniya. “Ms. Valencia, I want you to meet my son.. Rafael.” Magiliw na pakilala ni Mr. President sa akin sa anak niya. Tumango ako at nakipagkamay sa kaniya. “Oh, dad, you didn’t informed me that you had a beautiful guest this morning.” Nakangiti at nakangising sambit niya nung nakipagkamay sa akin. “She’s the writer, isn’t she?” Takang tanong pa niya at saka siya muling napangiti. “Opo.” Nahihiyang sagot ko. “I heard many good reviews about your book.” Nakangising sabi niya. “By the way, I’m Rafael.” Magiliw at nakangiting pakilala pa niya sa akin. “Nice to finally meet you, Sir.” Nahihiyang sabi ko naman sa kaniya. “Huwag mo na ako tawaging Sir! Nakakatanda naman. Just call me by my name.” Nakangiti at pabirong hirit pa niya. “Do you like to join us, Hijo?” Tanong ng tatay niya sa kaniya pero napangiti siya at napailing. “I’d like to join you, guys, but.. I have important meetings now.” Nakangiting pagtanggi at paalam niya sa amin nung makarating na kami sa dining area. Napalingon ako kay Tita nung hawakan niya ang braso ko at lumapit siya sa akin para bumulong. “Nak, puwede bang mauna na ako sa’yo? Nahihilo ako, hindi ko na kayang magtagal pa dito.” Paalam nito kaya nataranta ako. “Gano’n ho ba? Halika na ho, umuwi na tayo.” Mariin at natatarantang sabi ko sa kaniya at nung hihilahin ko na sana siya palabas eh pinigilan niya ako. “Nakakahiya, paunlakan mo na sila.” Mariing sabi niya kaya nagtatakang tumingin sa amin ang mga tao sa paligid namin. “Hija, may problema ba?” Kunot noong tanong ni Mr. President sa akin. “Ah, pasensya na ho. Nahihilo ho kasi si Tita.” Natatarantang paliwanag ko sa kanila. “May mga medics tayo diyan.” Sambit nito sa amin tapos siyang lapit naman nung ilan sa security niya para alalayan si Tita pero agad siyang tumanggi. “Hindi na ho. Kailangan ko lang ho magpahinga.” Pagtanggi nito sa kanila. “Sir, pasensya na ho, as much as I want to join you over lunch but-“ “Oh, we understand if you need to go. Please our security will assist you both.” Sambit ni Mr. President sa amin kaya tumanggo at nagpasalamat. Nag aalangan ako dahil nakakahiya pero hindi ko naman puwedeng hayaan si Tita na umuwi mag isa. Habang palabas kami ay nakasalubong pa namim si Rafael na paalis na. “Oh, Ms. Valencia? Why are you in a hurry?” Kunot noong tanong nito sa akin. “Nahilo po kasi iyong tita ko, kailangan na po namin umuwi para din po makapagpahinga na po siya.” Sagot ko sa kaniya habang alalay ko si Tita. “Oh, gusto mo ba ihatid ko na kayo-“ “Na’ko, salamat ho pero hindi na ho.” Agad kong pagtanggi tapos ay nauna na kaming naglakad palabas at sakto naman na may dumaang taxi nung makalabas kami kaya naman dali dali na kaming sumakay. Parang nakahinga ng maluwag si Tita nung makaalis kani sa lugar na yo’n kaya napakunot akong ng noo. “May problema po ba, Tita?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Anak, ipangako mo sa akin..” “This will be the first and the last time that you are going to interact with those people.” Mariing sabi niya kaya hindi ko maiwasang hindi magtaka. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Nagtataka kong tanong sa kaniya. “Basta, makinig ka na lang. Being close with the Hernandez will bring no peace, magugulo lang tayo, alright?” “Mas makakabuti nang lumayo tayo sa kanila..”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook