KABANATA 8

1426 Words
Melody's POV Nandito na kami ngayon sa parking lot, pinasok na din namin ang mga pinamili namin sa mall, mga pasalubong para sa pamilya ni Shannie at pangalawang pamilya ko na. "All done.." Sabi ni shannie nang matapos na namin malagay sa likod ng kotse ang mga pasalubong. "Is this enough bff?" Tanong ko pa dito, dahil medyo nakukulangan pa kasi ako sa mga pinamili namin. "Ofcourse bff, sobrang dami na niyan.." Natatawa pa nitong sabi, tumango nalang din ako dahil siya naman din ang nakakaalam sa mga gusto nito, di nga nagtagal ay sumakay na kami ng kotse, ako ang nag drive. "Bumili muna tayo ng bulaklak.." Sabi ko pa at tumigil kami sa isang kilalang flower shop, bago ako lumabas ng kotse ay inayos ko muna ang suot kong cap at sinuot ko ulit ang sunglasses ko. Kailangan kong mag disguise dahil ayaw kong pagkaguluhan ng tao. Agad akong pumasok sa flower shop at binili ang pinaka mahal nilang bouquet ng bulaklak, dalawa ang binili ko para isa kay mama at isa din kay papa. Nang matapos ako sa pagbili ay agad din akong pumasok ng kotse. Ilang sandali pa ng pagmamaneho ko ay narating nadin namin ang Glory Cemetery. Bumaba na nga kaming dalawa ni shannie at hinanap ko ka agad ang puntod nina mama at papa, hindi ko pa pala napagtuanan ng pansin na ipalipat ang puntod nila, magpapagawa ako ng bahay para sakanila, tutuparin ko parin ang pangako ko sa kanila na gawan sila ng magandang bahay kahit meron na din naman akong naipagawa dito sa pilipinas, matagal na din iyong natapos dahil habang nandoon ako sa Los Angeles ay pinagawa ko na iyon. Nang makita ko ang puntod nila mama ay nag excuse naman sa akin si Shannie, tumango lang din ako dito. Nang itinuon ko na ang pansin sa puntod nila mama at papa ay mapait akong napangiti. Umupo ako sa gitna nila, magkatabi lang kasi sila ng puntod, inilagay ko ang isang bouquet ng bulaklak kay mama at ang isa naman ay para kay papa, may dala din akong prutas at ibang pagkain para sa kanila. Hinawi ko ang ibang mga dahon na tumatabon sa puntod nilang dalawa. "Ma, pa.. kamusta na kayo? pasensiya na po kayo dahil ngayon lang ulit ako nakadalaw sa matagal sa panahon, ngayon lang po ako nakabalik dito.. I'm sorry po.." Pinigil ko na wag pumiyok ang boses ko, isang pamilyar na kirot na naman ang gumapang sa puso ko, ang emosyon na matagal ko nang kinalimutan pero ngayon ay di ko mapigilan, lalo na ng ma alala ang panahon na nalaman ko na wala na sila sa buhay ko. Nagising ako nang marinig kong may tumatawag sa akin. "Bff kamusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa akin ang mukha ni Shannie, nag aalala ang kanyang reaksyon. "Bff.. n-nasaan ako? " Inilibot ko ang aking paningin. "Andito ka sa ospital bff.." Bigla ko namang na alala ang nangyari, ang pagtawag ni tita sa akin, agad na bumuhos ang luha ko. "Bff tahan na.." Umiyak lang ako nang umiyak, sobrang bigat ng dibdib ko, ilang sandali pa nga ay pumasok si tita. "T-tita.." Nanginginig ang boses ko na hinarap si tita. "N-nasaan po sila mama't papa?" Tanong ko padin dito kahit na may ideya na ako, nagbabakasakaling prank lang ito, biro lang ang lahat o isang masamang panaginip lang ito. "Eme, I'm sorry tanggapin mo na..wala na sila..wala na ang mama't papa mo.." Ilang beses akong napailing, ayaw kong maniwala, isa lang itong bangungot! walang katotohanan ang lahat ng ito! ang sikip ng dibdib ko, parang sinasaksak ng paulit ulit. "H-hindi, hindi totoo ito!! hindi pa sila patay! please tita! sabihin niyo buhay pa sila! p-please!!" Hinawakan ko ang kamay ni tita, halos lumuhod na ako sa harapan niya, pero tanging pag iling lang ang tugon niya sa akin. Nagsimula na akong mag panic, bumibigat ang aking bawat paghinga! Hindi! bakit ngayon pa? kung kailan kailangan ko silang dalawa, kung kailan wasak na wasak ang puso ko, kung kailan kailangan ko ang yakap at comfort nila, bakit? mas lalo lamang nadagdagan ang pagdurusa ko unang una sa ginawa sa akin nila Aiden at blair tapos ito naman ?? bakit napaka unfair naman nito?!! Andami ko pang gustong gawin kasama sila mama't papa, hindi ko pa natutupad ang pinangako ko na bibilhan ko sila ng sariling bahay at lupa, kotse na gusto ni papa at negosyo na gusto nilang dalawa. Sana isinama nalang nila ako, sana pala sumama ako sa kanila para kasali din ako sa aksidente, di ko kayang mag isa ngayon, di ko ito kaya! PINUPUNASAN ko ang sunod sunod na luhang pumatak sa pisngi ko, huminga ako ng malalim, kapag na aalala ko ang araw na iyon inaatake ako ng anxiety ko. Nag inhale exhale na lamang ako at pilit na iwinakli sa isip ko ang bangungot na iyon. "Kung andito lang sana kayo, matatamasa niyo rin kung anong meron ako ngayon, para ito sa inyu mama't papa..kaya ako nagsikap para sa inyu, kaya ko nang bilhin lahat ng gusto niyo..may sarili na tayong bahay at lupa ,naipatayo ko na ang dream house natin dito sa pilipinas at may kotse nadin tayo kahit tig isa pa kayong dalawa..kahit ano pang gusto niyo..." Napahawak ako sa aking dibdib, sumisikip ito. Napapikit ako ng mariin, ayaw ko nang umiyak. Alam kong hindi magugustuhan nila mama't papa na umiyak ako sa harapan nila. "Kaya kong ibigay sa inyu lahat, ma, pa.." Kahit anong gawin ko napaka traydor talaga ng luha ko, unti unting nag taas baba na nga ang aking balikat, di ko kaya! sobrang sakit! "Bff.." Naramdaman ko na lamang ang yakap ni Shannie sa akin kaya doon ako kumapit sa kanya, kung siguro nakatayo lang ako ngayon ay kanina pa ako natumba. "H-hanggang ngayon, sobrang sakit parin..parang kahapon lang sila nawala sa akin, sobrang sariwa parin ng alaala na yun.." Panay patahan naman sa akin si shannie, hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak hanggang sa mapagod ako. "Ma, pa..sorry po.. sobrang namiss ko lang kayong dalawa.." Ilang minuto pa kaming nag stay hanggang sa mapag desisyunan namin na umalis na din, nag paalam muna ako kina mama't papa at tuluyan na nga kaming umalis. 30 minutes ang lumipas nang makadating na kami sa bahay nila shannie, nang makababa kami ng kotse ay agad na sumalubong sa amin ang tatlo niyang kapatid. "Andito na sila ate!!!" Agad na yumakap sa akin si sherlyn ang bunsong kapatid ni shannie, lumawak naman ang ngiti ko. "Ba't antagal niyo po ate Melody? kanina pa po kami naghihintay sa inyu..." Nakangusong saad nito, hinimas ko naman ang buhok nito at nginitian. "Sorry na po, bumili lang kami ng mga pasalubong para sa inyu.." "Talaga po?!" Agad ding nagsilapit ang dalawa niyang kapatid sa akin. "Oo naman.." At sabay pa silang napatalon dahil sa tuwa, nakakawala talaga sila ng pagod. "Teka teka lang! si bff lang ba ang namiss niyo? paano naman ako?" Nakangusong saad ni shannie na parang bata, natawa nalang din ako sa inasta niya. "Syempre ate namiss kadin namin no..asan na pasalubong namin?" Ani syron na pangalawa kay shannie, mahina niya namang binatukan ang kapatid niyang lalaki. "Heh ikaw talaga! oo na syempre pwede ba namin iyong kalimutan?" Andito nadin kami sa loob ng bahay at mula sa kusina ay lumabas si tita shannon. "Naku andito na ang magaganda kong anak.." Agad naman na lumapit si tita shannon sa akin at agad akong niyakap, niyakap ko din ito pabalik. "Naku napakaganda mo naman talaga sa personal melody mukha kana talagang amerikana, bagay na bagay sa iyo ang blonde hair, mas lalo ka pang gumanda ngayon..dios ko saan kaba pinaglihi.." Nangingislap na saad ni tita shannon habang titig na titig sa mukha ko, parang na star struck na ata sa akin. "Naku nakakahiya naman tita, sobra sobra na po ang papuri niyo.." Para ko na ding ina si tita shannon, dahil sa ilang buwan kong pananatili dito noon sa kanila ay itinuring nila akong parang tunay na pamilya, at sobrang thankful ko sa kanila ng mga panahon na iyon, sa mga panahon na wasak na wasak ako ay sila ang naging sandalan ko. "Mama! ano di mo po ba ako namiss?" Nakanguso na namang saad ni shannie, agad din naman siyang niyakap ng mama niya. "Naku ikaw talagang bata ka napaka selosa mo.." Sabay kurot sa pisngi nito, natawa na lamang akong napatitig sa kanila, sumagi tuloy sa isip ko si mama. Ganyan na ganyan di sana kami ngayon kung nabubuhay pa siya, sila ni papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD