KABANATA 11

1352 Words
Third Person's POV Tulala na lamang si Shannie habang naglalakad ngayon, bitbit niya nadin ang bag nila na may mga gamit ni Melody, kanina pa siya naghihintay dito pero wala padin ito kaya napag desisyunan na lamang niya ang lumabas para hanapin ito. Habang naglalakad siya ay malalim ang kanyang iniisip, nag aalala sa kanyang kaibigan dahil sa mga sinabi nito kanina. Mukhang desperado na ito na maghigante, gusto niya man itong pigilan pero hindi niya na ata magagawa iyon lalo pa't magagalit ito sa kanya, wala siyang ibang nakita sa mga mata nito kanina kundi poot at pagkamuhi sa mga taong nanakit dito. Masasabi niya talagang magaling ito sa pag arte dahil tuwing kaharap nito sila blair at Aiden ay napakagaling nitong magtago ng emosyon, kaya nitong makumbinse ang mga taong iyon na hindi talaga siya si emerald at ibang tao ang kaharap ng mga ito, at kitang kita niya naman iyon. Alam niyang hindi basta basta ang galit na nararamdaman niya especially to Aiden, dahil kahit andun sila sa Los Angeles, kahit sobrang busy ay may pagkakataon talaga na nakikita niya ito lalo pa't kapag nag iisa ito ay hawak hawak nito ang kwentas na binigay ni Aiden dito noon. At hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay tinatago parin nito na dapat ay matagal na nitong itinapon. Hindi naman din siguro rason na may pagtingin parin ito sa binata, dahil ang nakikita niya lamang na rason ngayon dahil sa galit at poot niya para dito. Noong panahon na nadiskobre ito ni manager Xyla at isasama na sana ito sa Los Angeles ay ayaw pa sana nitong pumayag kung hindi din siya isasama, kaya ito ngayon siya ay naging P.E pa nito. At masaya nadin siya dahil may kasama ito at may karamay sa mga panahon na nalulugmok ito, siya lang ang tanging sandalan ni Melody kaya kailanman ay hindi niya ito iniwan. "Shannie.." Nag angat naman siya ng tingin at makita ang taong nasa harapan niya. Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. "Aiden..may kailangan ka ba?" Kalmado niyang tanong dito. "Pwede ba kitang makausap sandali?" Bakas din sa mukha nito ang pagka seryoso. "Sige, ano ba ang sasabihin mo?" Sandali naman naging malikot ang mga mata nito na parang tinatansya kung paano sisimulan ang pag tatanong. Habang nag iisip ito ay di naman maiwasan ni Shannie na obserbahan ang itsura ng kaharap, malaki talaga ang pinagbago ni Aiden kumpara noon, mas lalo itong gumwapo at naging makisig ang pangangatawan nito, katulad ni Melody ay malaki ang pinagbago din nito. Pero sa isip niya ay mas na gagwapuhan parin siya kay Luther, ang lalaking naging partner niya sa prom noon na hanggang ngayon ay di parin niya makalimutan na ngayon ay artista nadin at model pa. "Shannie.." Nagising naman siya sa kanyang malalim na pag iisip ng tawagin siyang muli ni Aiden. "Ano nga ang sinabi mo?" "I just want to ask, kung nasaan si emerald ngayon.." Natigilan naman siya sa sinabi nito. "Bakit mo naman naitanong?" Walang emosyon niyang tanong dito. "Gusto ko lang malaman kung ok lang ba siya?" Nakaramdam naman siya ng inis dito, naningkit ang mga mata niya. "At bakit mo naman gustong malaman? concern ka na ngayon sa kanya?" Nakakalokong tanong niya dito, may nakakalokong ngiti din sa kanyang labi. Nakita niya ang sakit sa mukha nito. "I just want to know where she is, shannie.." Seryosong saad nito, natawa naman siya ng pagak dito. "Sorry Aiden pero hindi ko pwedeng sabihin sayo kung nasaan man si Emerald ngayon.." "Kahit malaman ko lang kung ok lang ba siya, please shannie.." Pakiusap nito, kaya napabuntong hininga na lamang siya. "She's not ok.. she's suffering from anxiety dahil sa nangyari noon,lalo na ang trahedya na nangyari sa parents niya.." Kunot noo naman itong napatitig sa kanya, naguguluhan ang mukha nito. "W-what do you mean?" Siya naman ang kunot noo ngayon dahil sa tanong nito. "Her parents died six years ago because of a car accident.." Gumuhit sa mukha nito ang labis na pagkagulat, bahagya naman siyang napailing dahil wala pala itong alam sa matagal na panahon. "So wala ka man lang ka alam alam na patay na ang parents ni Eme?" "H-hindi ko alam.." Sandali pa itong natulala, pinoproseso ang mga sinasabi niya. "Ngayon alam mo na, titigilan mo na ba ang kakatanong ngayon?" Sarkastiko niyang wika dito. "Shannie, gusto ko lang naman malaman kung nasaan siya, gusto ko lang humingi ng tawad.." Nakadukong saad nito, napa hugot na naman siya ng hangin. "It's no use now Aiden, huli na para humingi ka ng tawad sa kanya, masyado na siyang nasaktan sa ginawa mo, sa ginawa ni blair..kaya sigurado akong hindi ka niya gustong makita ngayon..nasa malayo na siya Aiden at hindi mo na siya kailanman makikita pa.." Wika niya dito, gumuhit ang pait sa gwapong mukha nito. "Kailangan ko nang umalis baka hinahanap na ako ni Miss Melody.." Aalis na nga sana siya pero nagsalita itong muli. "Si Melody..bakit..bakit magkamukha sila ni Eme?" Kalmado niya ulit itong hinarap. "Si Melody ay------" "Shannie.." Sabay naman silang napalingon sa nagsalita, si Melody na papalapit na sa kanilang dalawa, pasimpleng nakahinga ng maluwag si shannie dahil timing talaga ang pagdating ng bff niya, hindi niya din kasi alam ang isasagot niya dito. "Kanina pa kita hinahanap, where did you g--oh Aiden..ikaw pala.." Nagtama ang mga mata nilang dalawa, pero walang emosyon na nakatitig si melody kay Aiden, hindi mabasa ni Aiden ang emosyon nito. Tama nga naman magkaibang tao ang dalawa, si emerald na kilala niya ay masayahing tao at ang mga mata nito ay kumikislap, pero si Melody malamig ito kung tumitig walang emosyon at mahirap basahin. "Ano bang pinag uusapan niyo?" Tanong pa nito, si Aiden ay nakatitig lamang dito. "Wala po Miss Melody.. hindi naman po importante.." Marahan naman itong tumango at binalingan si shannie. "Let's go shannie, may gagawin pa ako.." Sa huling pagkakataon sinulyapan ni Melody si Aiden na nakatitig lamang sa kanya, may emosyon siyang nakikita dito pero ayaw niya na lamang bigyan ito ng pansin, tinalikuran niya na ito at nagsimulang maglakad. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Hindi pa ito ang tamang panahon na malaman mo Aiden kung sino ako, or hindi nadin naman ako ang magsasabi sayo dahil si blair na mismo ang magbabalita sayo, na tiyak kong ikakawindang ng utak mo.. Wika ng isip niya. Sumunod naman si shannie dito, at naiwan na lamang na tulala si Aiden, nasapo niya tuloy ang kanyang noo, bigla nalang din sumikip ang dibdib niya sa nalaman. Nasasaktan siya dahil sa sinapit ng babaeng mahal niya, doble pala ang sakit na narasan nito. Kaya hindi niya ma imagine kung paano ito nag dusa. Unti unti na naman siyang kinakain ng guilt sa puso niya, mas gusto niya tuloy itong makita at kung pwede lang ay lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya para lang mapatawad siya nito. Abot langit ang kanyang pagsisisi dahil sinaktan niya ito, winasak ang puso nito't pagkatao. Kung bibigyan lamang siya ng isang pagkakataon ay itatama niya ang lahat ng maling nagawa niya dito. Hanggang sa makauwi nga siya sa kanyang condo ay parang walang buhay na lamang siyang napahiga sa kanyang kama, sobrang bigat ng kanyang dibdib ngayon.. "Eme..sana makita kita, itatama ko ang lahat..kung kailangan kong lumuhod sa harap mo ay gagawin ko para lang mapatawad mo ako..at hanggang ngayon sobrang mahal parin kita.. please..sana magpakita ka sa akin.. I've missed you so bad.. fcking bad na parang masisiraan ako ng bait.." Ahh nag iinit na naman ang mga mata niya, hindi siya madaling maiyak pero dahil sa babaeng mahal niya ay nagiging mahina siya, ilang taon niya ding dala sa dibdib niya ang konsensiya, at ilang taon niya din itong minahal kahit alam niyang kinakamuhian siya nito ngayon. "Siguro ay malayo ang tinaguan mo dahil ayaw mo talaga akong makita..fck eme! kahit isang beses lang, kahit ilang minuto lang o segundo ok lang sa akin basta makita lang kita.." Sobrang sumisikip ang kanyang puso ngayon, wala na siyang ibang hinihiling kundi ang masilayan kahit sandali man lang ang babaeng mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD