KABANATA 12

1544 Words
Third Person's POV Habang lulan sila ng sasakyan ay hindi mapigilan ni shannie ang hindi mapatitig sa kanyang bff ngayon, simula kanina ay dina mawala ang ngiti sa labi nito, at hindi niya talaga gusto ang mga ngiti nitong naghahatid kilabot sa kanya gaya na lamang ngayon. "Bff.." Tawag niya dito kaya napalingon naman ito sa kanya may ngiti parin sa labi, na curious tuloy siya baka may nangyari nang umalis ito kanina para mag banyo at kaya siguro ito natagalan dahil may nangyari kaya ito naka ngiti. "Saan kaba galing kanina? ba't antagal mo?" "Nagbanyo lang ako bff..bakit mo naitanong? Sagot nito na may munting ngiti parin sa gilid ng labi nito. "Wala naman, matagal ka kasing bumalik eh..may nangyari ba?" Curios niyang tanong dito, napangisi naman ito sa tanong niya na para bang naalala na naman nito ang magandang nangyari. "May tanong ako bff, ano bang pinag usapan niyo ni Aiden kanina?" Napa poker face naman siya dahil sa pabalik na tanong nito sa kanya. "Nagtanong lang siya kung nasaan si Emerald.." "Really? so what did you tell him?" Umayos naman siya sa pagkakaupo. "Ang sabi ko kang na nasa malayo na si Emerald at kahit kailangan hindi niya na makikita ito.." "That's good.." Agad naman siyang napatingin dito, bakas sa boses nito ang satisfaction dahil sinabi niya. "Ano bang meron bff? kanina kapa nakangiti ah, kinikilabutan ako sa ngiti mong ganyan.." At sabay pa siyang umakto na kinikilabutan. "Basta, masaya lang ako..ang gusto ko nga ay mag celebrate..gusto ko tuloy uminom bff.. gusto kong pumunta ng bar.." Napasandal naman siya sa upuan, parang wala din naman itong plano na sabihin ito sa kanya kung ano ang nangyari kanina kaya hindi nalang siya mamimilit pa, minsan hindi niya ma tansta ang ugali nang bff niya simula nang maging si Melody ito, di gaya noon na walang problema ito, madaling kausap. Pero ngayon hirap niya nang basahin ito. Hahayaan na lamang niya muna ito dahil alam din naman niya na kung ano ang tama at ang mali at kung anong makakasakit dito. "Paano kapag nahuli ka ng mga paparazzi? edi lagot ka.." Sabi niya pa dito habang nakapikit. "Tss, parang di mo naman ako kilala bff.." Napa nguso na lamang siya, tama din naman ito magaling itong umiwas sa mga paparazzi, nalulusotan naman nito agad, at hindi naman siya mag aalala pa dito kahit may masamang tao pa dahil hindi lang naman ito marunong umarte marunong din ito ng martial arts, kaya nitong makipag laban kapag may masasamang loob, natuto ito dahil sa mga movie nito noon na action movies need niya talagang mag praktis kaya tinotoo na nito ang pag iinsayo sa martial arts. "So papayagan mo ba ako pumunta ng bar?" "Ok sige, doon sa exclusive bar ka pumunta, at syempre wag mo kalimutan mag disguise.." Bigla naman siyang nagmulat nang mata dahil sa bigla nitong pag yakap sa kanya, natatawa na lamang siya sa inasta nito. Hahayaan na lamang niya ito para din makapag saya dahil alam niyang medyo stress ang nangyayari para dito, simula nang makarating sila dito sa pilipinas. NAKATITIG lamang si Melody sa kanyang itsura ngayon at napangiti, nakasuot siya ng mahabang itim na wig na straight lang, medyo naging heavy din ang kanyang make up ngayon para hindi talaga siya makikilala, naglagay din siya ng konting nunal sa kanyang pisngi, kaya hindi na talaga siya makikilala ng kahit na sino dahil sa itsura niya ngayon. At nang matapos na nga siya ay agad na din siyang lumabas ng kanyang condo unit at gamit ang kanyang kotse ay agad niyang pinaharurot ito, ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating nadin siya sa isang sikat at kilalang bar dito sa manila, agad siyang bumaba ng kotse nang makapag park. Naglakad siya na parang isang modelo kaya agad na nakuha niya ang atensyon ng ibang tao ngayon. Nangingibabaw nga ang kanyang ganda ngayon lalo na suot niyang fitted dress na kitang kita naman talaga ang hubog ng katawan niya, kitang kita kung gaano siya ka sexy ngayon at kung gaano siya ka ganda. Tuluyan na nga siyang nakapasok sa loob at ganun padin ay nakuha na naman niya ang atensyon ng mga tao sa loob, ang mga babaeng napanganga at kitang kita niya ang inggit sa mga mukha nito. Pero ang mas gusto niya ngayon ang itsura ng mga lakaking nakatitig sa kanya na halos lumuwa na ang mga mata at kulang nalang tumulo na ang mga laway nito dahil sa mga nakanganga ang mga bunganga nito, ang mga mata na malagkit kung tumingin sa kanya. Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa maka upo na siya sa bar counter at agad na nag order ng margarita. AT DAHIL hindi naman makatulog si Aiden ay napag desisyunan niya nalang na lumabas at uminom, at ngayon nga ay andito na siya sa isang sikat na bar na kilalang kilala dito sa maynila, lalo na sa mga mayayamang tao. Nakaupo lamang siyang mag isa sa isang vip table, nakakailang baso na din siya ng whisky. At ilang babae nadin ang lumalapit sa kanya pero wala naman siya sa mood na gumamit ng babae ngayon ang pakay niya lang talaga ay uminom, dahil ayaw nang mawala sa isip niya si Emerald, mababaliw ata siya kapag nagpatuloy ang pag iisip niya dito, desperado na siya na makita ang dalaga pero ano nga ba ang magagawa niya kung di naman niya alam kung nasaan ito ngayon. Narinig niya naman ang hiyawan ng mga tao sa dance floor, wala pa sana siyang plano na tumingin sa banda roon pero iba ang hiyaw ng mga tao, lalo pa't mga lalaki ang humihiyaw. Di niya tuloy maiwasan ang ma curious kung sino ang pinagkukumpulan ng mga kalalakihan. Medyo may tama na siya dahil sa dami ng ininum niya pero kaya parin naman niyang mag maneho, wala din naman ang nakakilala sa kanya dahil sa suot niyang black cap. Tumayo na nga si Aiden para tingnan ang nasa dance floor at nang makita niya nga ay isang babae ang sumasayaw. Sandaling tumigil ang mundo niya nang makita ang babaeng malanding sumasayaw sa gitna ng dance floor kaya naman pala pinagkakaguluhan ito dahil napaka ganda naman talaga nito at idagdag pa ang sexy nitong pigura, at nang matitigan niya ang mukha nito ay bigla na lamang kumabog ang dibdib niya. "Emerald??" Bulalas niya, nahihibang na naman siya dahil nakikita na naman niya ang babaeng mahal niya sa ibang babae. Kaya bahagya niyang pinilig ang ulo para mawala ang kahibangan niya, pero nang mag baling ulit siya sa babae ay ganun padin ang paningin niya, si emerald padin ang nakikita niya. "What the fck!" Malutong na mura niya. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga kalalakihan dahil mas gumiling pa nga ang dalaga sa harapan ng mga lalaki, mukhang nakainom na din ito kaya ganun nalang ang galawan nito. Unti unti nadin lumalapit ang ilang kalalakihan para makipag sayaw sa dalaga, dumidikit na ang katawan ng isang lalaki sa may pwetan nito at humahawak sa bewang nito. May isa ding lalaki ang nasa harap nito at dikit na dikit habang sumasayaw sa dalaga. Bigla na lamang umakyat ang dugo ni Aiden sa hindi malamang dahilan, nakamao na nga niya ang kanyang palad, at mukhang makakapatay ata siya ng tao ngayon. "Fcking bastards!" Hindi na nga napigilan ni Aiden ang lumapit dito, tuloy tuloy ang kanyang lakad at nang makalapit sa mga ito ay agad niyang itinulak ang dalawang lalaki na gulat ang mga mukha na nakatitig sa kanya. "Back off assholes! she's my woman!" Sigaw niya sa mga ito para lumayo ang mga ito, at bigla na lamang niyang hinila sa pulsuhan ang dalaga kaya napaharap ito sa kanya, nagtama agad ang kanilang mga mata. At hindi na nga nakapag isip ng maayos si Aiden dahil naging blanko ang isip niya habang nakatitig sa magandang mga mata nito, sinunggaban niya ng halik ang dalaga, mapusok at mapaghanap na halik. Namilog ang mga mata melody at hindi nakagalaw, nakilala niya agad ang lalaking nasa harap niya nang magtama ang kanilang mga mata. It was Aiden Cooper! and what the hell! hinalikan siya nito. Gusto niya sana itong itulak pero biglang nangatog ang kanyang tuhod at bigla nalang siyang nanghina kumakabog din ang kanyang dibdib sobrang lakas na para na siyang mabibingi, para bang agad na nag init ang katawan niya dahil sa mainit at mapusok nitong halik, napakalambot din ng labi nito na parang isang marshmallow. Bumalik ang alala niya nang una silang naghalikan, six years ago,He was her first kiss. Ganun padin ang lambot ng labi nito, pero mas lalong tumamis ang lasa ng labi nito pati ang laway nito ay matamis sa kanya, lalo pa't nalasahan niya ang alak na ininum nito at mint nitong hininga. Nakakawala sa katinuan. Kusa na ngang gumalaw ang labi ni Melody at tinugon ang mapusok na halik nito pumulupot ang kanyang braso sa batok nito, nag espadahan pa ang kanilang mga dila. Lango man siya ng alak pero alam niya ang kanyang ginagawa ngayon, di niya maitatanggi na nagugustuhan niya ang halik nito. Di nila alintala na nasa gitna sila ng dance floor, at ang mga lalaking kaninang umaaligid sa kanya ay nagsilayuan at malulutong na mura ang maririnig sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD