Melody's POV
FINALLY we're here in the Philippines
Pagkatapos ng anim na taon nakabalik narin ako sa lugar kung saan ako nanggaling, kung saan nagsimula ang lahat.
I'm still here inside my Private plane,
nakapikit ako, at nanatili pa ng ilang minuto. Hindi ko mapigilang kabahan na dapat ay hindi ayaw ko ring ipakita, marami na akong napuntahan na mga lugar pero iba parin talaga kapag ang kinalakihan mo na na lugar at sa hindi magandang naranasan mo rito, may kirot parin pala. Pero hindi ko nama hahayaang lamunin ako ng kaba ko ngayon, dahil iba na ako hindi na ako ang dating Emerald Santibañez na mahina.
Para saan pa ba ang paghihirap ko kung babalik parin ako sa dating ako? Matagal ko ng binaon at pinatay ang dating ako, dahil sa mga taong yun..Pinilit kong bumangon at abutin ang matagal ko ng pangarap noon at ngayon nga ay nandito na ako sa kinalalagyan ko. Sisiguraduhin ko rin kapag nagkita kami ay hindi nila ako makikilala kahit pa mamukhaan nila ako ay mananatili akong ibang tao sa harap nila.
Tumunog naman ang aking phone kaya naputol ang paglalakbay ng isip ko. I answered my phone.
"Yes, Manager?"
It's my Manager..
"Did you already arrived?"
"Yes, Manager Xyla.. we're here.."
Tanging sagot ko rito.
"So ready kana ba talagang makipag trabaho sa kanila?.."
Hindi ako naka imik agad sa sinabi niya.
"Hmm, yes ofcourse manager..bakit mo naman natanong?"
Kung nakikita niya lang ako ngayon malamang ay kitang kita niya ang pagtaas ng isang kilay ko.
"Wala naman, naniniguro lang..may time ka pang mag back out.."
Napa ismid ako sa sinabi niya, the hell! bakit naman ako aatras? hindi ako talunan at hindi pa nga ako nagsisimula eh..
Rinig ni Manager ang mahina kong pagtawa.
"And why would I do that, I haven't even started..."
"Melody.."
Bahagya naman akong napahalakhak dahil sa pag tawag sa akin ni Manager sa pangalan ko, alam ko na kasi ang iniisip niya eh.
"To work with them, manager..yan ang ibig kong sabihin.."
Panigurado ako ngayon na napapailing na siya sa akin.
"Don't worry, manager, I won't do anything to harm myself.."
"That's good to hear Melody..Goodluck, i need to hang up this call.."
"See yah, manager.."
At binaba ko na rin ang phone ko, siya namang pag sulpot ng bff kong si shannie, ang personal P.A ko.
"Bff, what are you doing now?"
"Naka upo.."
I sarcastically said, then she rolled her eyes.
" We need to go, kanina pa sila naghihintay sayo..yung mga filipino fans mo..sobrang dami nila my gosh! buti nalang marami ring mga body guards na pinadala para sayo, panigurado kasing dudumugin ka talaga ng mga filipino fans mo.."
Mahabang lintanya niya.
"Yeah, i know.."
Tumayo na nga ako at inayos ang sarili ko.
"Lalabas na ako, and mag relax ka..ok?"
Humugot ako ng malalim na hangin to relax myself too, sinuot ko naman agad ang sunglasses ko.
Lumabas narin kami ng private plane, agad namang sumunod ang mga bodyguards na alalay sa akin, di nga nag tagal ay pumasok narin kami ng airport. At andami ngang mga tao, nagsisiksikan na sila at sumisigaw, para namang may humagod sa puso ko dahil sa warm welcome nila sa akin.
"OH MY GOSH! MELODY IS HERE!!!"
Sigaw ng isang babae, at hindi na nga sila magkamayaw sa kaka sigaw, agad naman akong ngumiti sa kanilang lahat at panay narin sila picture at video sa akin. Agad din naman pumwesto ang mga bodyguards ko, pinalibutan agad nila ako dahil nag siksikan na nga ang mga tao, nasa likod ko lang din si shannie na panay rin harang sa kamay niya para hindi ako mahablot.
Hindi na nga magkamayaw ang mga fans ko at sobrang lalakas sumigaw, buti nalang nasuot ko pa ang airpods ko kanina kaya hindi ko masyadong iniindang sakit sa pag sigaw nila. Pero natutuwa talaga, yung iba kasi umiiyak na dahil sa sobrang saya, yung iba din parang mahihimatay na, marami ding mga lalaki na fans ko at hindi rin magka mayaw sa kakasigaw.
Panay kaway lang din ako sa kanila at panay ngiti. Hanggang sa malampasan na nga namin sila ay may iba pang humahabol at gusto man lang akong mahawakan, pero hindi kasi ito ang oras ng signing eh..magpapa set ako ng fans signing para sa kanila.
Tumalikod na nga ako sa kanila pero nagulat ako ng may yumakap sa likod ko, pero hanggang bewang ko lang naman kaya napatingin ako kung sino ito.
Isang batang babae lang pala ang yumakap sa akin, I smiled to her at pinantayan siya. Akma sanang lalapit ang isang bodyguard pero agad na pinigilan ni bff.
"Hey, little girl..why are you crying?"
Tanong ko pa rito habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya. But instead of answering me he hug me tightly kaya niyakap ko na lang din at nang tumahan na siya ay tumingin na siya sa akin na nakangiti. I pat her head.
"Sobrang ganda niyo po ate melody, para po kayong anghel.."
Sumisinghot pa siya habang sinasabi iyon, napangiti din ako sa sinabi niya.
"Oh, thank you baby.."
"Akala ko po hindi ko po kayo mahahabol..no.1 fan niyo po ako.."
Mas lumawak pa ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, sobrang na appreciate ko talaga kapag ganitong mga bata ang umiidolo sa akin.
"Do you want an autograph?"
Lumawak naman ang kanyang ngiti at mabilis ang kanyang pag tango, senensyasan ko si bff at agad naman niya akong binigyan ng magazine ko at latest album ko, nilagyan ko iyon ng autograph ko at ibinigay sa bata, rinig ko din na napapa sana all ang iba at napapasinghap pa, pero marami rin ang nagpalakpakan.
"Thank you po talaga ate melody, sobrang swerte ko po dahil may autograph po ako tapos nayakap ko pa po kayo.."
Sa sobrang tuwa niya ay nagtatalon pa siya at walang mapaglagyan ang saya niya ngayon, masaya rin ako dahil napasaya ko siya. Tumayo na nga ako at umalis narin ang bata at sobrang nag thank you sa akin.
Nag last wave naman ako sa aking mga fans at ngumiti ng pagka lawak lawak at nag at tuluyan na nga kaming lumabas ng airport at agad kaming sumakay ng van.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag, na para bang ang sikip kanina.
"Wow, grabe! sobrang dami talaga ng mga filipino fans mo..di ko na mabilang pa sila.."
Nakahalumbabang sabi ng bff ko na mukhang na stress pa kaya natawa nalang ako sa kanya.
"Yeah, But i really appreciate them.."
Sabi ko pa habang nakangiti, nakasandal nadin ako sa headrest ng upuan at tinanggal ko na rin ang sunglasses ko.
"Naku need mo nang mag retouch bff..dahil may conference ka pang pupuntahan, which is makakaharap mo na sila.."
Tumango tango naman ako, at nagsimula na ngang mag retouch si bff sa akin, ipinikit ko lang ang mga mata ko habang ginagawa niya iyon.
"Ready kana ba talaga bff?"
Nagmulat naman ako ng tingin sa kanya, and she look worried.
"Yes, i'm ready..matagal na akong handa, alam mo yan.."
Tumango tango naman ito, she knows me..matagal ko na tong pinaghandaan at ito na nga iyon ang makita ang mga taong dinurog ang puso ko.
Pero haharapin ko sila ng may ngiti sa aking labi, at ipapakita ko sila kung sino ang kinalaban nila noon at sinaktan ng lalaking yun.
"Basta bff, andito lang ako.."
Tumawa naman ako ng bahagya..
"You're always there for me bff, and i'm thankful for that.."
Pumikit naman ako ulit, at parang may kung anong tumusok sa puso ko. Iisipin ko pa lang na makikita ang lalaking yun sa personal, for the past 6 years ay namumuhi na ako sa kanya, pero hindi ko ipapakita sa pagmumukha niya na nasasaktan ako. Gusto kong makita niya na hindi na ako si Emerald na nagpakatanga sa kanya noon.
Patay na si Emerald Santibañez! at sisiguraduhin kong hindi nila ako makikilala..