Sierra Louise
Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang susuotin ko sa graduation ngayong araw. Sa wakas! After how many years of hard work and sacrifices, naka-graduate din.
“Nak, ready ka na ba?” Napalingon ako nung marinig ko ang boses ni Tita.
“Nakapag ayos na ho, magbibihis na lang po.” Nakangiting sambit ko sa kaniya nung makita ko siyang nakatayo sa may pintuan ng kuwarto ko pero nakita ko siyang sumimangot.
“Graduation mo ngayon kaya dapat masaya ka pero bakit parang malungkot ka yata?” Tanong ni Tita tapos ay lumapit siya para hawiin ang buhok ko at ayusin ito.
“Kasi ho, hindi ko alam kung aabot ba ako sa puntong ‘to kung hindi dahil sa pag aalaga at suporta niyo.” Emosyonal kong sambit kaya napangiti siya.
“Ay sus! Binobolo mo na naman ako. Umabot ka dito dahil masipag at matalino ka, madiskarte pa! You deserved all of the recognition and acknowledgment you got from your school and especially from your profession. I am very proud of you.” Nakangiting sabi at pagcheer up pa niya sa akin.
“Salamat, Tita. Salamat po kasi ikaw ang tumayong magulang ko at inalagaan mo ako.” Nakangiti at emosyonal ko pang pasasalamat sa kaniya.
Simula bata pa lang ako ay si Tita Marina na ang tumayo bilang magulang ko. Ni wala nga akong malinaw na recollection sa kung anong klase ang mga magulang ko, nagbabase lang ako sa kuwento ni Tita sa kanila.
Hindi ako galit sa kanila lalo na sa nanay ko pero nakakalungkot lang na hindi ko sila nakasama at wala sila sa tabi ko para gabayan ako.
“Tama na ang kaka-senti diyan ah! Magbihis ka na at late na tayo.” Mariin pang suhestyon at bilin ni Tita Marina sa akin tapos ay lumabas na siya ng silid ko.
Habang nagbibihis ako ay nagawi ang tingin ko do’n sa graduation program na ibinigay sa amin bago ang araw na ito. Napako ang tingin ko do’n sa pangalan nung guest speaker, it was the president. I wonder, kasama niya kaya ang anak niya? Napailing ako at napabuntong hininga. What the hell is wrong with you Sierra?! Ano ba tong pinag iisip ko!!
Napapaisip lang ako kasi makikita na naman sila ni Tita, hindi ko kasi alam kung ano bang meron sa first family at parang iwas na iwas si Tita sa kanila. Hindi ko naman matanong dahil sa tuwing sinusubukan kong magtanong eh agad niyang iniiba ang usapan.
Matapos kong magbihis ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na ako ng kuwarto. Nagulat ako nung sinalubong ako nina Tita Marina at Diego sa may sala. Si Diego ang best friend ko simula pa lang bata kami. Halos sabay kami lumaki, nalungkot nga ako nung nagcollege kami dahil hindi kami pareho ng school na pinasukan. His family was consider as a upper middle class, his parents have a stable and high paying job kaya naman hindi nakakapagtaka na afford nila sa private school kaya ayon, magkaiba kami ng school ngayon. Isa pa, ahead siya sa akin ng one year kaya graduate na siya last year pa.
“Oh, anong ginagawa mo dito?!” Kunot noong tanong ko kay Diego.
“Ihahatid kayo ni Tita.” Nakangiting sabi niya pa tapos ay inabutan niya ako ng bulaklak. Nakakahiya! Si Tita, talagang kinausap pa niya si Diego eh puwede naman kami mag-arkila na lang ng sasakyan.
“Congrats, Sisi.” Nakangiting sambit niya.
“Ganda mo today ah!” Pabirong hirit pa niya kaya tinasaan ko siya ng kilay.
“Today lang?!”
“Araw araw akong maganda noh!” Nakangusong sambit ko pa sa kaniya tapos tinawanan lang ako ng mokong.
“Oo na! Today lang ah! Tara na at baka ma late ka pa.” Pabirong sabi niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa venue ng graduation ceremony namin at makalipas ang halos 45 minutes na biyahe eh nakarating din kami.
Halos marami nang taong nakapila sa entrance ng venue. “Tita, puwede naman ho ako sa lobby lang hindi ba? I’ll take pictures of you two.” Prisinta ni Diego nung makababa kami ng sasakyan. Bawal kasi na pumasok sa plenary hall ang hindi family ng graduates eh.
“Gandahan mo ang kuha ah! Para may pang flex ako sa my day ko!” Pabirong hirit ko sa kaniya tapos ay sabay na kaming pumasok ng building. Pagpasok namin ay marami nang tao ang nasa loob at naghihintay na mag umpisa ang event. Iyong iba ay masaya ding nakuha ng litrato bago mag umpisa ang seremonya.
“Ayon oh! Doon maganda kumuha ng litrato.” Nakangusong turo ni Diego sa isang tabi kung nasaan ang logo ng school at banner nito.
Habang kumukuha ng litrato ay biglang may lumapit sa amin na iilang kapwa ko estudyente na sa tingin ko ay iba ng course.
“OMG! Ms. A! Ikaw nga. Puwede po bang magpa-selfie sainyo? Sayang hindi ko dala ‘yung book niyo para sana magpapirma.” Magiliw pero nanghihinayang na sabi nung babae tapos ay napakuha na kami ng litrato kay Diego. Nakaramdam ako ng hiya at pagkailang dahil hindi ko naman akalain na may mamakakilala sa akin.
Matapos no’n ay nagpaalam na din ito dahil malapit na din magsimula ang graduation commencement namin. Habang papasok kami sa hall ay medyo nagkagulo nung dumating ang guest speaker. Akala ko ay ang presidente yo’n pero nagulat ako nung makita ko si Rafael kasama ang ilang security na papasok sa hall. Parang bumilis ang t***k ng puso ko nung makita ko siya ulit at napayuko ako nung saktong dumaan siya sa harapan namin.
“Si Rafael pala ang guest speaker niyo.” Rinig kong bulong ni Tita sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
“Ang pangalan po ng presidente ang nakasulat sa program pero baka ho busy kaya siya ang dumalo dito.” Komento ko pa bago kami pumasok para hanapin ang seat namin. Magakahiwalay ang seat ng students sa parents or guardians kaya magkalayo kami ni Tita.
“Hannah!” Magiliw at sabik kong lapit kay Hannah, best friend ko simula first year college. Buti na lang at hindi alphabetical ang seating arrangement kaya napili ko kung sino ang makakatabi ko.
“Congrats sa atin, teh! Sa wakas! Nakagraduate din.” Nakangiti at natutuwang sabi niya.
Nung makaupo na kami sa puwesto ay nagsimula na magsalita ang emcee para sa opening remarks at reminders pagkatapos no’n ay pinatayo kami para sa prayers at national anthem.
Matapos no’n ay bumalik na kami sa pagkakaupo at nagbigay na ng open remarks ang presidente ng school namin.
“Good afternoon, everyone. Maligayang araw para sa ating lahat especially for you students. On behalf of our university, I am honored to stand here and welcome you all for today’s joyous occasion. To all students graduates, families especially their parents and guardians, to our faculty members and guest speakers- thank you for attending today, we are here to celebrate and honor the hard work and achievements of our students. Finally, after a long journey, hardship, dedication and challenges. Ito na! I hope after this, you all succeed and do a remarkable impact you can make for our society. Again, I would like to formally congratulate you, class 2023!” Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang nakikinig sa speech nung presidente namin. Ngayon lang nag sink in sa akin na.. finally! Graduate na din kami at magsisimula na naman ang bagong kabanata ng buhay namin. Hindi ko na masyadong narinig pa ang ibang sinabi niya dahil napako ang tingin ko sa stage.
Nasa second row lang kami nakapuwesto kaya tanaw ko ang stage at kita ko ang mga nasa stage pati na ang guest speaker. Ayokong mag-assume pero ngumiti si Rafael nung magawi ang tingin ko sa kaniya kaya ngumiti na lang din ako pabalik.
Muling nabaling ang atensyon ko do’n sa speaker. “Again, Congratulations to all.” Maligayang pagbati niya.
“Thank you, Sir, for that wonderful welcome remarks and speech.” Rinig kong pasasalamat ng emcee sa kaniya matapos nito.
“For the next part of the program, let’s welcome our guest speaker, we are supposed to have the honorable president of the republic of the Philppines, Mr. Zigismund Hernandez. But sadly, he cannot make it today due to his busy schedule. SO!! He sent a representative in his behalf! Let’s us all welcome and give round of applause for Hon. Kyle Rafael Hernandez.” Magiliw na pakilala nito kay Rafael kaya hindi ko maiwasang hindi sunfan ng tingin so Rafael habang naglalakad siya papunta aa podium.
“Good Morning, everyone. First and foremost, I would like to thank the school admin for inviting my Dad here today. It’s my pleasure to stand here and speak in front of all the graduates In behalf of my father. And I would like to apologize because he wasn’t able to attend due to his busy schedule and workloads.“
“But, Congratulations, graduates! Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyo maratimg lang ang puwesto kung nasaan kayo ngayon. Those sleepless nights, sacrifices and challenges you have overcame. Today is the day that you have been praying for. To be able to be here is not easy without the help and support of your loved ones, yourself and especially your courage to keep going.. everything finally paid off. Sulit ang pagod at tiyaga kung baga.
“Hindi ko na masyadong pahahabain pa ang speech ko dahil alam kong excited na kayo at walang anumang salita ang katubas ng sayang nararamdaman niyo ngayong araw. Pero lagi niyong tatatandaan, gamitin niyo ang knowledge at skills na natutunan niyo sa loob ng paaralan para umangat at matuto sa buhay.” Hindi ko alam pero para akong tangang nakangiti habang pinagmamasdan si Rafael sa harapan at pinapakinggan ang speech niya. You can really tell that he is educated and well mannered.
Nakatulala lang ako habang nakikinig sa kaniya at nataranta ako nung mapagtanto ko na habang nagsasalita siya ay nakatingin siya sa gawi ko pero hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang tinitignan niya kaya ngumiti na lang ako at binaling ko ang tingin aa iba dahil naiilang ako pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon.
Sa akin kaya siya nakatingin?!”
Naaalala niya kaga ako?!
Natatandaan niya pa kaya ako?!