KABANATA 9

1499 Words
Third Person's POV "Where is melody? wala pa ba siya?" Tanong ng kanilang manager na si sam, kadadating lang nito at andito silang lahat sa conference room dahil pag memetingan na nga nila ang upcoming movie nila with melody, andito na din ang ibang staff at mga cast sa magiging movie pati deriktor andito nadin, si melody nalang ang kulang. "Wala pa manager.." Sagot naman ni Luigi na naka dekwatro sa upuan, katabi din nito si blair at katabi naman ni blair ay siya. Tahimik lamang siyang naka upo. "Ok i will just call her.." Kinuha naman ni Manager sam ang kanyang phone at tatawagan na sana nito si Melody nang bumukas naman ang pinto at iniluwa doon ang taong kanilang hinihintay, lahat ng mga tingin ng mga taong nasa loob ng conference room kasali nadin siya ay napako ang tingin kay Melody. "I'm sorry manager kung natagalan ako.." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapulang labi nito, ayaw man niya pero kusang napako na ang mga mata niya sa dalaga, lahat ng tao dito ay pagkamangha ang naka ukit sa mga mukha nito. Napakaganda nito ngayon, elegante itong tingnan sa suot na kulay itim na asymmetrical bodycon dress na hanggang tuhod ang taas nito, kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito o perpektong katawan nito. Hindi na nga niya napansin pa ang paglunok at bahagyang pag awang ng kanyang labi. Litaw ang ganda nito lalo pa't simple lang ang make up nito ngayon, kitang kita ang natural na ganda nito. "Hindi naman, kakadating ko lang din naman.." Nakangiting saad ni Manager sam dito, agad naman nag beso ang dalawa pagkatapos ay bumaling ang tingin niya sa harap namin. "Good morning everyone, pasensiya na kung nalate ako, medyo na traffic lang kasi eh.." Papapaliwanang nito, naka paskil parin ang matamis na ngiti nito sa labi , kitang kita rin ang magandang dimple nito na nagpadagdag pa sa kagandahan nito. Gaya ni Emerald may dimple din ito.. Sigaw ng isip niya, nakikita na naman niya ang babaeng mahal niya dito, naalala niya din ang babaeng nabunggo niya kahapon sa mall kamukhang kamukha ni Emerald o namamalikmata na naman siya, dahil nitong mga nakaraang araw wala na siyang ibang naisip pa kundi si emerald kaya siguro kung kani kanino na lamang niya nakikita ito, pero kay Melody alam niyang hindi siya namamalikmata dahil kamukha talaga nito si Emerald. Tumayo naman ang deriktor at nakipag kamay kay Melody, ngiting ngiti din ito at panay welcome sa dalaga pati ang ibang mga tao rito ay nakipag kamay nadin sa kanya. Habang siya naman ay nakatitig lamang dito at kapag napapatingin ito sa kanya ay agad naman siyang nag iiwas ng tingin. Di nadin nagtagal pa ay sinimulan na nga ang meeting. "Ok guys, sisimulan natin sa magiging title nang movie ninyu..and it will be 'The past' and it's all about love, sacrifice and revenge.." Panimula ng deriktor, nakikinig lamang sila habang ine explain nito ang lahat ng details, lahat naman ay napapatango, pero habang nagsasalita ang deriktor ay hindi mapigilan ni Aiden ang mapatingin sa kaharap, walang iba kundi si Melody, mataman lamang itong nakikinig sa deriktor. Mula sa mata nito ay di niya mapigilang mapatitig roon, sa matangos nitong ilong, makinis nitong mukha na wala man lang pores at ang pang huli ay ang mapupulang labi nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok, para bang nag init bigla ang pisngi niya dahil sa isiping masarap siguro halikan ang mapupulang labi na iyon, siguro ay napakalambot nito. Damn it! hold yourself Aiden! what the hell are you thinking.! Malutong na mura niya sa isip, agad niya na lamang iniwas ang tingin dito at nag pukos sa pakikinig sa kanilang deriktor. SA KABILANG banda naman ay ramdam na ramdam ni Melody ang malagkit na tingin ni Aiden, kaya lihim na lamang siyang napangiti, mukhang hindi naman siya mahihirapan sa magiging plano niya dito. "Ahhm excuse direk.." Napatingin naman lahat kay blair na nagsalita. "Yes blair, what is it?" "You said it was about a revenge story, and we are the main characters, there's a good and there's a bad character..but ofcourse i know for sure the good character is for me..am i right?" Aniya blair sa maarteng boses sabay turo pa nito sa kanyang sarili, ang ibang tao sa loob ay napangiwi sa taas noo nitong pagsasalita, mataas ang tingin nito sa kanyang sarili kaya ganoon na lamang ka confident itong magsalita. "I'm sorry blair, but all your movies are in good character..so i decided to put you on a bad character or as a villain." "What??!! no way!!" Lahat ng atensyon ay natuon kay blair ngayon bakas sa mukha ng mga ito ang pagka gulat dahil sa pagkalabog ng mesa at napatayo din ito, pero si Melody ay palihim na lamang siyang napangisi. "And why is that blair? ayaw mo bang mag try ng ganyang karakter?.." Kunot noong tanong ng deriktor dito. "Ayaw ko! hindi ako sanay, at marami akong magiging bashers pag nag kataon..kaya hindi ako papayag.." Napahugot na lamang ng malalim na hangin ang deriktor. "Bakit ba ayaw mo? pwede ka pang maging best actress kapag nagkataon, kapag naipakita mo kung gaano kagaling ang pag acting mo.." "I said no! I don't agree!" Tahimik lamang ang iba habang nakikinig sa kanila, at ang iba ay hindi na maiwasang mapailing dahil sa inasta ni Blair, makikita nga naman nila ang totoong pag uugali nito, pero mas pinili na manahimik na lamang, dahil kilala din naman ang pamilya ni Blair lalo na sa larangan ng negosyo, at maimpluwensyang tao ang pamilya nito. "At bakit ako ang gusto mo derik, why not her?" Masungit na turan nito sabay tingin sa pwesto ni Melody, natural lamang ang reaksyon niya dahil expected nadin naman niya ang mga susunod na mangyayari. Rinig ang mahinang pagsinghap ng ilang tao sa loob, at nagsimula na umusbong na tensyon ngayon. Kita nila ang hindi magandang pag welcome ni blair kay Melody. "Blair!" Suway ni Manager sam dito, agad naman napatingin si Blair sa kanyang manager at magkasalubong ang kanyang kilay. "Why manager? dahil ba mas sikat siya sa akin? kaya may special treatment kayo sa kanya? how absurd!.." Napapikit na lamang si Aiden, dahil ramdam niya ang inis sa sistema niya ngayon para kay blair, wala talaga itong pinipili na lugar. Ni hindi ito marunong matakot sa kung sino man ang kaharap nito. Kabaliktaran nga naman kapag nasa harap ito ng camera. Napatayo na nga si Manager sam dahil bigla na lamang siyang na stress sa pag uugali ni Blair ngayon, ni hindi na ito nahiya sa maraming tao. "No Blair, hindi yan ang ibig kong sabihin..at bakit mo ba bini big deal ito Blair? kayo na ngang apat ang bida hindi ba? ibig sabihin sa inyu naka focus ang movie..at wala akong binibigyan ng special treatment sa inyung apat..my gosh Blair.." Frustrated nitong saad habang napahilot sa sentido nito. "Eh yun naman pala manager, kaya kahit anong mangyari ayaw ko p-----" "Excuse me manager, can i intervene?" Naputol naman ang sasabihin ni Blair dahil sa pagsingit ni Melody, kaya lahat ng atensyon nasa kanya na ngayon. "Yes melody.." Napatikhim na sabi ni Manager sam. "Let's not prolong this topic, I will accept the role as a villain, and why not?..I also want to try to be a villain in a movie, i think that would be exciting.." Bahagyang napanganga si Aiden sa sinabi ni Melody, ang alam niya ay lahat ng movie ni Melody sa los Angeles ay bida ito lahat, mapa drama, horror at action movie pa. At ngayon gusto nitong maging kontrabida o dahil ayaw lang nito na pahabain ang topic at ayaw nadin siguro nito ng gulo kaya tinanggap nalang din nito ang pagiging kontrabida. "Are you sure Melody? ok lang ba talaga sayo?.." Nababahala ang mukha ni Manager Sam, alam niya din kasi ang mga naging karakter ni Melody sa mga nagdaang movie nito. "It's my pleasure manager, i think i can manage to be a villain character.." Matamis na ngiti ang ginawad nito sa manager nilang si sam, tulala na naman na napatitig si Aiden dito, Damn! the way she smile parang nakakahalina. Fck! what the hell is this feeling! Napaiwas na lamang si Aiden sa kanyang tingin dito, may narinig naman siyang dalawang staff sa likod niya na nag uusap. "Grabe ang ganda niya talaga, kanina pa ako nakatulala sa kanya,sana man lang kahit makamayan ko lang siya o mahawakan ang kamay niya ay pwede na akong mamatay shet!.." "Oo nga eh, ako din kahit maka shake hands ko lang siya ay buo na ang araw ko..sobrang ganda din talaga niya.. tapos ang bait pa, crush na crush ko din siya.." Halata sa mga boses nito ang sobrang paghanga kay Melody. Naningkit naman ang kanyang mga mata sa narinig, may umusbong na inis sa kanyang sistema na di niya alam kung bakit pero gusto niyang pag untugin ang dalawang lalaki sa likod niya. And what is wrong with you Aiden?!! tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD