Rafael
Napailing ako habang hinihintay si Lance dito sa bookstore counter dahil may nakalimutan daw siyang bilhin. Napakatagal niya!
Napahinga ako ng malalim at napabuntong hininga nung paglingon ko eh nakita kong wala pa din siya. “What took him so long?!” Mariin at irita kong bulong sa sarili ko habang nakapila sa counter.
Napalingon ako sa mga babaing kanina pa nagkukumpulan sa likuran ko at nagbubulungan pa sila. “Siya yo’n.” Rinig kong sabi nung isa sa kanila.
“Oo, siya nga ‘yung anak ng presidente.”
“Napaka-humble maman niya at pumila pa talaga siya.”
“Balita ko tatakbong mayor yan ngayon eleksyon eh.”
“Ang gwapo naman pala talaga niya!” Iilan pa sa mga bulungan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at muli kong binaling ang tingin sa cashier dahil malapit na ang turn ko pero nagulat ako nung biglang may lumapit at kumalabit sa akin.
“Excuse me, Sir Rafael? Hello po, Sir! Puwede po ba kaming magpa-picture?!” Kinikilig na tanong nung babaing lumapit sa akin na sa tingin ko ay 20+ years old pa lang.
Ngumiti ako at lumapit ng bahagya sa kaniya para makapagpakuha kami ng litrato. “Salamat po, Sir.” Natutuwang sabi niya kaya ngitian ko lang siya.
“Ingat kayo, pauwi.” Magiliw na paalam ko pa sa kanila bago sila umalis. Nung makaalis sila ay siya namang dating ni Lance na may bitbit na isang libro.
“What’s that?” Nakangusong tanong ko sa kaniya nung makita ko ang romance book na bitbit niya.
“It’s not for me! It’s for my girlfriend!” Mariing depensa pa niya kaya hinablot ko ang libro mula sa kaniya at tinignan ko yo’n. “Glimpse of Yesterday by SierraLouise.” Basa ko do’n sa title at pangalan ng author.
“Sierra Louise? Is this the same Sierra that visited dad’s place the other week?” Takang tanong ko sa sarili ko.
“Oo, pre! Nakita ko nga ‘yung pagbisita niya sainyo sa balita.” Napa angat ako ng tingin sa sinabi ni Lance. Narinig pala niya ‘yung sinabi ko.
“Is she pretty? Balita ko maganda at matalino daw yan. Graduating na Psych student.” Nakangiting kuwento pa niya kaya napailing ako at napaisip.
“Well, yeah. But nothing extraordinary about her except for she’s a writer.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya tapos ay muli kong inabot ang libro sa kaniya.
“Sus, baka type mo ah.” Pabirong hirit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi ako pumapatol sa bata noh!” Singhal ko pa sa kaniya kaya mas lalo siyang napailing.
Makabata ka naman! I heard she’s 24 and your are just 29!” Mariin niyang sabi sabay halakhak.
“Whatever, go pay for this and let’s just leave. I’m already hungry and tired.” Mariin at pagmamadaling utos ko sa kaniya.
Habang hinihintay ko siya matapos magbayad ay napalingon ako sa may labas ng store na maraming tao ang nagkukumpulan at mahaba ang pila sa labas.
“Anong meron sa labas? Kanina pa maraming tao diyan eh.” Baling ko kay Lance nung matapos siyang magbayad sa cashier.
“Not sure, parang book signing yata?” Nag aalangang sambit nito tapos ay dumiretso na kami palabas pero medyo na ipiit kami sa kumpulan ng mga tao sa labas ng bookstore.
“Oh, s**t! It was Sierra Louise book signing niya pala!” Napamura pa ngang sabi ni Lance kaya hinila ko na siya agad nung lumuwag na ang daanan namin pero pinigilan niya ako at hinila ako pabalik.
“Kakabili ko lang ng libro niya, may book signing din pala siya ngayon. Magpapa-sign na ako!” Mariin sambit niya kaya tinasaan ko siya ng kilay.
“Kailan ka pa naging fan boy? That’s not cool-“
“Dude, this a gift for Lara. Mas maganda kung may signature, di ba?” Nakangiti at malokong katwiram pa niya.
“At saka look oh! Mabilis lang naman ang pila!” Pagkumbinsi pa niya sa akin. Damn! I can’t believe that I’ll be doing this kind of weird thing. EVER IN MY LIFE!
“Okay, pumila ka kung gusto mo. Maghihintay ako sa kotse.” Mariing sabi ko sa kaniya tapos ay aalis na sana ako pero hinila niya ako pabalk.
“Teka! Ayon siya! Tapos na yata siya magpabook sign. What if lumapit tayo sa kaniya and you introduce yourself baka pagbigyan tayo? Sandali lang naman eh.” Sunod sunod na suhestyon nito kaya napailing na lang ako.
“Pasensya na po, bukas na lang po ulit.” Paghingi ng pasensya ni Sierra sa mga nakapila pa.
“Go, approach her.” Tulak pa sa akin ni Lance kaya napanguso ako. He is seriously making me do things like this?! Wtf?!
“The hell is this, Lance!” Mariing singhal ko sa kaniya nung itulak niya ako malapit kay Sierra.
Bakas sa mukha nito ang gulat nung makita ako sa harapan niya habang nag aayos siya ng gamit niya para umalis na.
“A-Ah.. Sir Rafael?” Nag aalangan at takang bungad niya sa akin. Lumingon muna ako sandali sa buong paligid at nakita ko na nag alisan na ang mga tao kaya naman lumapit na ako sa kaniya.
“Ah, yeah. Hi!” Parang gusto kong pagpalamon sa lupa sa hiya dahil sa pinagagawa ni Lance. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Sierra na para bang naghihintay siya ng susunod kong sasabihin.
Can I.. request something?” Nag aalangang sabi ko sa kaniya kaya tinasaan niya ako ng kilay.
“Ano ho yo’n?” Tanong niya so I waved the book awkwardly and smiled. Luckily, she instantly understood what I was trying to ask.
“B-bumili ka nung l-libro?!” Nauutal at gulat na tanong niya kaya agad akong umiling bioang pagtanggi.
“No, it’s my friend who bought it. A gift for his girlfriend.” Nahihiyang paliwanag ko sa kaniya tapos lumingon ako kay Lance sa likuran ko at sineñyasan ko siyang lumapit.
“Ah oo, tama. It’s for my girlfriend.” Singit naman ni Lance sa usapan namin kaya tumango si Sierra at saka pinirmahan ang libro.
“Thank you.” Sabay nilang sabi sa isa’t isa matapos pirmahan ni Sierra ang libro at inabot niya ito kay Lance.
“Let’s go.” Pagmamadaling bulong ko kay Lance pagkatapos no’n.
Ngumiti ako at tumango kay Sierra bilang paalam tapos ay nauna na kami ni Lance papunta sa parking lot.
“Damn! I can’t believe that I will do that kind of s**t ever in my life.” Malutong na mura at reklamo ko pa habang pasakay kami ng elevator papunta sa parking lot.
“Dude, it was just a signature, calm down.” Sarkastiko at natatawang sabi ni Lance sa akin.
“Whatever.” I whispered.
Napailing ako nung pagbukas ng elevator at naalala ko na sa kabilang parking pala ako nag park kanina dahil puno ang parking ng mall na ‘to.
“I think.. we should walk a little.” Suhestyon ko kay Lance kaya napalingon siya sa akin at tinasaan niya ako ng kilay.
“What? Why?” Tanong niya.
“I forgot that I parked in the other parking lot earlier. Puno kasi dito kanina eh.” Paliwanag ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Stop looking me like that! You just made me do stupid things awhile ago.” Singhal ko sa kaniya at nauna na akong naglakad.
“Ipapick up mo na lang sa security mo and let’s just wait here.” Mariing suhestyon muli ni Lance sa likuran ko pero hindi ko yo’n kaagad pinansin.
Habang naglalakad ako palabas sa mall ay natanaw ko si Sierra sa di kalayuan na parang nag aabang ng masasakyan. Huminto ako at napailing tapos I checked my phone and it’s already 10 pm in the evening.
I dialed my security’s number and did Lance’s suggestion. “Oh, I was about to tell you that it was Sierra but you were already looking at her. Talas talaga ng mata eh.” Pabirong sambit ni Lance sa likod ko kaya lumingon ako sa kaniya.
“Should we approach her? It’s already late and it looks like.. wala nang masyadong taxi or even bus or jeep here?!” Suhestyon ko kay Lance at nakita ko ang pagtango tango niya.
“So, you’re going to drop her home?” Kunot noong tanong nito.
“Yeah, it’s late na eh.” Sagot ko sa kaniya tapos ay hindi ko na hinintay ang sumunod niyang komento at naglakad na ako palapit kay Sierra.
“H-Hi again, Sierra..” Bungad ko sa kaniya at kita ko sa mukha niya ang gulat.
“S-Sir R-Rafael!” Gulat niyang salubong sa akin kaya napangiti ako. Ang cute kasi ng reaksyon niya.
“Heading home?” Nakangiting tanomg ko sa kaniya.
“O-Opo.. kaso ang tagal-“
“Halika na, we’ll drop you home.” Diretsahang sabi ko sa kaniya na kinagulat at pagkataranta niya.
“Po?”
“Na’ko! Hindi na ho.” Nahihiyang pagtanggi niya pa.
“Sierra, it’s already late. Baka mamaya kung ano pa mangyari sa’yo.” Katwiran at kumbinsi ko pa sa kaniya.
“Oo nga, Ms. A! Ihahatid ka namin!” Singit naman ni Lance sa usapan namin.
“Ms. A?” Kunot noong tanong ko.
“Ms. Author, hello!” Sarkastikong sabi nito kaya natawa si Sierra. Sakto naman ang dating ni Ryan, head ng security ko pero naglakad lamg siya at wala siyang dalang sasakyan. Napakamot ako ng ulo nung napagtanto kong nasa akin nga pala ang susi ng kotse.
“Sir-“
“Sorry, I forgot.” Bungad ko sa kaniya.
“Iyong susi po, hintayin niyo na lang po kami dito.” Suhestyon pa niya pero umiling ko.
“No, we will walk with you.” Sambit ko pa sa kaniya tapos napalingon ako kay Lance at Sierra.
“Guys, is it okay-“
“Oo naman! Exercise din.” Nakangiting sambit pa ni Sierra pero si Lance parang ayaw.
Habang naglalakad kami ay medyo kinakabahan ako kasi wala nang masyadong tao at napakadilim pa ng dinadananan namin.
Maya maya pa nagulat ako at napaatras nung may lalaking tumatakbo ang sumalubong sa amin at hinablot niya ang bag ni Sierra pero hindi pa man siya nakakahakbang ulit eh nagulat ako nung hablutin pabalik ni Sierra ‘yung bag niya tapos ay nakipag agawan siya rito. Lalapit sana ako para tulungan siya pero napaatras ako nung itulak niya ng malakas ang lalaki at pinaghahampas niya ito ng bag na hawak niya. Nataranta ‘yung lalaki kaya dali dali itong tumayo ng paika ikang kumaripas ng takbo. Pareho pareho kaming natulala sa ginawa ni Sierra. Damn! It’s dangerous.
“Whoa! Ang galing mo, Sierra ah!” Papuri naman ni Lance pero agad akong lumapit sa kaniya para kamustahin siya.
“Are you hurt?!” Nag aalalang tanong ko sa kaniya pero umiling siya.
Tumango siya at tumawa. “Oo naman, sana’y ako sa mga ganiyan. Dami ba naman holdaper at snatcher dito sa manila eh lalo na pag gabi.” May kumpiyansa sambit pa niya.
Napangiti ako. Damn! She’s pretty good at self defense and I find it cool..
“I’m just glad that you are okay..”