KABANATA 5

1370 Words
Aiden's POV Andito na kami ngayon sa conference room, naghihintay na kami sa pagdating ni Melody, Earlier we saw her coming inside the airport. Sobrang daming tao ang naka abang sa kanya halos mapuno nga ang loob ng airport dahil lang sa pagdating niya. I can't help but amaze kung gaano siya kasikat lalo na dito sa pilipinas. But what am i feeling right now? I am so fcking nervous, hindi ko alam kung bakit. Hindi lang naman ito ang unang beses na nakapag kita ako mga sikat na artista sa ibang bansa, maraming beses na pero hindi naman ako kinabahan tuwing nakikipag kita ako sa kanila para makipag trabaho. Ngayon ay kinakabahan talaga ako, na hindi mo maintindihan. Is it because they really look a like? dahil ba nanabik ako na makita si Emerald sa kanya? kahit hindi naman talaga siya si Emerald. Wala kaming imik na tatlo rito sa loob, hindi ko alam kung kinakabahan din ba sila o ewan, lalo na si blair hindi ko alam ang iniisip niya ngayon. Si manager sam naman ay nasa labas at may kausap pa ito, maya't maya narin iyon pero hindi pa bumabalik. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas nadin ang pinto at iniluwa roon si manager sam. "Waiting so long?" Nakangising saad ni manager. "Yeah, bakit ba antagal niya? tss..baka naman pag taping na, babagal bagal ang babaeng yun.." "Blair, what are you saying?" Pero inikutan lang ni blair ng mata si manager, at napapailing na lamang ito sa kanya. "What's up na manager?" Tanong naman ni Luigi na halatang naiinip narin. Pero imbes na sagutin ni manager si luigi ay napatingin siya sa kanyang phone at agad na sinagot ang tumawag dito. "Wait..andiyan na sila sa baba, pupuntahan ko lang.." Lumabas na nga ng tuluyan si manager, at sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang ang paglakas ng kabog sa dibdib ko. fck! bakit naman ganito? Ilang minuto nga ang dumaan ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ulit si manager. And holy s**t! parang nag slow motion ng pumasok kasunod ni manager the tall and beautiful woman with long curly hair and blonde hair. Her sweet smile greeted us, I couldn't help but stand up and I even gaped a little, as if I must be stupid now because my eyes were just fixed on her.At kamukha niya nga si Emerald! kahit pa ibang iba siya kung manamit. Ang mga mata niya parehas sila ni Emerald.What surprised me more was the next girl who came in. No fcking way! Shannie? Emerald's bestfriend! bakit siya nandito? "Guys, let's welcome.. Melody Eunice Santibañez.." Rinig kong sabi ni Manager sam. "Wow, finally.. it's good to meet you Melody.." Si luigi na agad na lumapit rito at nakipag kamay, nakita ko ang pangingislap ng mga mata nito habang nakapako lamang ang mga mata nito sa magandang mukha ni Melody, sa hindi malamang dahilan ay naikuyom ko ang kamay ko na hindi naman dapat. At nakita ko ang matamis na ngiti ni Melody, napakaganda ng mga ngiti niya at lumabas pa ang isang dimple niya sa pisngi na mas lalong nagapapaganda sa kanya. "Nice finally meeting you Melody.." Si blair ay tumayo na din at nakipag kamay kay Melody at ngumiti rin ito kay blair. "It's my pleasure finally meeting you all.." Napatitig ako sa kanya ng magsalita na siya, at nang mabaling ang tingin niya sa akin ay bigla nalang ang pagkabog sa dibdib ko, sandali akong napalunok. "Aiden Cooper, it's nice meeting you.." Lumapit siya sa akin kaya mas lalong nag wala ang puso ko,fck! i don't know why! Inilahad nito ang kanyang kamay, pero tinitigan ko lamang ito, para bang natuod na ako sa kinatatayuan ko ngayon at bumalik ang paningin ko sa maganda niyang mukha. "Oh, pag pasensiyahan mo na itong si Aiden, ganyan lang talaga siya melody..pero magkakasundo din naman kayo.." Agad na pumagitna si Manager sa amin kaya na ibaba na ni melody ang kanyang kamay na aabutin ko na sana kung di lang pumaginta itong si manager, s**t! baka kung anong isipin niya, keso masama ang ugali ko. Pero tanging ngiti lang ang tugon niya kay manager at bumaling sa akin. "That's ok, manager Sam..I understand." Ngiting ngiti nama si Manager Sam at mukhang na star struck nadin sa kaharap. Hindi na ako makapag salita, parang umurong na lang ang dila ko. "Ok guys, so finally nag meet na kayo..Next week may interview ulit kayo but this time kasama niyo na si melody, and afterwards mag me-meeting na tayo for your upcoming movies..for now melody is need to rest dahil mahaba ang naging byahe niya.." Mahabang lintanya ni Manager, ako naman ay panaka nakang nakatitig kay melody na ngayon ay malapit lang sa akin, nakatitig lang din siya kay manager habang nakikinig. "We will preparing a welcome party for you Melody.." Saad naman nito sa kaharap. "It's not necessary manager, but thank you and i really appreciate that.." Pati sa pagsasalita nito ay may accent talaga. "Sayang naman manager, i want to get to know her more.." Singit ni luigi na ngayon ay nakaharap na kay melody, ngiting ngiti ang loko. tss. "Don't worry luigi, marami naman ang oras para mas makilala mo pa ako.." She sweetly said that to luigi, kaya ang loko parang kinilig na ewan. "You're tagalog accent is good, not bad.." Ani blair na nakataas ang kilay. "Oo naman, kahit naman matagal ako sa Los Angeles ay hindi ko naman nakakalimutan ang wika at accent ko sa pagtatagalog, hindi ko naman pwedeng kalimutan kung saan ako nanggaling.." "Yeah, right.." Sagot ni blair at hindi na nga napigilan nito na ikutan ng mata ang kaharap, talaga namang maldita itong si blair kahit sino pa ang kaharap nito, hindi ko lang sure if sinasadya niya ba talaga. Dahil di naman lingid sa kaalaman ko alam kong nakikita niya si Emerald dito. Narinig namin ang mahinang pagtawa ni Melody kaya lahat kami ay natigilan. "I don't like your attitude blair.." Nabigla kaming lahat sa sinabi niya, agad namang nagsalubong ang kilay ni Blair dito. "What the fck did you say?" Galit na turan ni Blair at nakataas ang isang kilay nito. "But don't worry i can handle that kind of attitude, marami kasing ganyan sa los Angeles..kaya sanay na ako.." Casual nitong sabi, and I can't help my mouth gaped a little. Lahat kami ay napanganga lalo na si manager pero sandali lamang iyon at napalitang ng pilit na tawa para pa gaanin ang atmosphere dito sa loob. Si blair naman ay natahimik dahil narin pinigilan ni Luigi kaya hindi na nakasugod pa. "By the way, thank you so much for waiting for me here, i will treat you next time..but now we need to go, napagod kasi ako sa byahe..i need some rest.." "Yeah sure, melody..see you tomorrow.." Sagot naman ni manager, inisa isa pang tingnan ni melody si blair, luigi at manager ang sa huli naman ay sa akin, kalmado ang mukha ko pero ang kaloob looban ko ay nagwawala sa hindi maipaliwanag na dahilan, kapag nagtatama ang mga mata namin. Kumakabog ang dibdib ko. Tuluyan na nga siyang nag excuse at lumabas ng conference room. Sumunod naman si shannie na kanina pa nakatayo sa gilid at nakikinig lang sa amin. Pero bago siya tuluyang lumabas ay walang emosyon ang mga mata niya na tumitig sa akin sunod naman ay kay blair, sandali lang iyon pero sobrang bigat ng titig niya sa amin. Gusto ko pa sana siyang habulin dahil gusto kong magtanong about kay emerald pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para mag tanong ako, it's too early for me to do that. Naiwan kaming lahat sa loob at nanaig ang katahimikan. "That btch! I don't like here either!" Umalingawngaw ang boses ni blair, rinig ko rin ang mahabang buntong hininga ni manager dahil sa sandaling tensyon kanina, we we're not expecting that. But i can see how straight forward she is. Nabagsak ko na lamang ang sarili ko sa upuan. para bang ang bigat ng pakiramdam ko kanina at ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko maintindihan ang awra na nakabalot kay melody, mahirap basahin ang nasa mukha niya lalo na ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD