Melody's POV
"Are you out of your mind bff?!!"
Singhal agad sa akin ni Shannie ng makapasok kami ng make up room ko, bahagya na lamang akong natawa sa reaksyon niya.
"No I'm not.."
Casual kong sagot dito at agad na napaupo sa upuan.
"Bakit ka pumayag? ano na naman ang iniisip mo?"
Nasa harap ko siya ngayon at nakapamewang at salubong din ang kanyang kilay.
"Wala naman akong pinaplano ah, wag ka ngang mag overthink bff.."
Natatawa ko pang saad sa kanya, but it's a lie..syempre hindi ko sasabihin sa kanya, baka mas mag hysterical pa siya kapag nalaman niya ang plano ko. Ngayon pa nga lang ay ganito na siya mag react ano pa kaya kapag nalaman niya ang mga plano ko, tsk.
"You can't fool me with that bff, mas kinakabahan ako kapag ganyan ka..hindi ko na nga alam ang tumatakbo jan sa isip mo eh."
Seryoso naman akong napatitig sa kanya.
"Fine, i will tell you.."
Tumayo ako at lumapit lamesa na may wine at kumuha ng wine at baso,as usual marami na naman na nakatambak dito na mga regalo galing sa mga fans ko,maraming bulaklak at kung ano ano pa, pagkain at mamahaling inumin. Agad naman akong nagsalin sa akin baso at bumalik sa aking kinauupuan.
"Tinanggap ko ang role na yun dahil mas madali nalang sa akin ang pahirapan ang impaktang iyon.."
Nakangiti kong saad sa bff ko, pero di ko maiwasan na umukit sa aking mga mata ang emosyon ng pagkamuhi sa babaeng iyon.
Natigilan naman si shannie sa sinabi ko, ang kaninang pag hysterical niya ay napalitan ng pag aalala sa mukha.
"Bff.."
Mahinang anas nito, bakas da boses ang pag aalala. Tinungga ko naman ang laman ng baso ko at nakaramdam ako ng kaginhawaan sa lalamunan ko, kanina pinapanood ko lang talaga kung gaano ka pangit ang ugali ng babaeng yun, pero natutuwa naman ako dahil gusto ko din na dumating ang araw na masupalpal ko na siya at gusto kong lumaban siya sa akin at kung hanggang saan ang kaya ng btch na yun.
"Akala ko ba wala kang plano na mag higanti?"
Tinitigan ko naman si shannie, at ngumiti sa kanya.
"Bff i'm sorry to say this..but you can't blame me, masama ba kung gusto ko lang din pahirapan ang babaeng iyon? gusto ko lang naman na maranasan niya ang narasan ko noon sa kanya..ipagkakait mo ba iyon sa akin?"
Walang emosyon kong saad dito, nakita ko sa mukha ni Shannie ang pagkabigla, at ang mga mata niya ay nasasaktan.
"What's with that look shannie? do you pity me?"
Mapang uyam kong tanong sa kanya, bakas sa boses ko ang pagka irita.
"No bff..i.. i'm sorry..sorry sa inasta ko.."
Napabuntong hininga na lamang ako, tumayo ako at nilapitan siya, hinawakan ko ang isang kamay niya.
"I'm sorry din bff..pero sana maintindihan mo ako, kahit anong gawin kong limot ay andito parin ang sakit ng kahapon..akala ko magaling na ang sugat na iyon but sad to say, naging peklat iyon..ibig sabihin hindi na basta basta mabubura sa puso't isip ko ang ginawa nila sa akin.."
Puno ng pagkasuklam na saad ko, andito sa puso ko ang gustong pahirapan sila, gusto kong lumuhod sila sa harapan ko, ang babaeng iyon..at ang lalaking nagwasak sa puso at pagkatao ko.
Agad naman akong niyakap ni shannie.
"I'm sorry bff.. I'm really sorry.."
Naiiyak nitong saad sa akin, naging malambot naman ang ekspresyon ko at hinagod ang likod niya.
"Stop saying sorry bff, naiintindihan naman kita, i know concern ka lang sa akin..and i'm so grateful to have you my bff.."
Malumanay kong saad sa kanya, mas humigpit naman ang yakap niya at napaiyak nadin ito, ilang minuto ang lumipas ay kumalas na din ito sa pagkakayakap sa akin.
"Basta bff andito lang ako palagi para sayo..susuportahan kita kahit ano pa ang gagawin mo..kung saan ka magiging masaya.."
Napangiti ako ng matamis.
"Thank you bff.."
Pagkatapos naming mag usap ni shannie ay nag excuse muna ako na mag c-cr, habang siya naman ay nag prepare sa mga gamit namin para bumalik ng hotel.
Pumunta na nga ako ng comfort room para mag ayos sandali, pero bumungad sa akin ang babaeng kinaiinisan ko.
"Oh hi melody.."
Isang plastic na ngiti ang ginawad ko sa kanya, humarap na nga ako sa salamin at nagsimulang mag retouch, ganun din ang ginagawa niya ngayon.
"By the way melody, thank you dahil tinanggap mo ang pagiging kontrabida.."
Ngiting ngiti na saad nito sa akin, isang ngisi ang sumilay sa labi ko ngayon. Seryoso ba siya? natutuwa siya na pahihirapan ko siya? well that's good to hear, mas lalo pa akong na e excite.
"Are you not bothered?"
Tanong ko pa dito, kumunot naman ang noo niya at napatigil sa pag apply ng lipstick.
"For what?"
"Na baka mahirapan ka dahil syempre kontrabida ako at baka di mo kayanin ang pagpapahirap ko sayo.."
Tumawa naman ito, matiim akong napatitig sa kanya sa salamin.
"Bakit naman ako ma bobothered? sanay na ako sa ganyan, at isa pa hindi naman ako totoong sinasaktan ng mga kontrabida sa mga movies at teleserye ko.. their scared of me.."
Patuya nitong saad at ang huling salita nito ay seryosong nakatingin sa akin, natawa naman ako ng bahagya na ikinatigil niya, ang akala niya ba ay masisindak niya ako sa pananakot niya? Damn this b***h! ngayon pa nga lang gusto ko nang i ngudngod ang pagmumukha niya sa inidoro eh.
Dahil ba maimpluwensyang tao ang pamilya niya kaya dinadaan niya ang pananakot sa mga taong humaharang sa kanya? kahit sa pag arte ay pinapahirapan niya ang mga taong nananakit sa kanya kahit pa palabas lang ito? well alam ko lahat ng mga kalokohan ng babaeng ito. She's a fcking spoiled brat, tss.
Natawa na talaga ako sa sinabi niya kaya kita ko na ang inis sa mukha niya ngayon.
"What so funny?"
Naiirita nitong tanong.
"Well ibahin mo ako Blair, hindi lahat ng tao masisindak mo.."
Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi.
"So you dared to mess with me?"
Hinarap ko naman siya, hindi pa ako kilala ng babaeng ito, kung noon ay kaya niya akong apak apakan. Well now, i will not let her do it again. Ako na ang magpapahirap sa kanya, at wala akong paki alam kung gaano pa ka ma impluwensya ang pamilya niya.
"Relax blair, hindi ko naman sinabi na makikipag away ako sayo.. let's just be professional here.. trabaho lang ito.."
Nakangiti kong saad sa kanya.
Hindi ako pwedeng magpakita ng tapang ngayon, gusto kong ma surpresa ang impaktang ito sa gagawin ko sa kanya.
"Mabuti naman.."
Taas noo nitong saad, tinapos ko na lamang ang pag reretouch ko at akma na sana aalis.
"By the way melody, you look familiar.."
Natigil naman ako sa akma kong pag alis. Tiningnan ko naman siya na may ngiti sa labi.
"Talaga? may kilala ka bang kamukha ko.."
"Yes.."
"Sino naman?"
Seryosong tanong ko, sa loob loob ko ay alam ko na ang isasagot niya.
"A friend of mine, her name is emerald..magkamukha kayo..kilala mo ba siya?"
I saw this coming, kaya simulan na natin ang pag arte.
Lumawak naman ang ngiti ko na para bang may na alala akong isang magandang pangyayari sa aking reaksyon.
"Emerald Santibañez?"
Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.
"Do you know her?"
This is so exciting..
"Yes ofcourse, she's my twin sister.."
Ngiting ngiti kong sabi, and damn! her reaction, bigla na lamang siyang natulala at kung wala lang siyang lipstick sa labi niya ay panigurado akong namumutla na siya ngayon, gusto kong tumawa. Ang puso ko ay lumulundag sa saya dahil sa reaksyon niya.
"A-anong sabi mo?! K-kambal mo si e-emerald?"
"Oo, kilala mo pala ang kapatid ko? what a small world.."
Sabi ko pa na namamangha.. hindi nadin siya nakasagot sa sinabi ko.
"Are you ok blair?"
Concern kong tanong sa kanya, pero palihim na akong napapangiti sa itsura niya ngayon.
"I need to go.."
Dali dali na siyang nag ligpit ng gamit niya.
"Wait, gusto kong malaman kung paano mo nakilala ang kapatid ko.."
Pigil ko sa akmang pag alis niya, hinarap naman niya ako.
"Classmate ko ang sister mo noon, at siya lang naman ang umagaw sa boyfriend ko.."
Lihim kong naikuyom ang palad ko, kasama ng pag igting ng panga ko, ang kapal naman talaga ng mukha niya. Pero syempre hindi dapat ako magpahalata.
"Ooh, I'm sorry to hear that..ginawa talaga iyon ng kambal ko?.."
Napatakip pa ako sa aking bibig na kunwari ay nabigla talaga ako sa pinagsasabi niya.
"Yes she's a bitch..well buti nalang at hindi na nagpakita ang babaeng iyon.."
May sinasabi pa siya at agad na umalis sa harap ko, nag iba ang reaksyon ko nang mawala siya, nagdilim ang mukha ko at nagtagis ang baga ko sa kanya.
"So i am the w***e now?..sige paninindigan ko yang sinasabi mo Blair, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.."
Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa labi ko.