Melody's POV
"Bff ready kana ba?"
Muli kong tinitigan ang sarili ko sa malaking salamin, parang bumalik lang ako sa dati kong itsura, na kahit anong simpleng disguise lang ang gawin ko ay bumabalik parin ako sa simpleng Emerald, nakasuot ako ng itim na wig dahil nga blonde yung hair ko kaya kailangan kong mag suot nito, tapos nagsuot rin ako ng itim na cap, may nilagay din akong nunal sa mukha ko at naka suot din ako ng braces, ganitong get up ako noon eh, except lang sa nunal sa mukha ko.
"Bff let's go na.."
Pagtawag ulit ng bff ko sa akin, huminga nalang muna ako ng malalim at lumabas na din ng aking kwarto.
"Tara na.."
Napatingin ako kay shannie ngayon na nakatulala habang nakatitig sa akin, kumunot ang noo ko sa inasta niya.
"What's with your gaze bff?"
Nakataas na ang isang kilay ko sa kanya ngayon.
"W-wala, namiss ko kang ang dating ikaw..what i mean is, ganyan na ganyan si eme manamit noon."
Napakamot naman ako sa aking kilay, yeah baduy manamit, ganito ang get up ni eme noon walang ka class- class.
"Disguise ko to bff, hindi ako bumalik sa dati, tsk..di ko ginusto na maging ganito ang resulta, pero ano bang magagawa ko..tara na nga.."
Naiirita kong saad sa kanya, di naman siya nakapag salita pero naka ngiwi ang kanyang reaksyon, akala niya ba trip kong bumalik sa dating ako? tsk. Emerald is long gone! she's dead.
Una na akong lumabas at sumunod naman siya sa akin hanggang sa makarating kami ng parking lot, ako na ang mag da-drive.
Nang makarating kami ng mall ay agad naman kaming pumunta sa 3rd floor at binili na namin ang mga pasalubong na naka lista sa notebook niya, mga gamit ang una niyang binili dito sa 3rd floor.
"Bff bibili muna ako ng mga pagkain na pasalubong, sama ka o dito ka nalang muna?"
"I'll just wait here bff.."
Tumango naman ito at iniwan na din ako, nagpalinga linga naman ako sa paligid ko at marami ang mga tao ngayon dahil na din Saturday, walang trabaho at walang klase ngayon. These people had no idea na ako pala si Melody, kaya dapat mag ingat ako para di ako mabuko ng kung sino. Lalo na ang mga paparazzi na nagkalat nalang kung saan saan, naghihintay na lumabas lang ako at mahuli nila ako sa akto. Buti na nga lang at safe din kaming naka alis ng hotel kanina.
Tumayo nalang muna ako at naglakad lakad, na aaliw nalang din ako habang pinapanood ang mga taong may kaniya kaniyang pamilya, buo ang masayang pamilya kasama ang mama't papa nila, di ko mapigilang hindi mainggit kapag nakakakita ako ng ganito.
Sa Los Angeles bihira lang ako maka pasyal doon dahil nga mainit ang mga mata ko sa tao roon, at kahit anong disguise ko ay nahuhuli parin ako ng mga reporters at paparazzi. At dahil sa offer dito sa palipinas ay agad ko ding tinanggap dahil dito magagawan ko pa ng paraan na maka pamasyal, at parang sumasang ayon naman talaga ang tadhana sa akin, dahil ito nadin naman ang tamang panahon para makita ko ulit ang mga taong nagwasak sa puso ko noon.
Patuloy lamang ako sa paglalakad habang abala parin ang mga mata ko sa paligid, kaya di ko na napansin ang nasa harap at nabunggo na nga ako sa matigas na bagay.
"The heck!"
Nasapo ko ang noo ko dahil medyo masakit ang pagkakabangga ko sa kanya.
"I'm sorry miss, ok ka lang ba?"
Aniya sa baritonong boses, teka lang parang kilala ko ang boses na ito. Napatingin naman ako sa taong nabangga ko at kunot noo lamang akong napatitig sa kanya dahil di ko naman makita ang pagmumukha niya dahil sa suot nitong black sunglasses at may suot na black mask.
Pero hindi ako pwedeng magkamali ang boses niya, kilalang kilala ko ito.
Bakas din sa mukha ko ang gulat ngayon, at napamura na lamang ako sa isip ko ng marealize ko ang itsura ko ngayon.
"Ok lang ako.."
Agad naman akong tumalikod sa kanya pero hindi ko inaasahan na nang hilahin niya ang aking braso.
"s**t!"
Walang boses ang lumabas sa bibig ko nang sabihin iyon.
"Sandali lang miss.."
Napaharap naman ako sa kanya, alam ko na ang nasa isip niya ngayon, bahagya niya ngang ibinaba ang kanyang sunglasses hanggang sa nose bridge niya kaya nakita ko na ang mga mata niya ngayon, labis ang pagkagulat nito at kung nakikita ko pa ang buong mukha niya ay panigurado ako na namumutla na ito ngayon.
Pilit ko na lamang pinakalma ang sarili ko.
"Bakit? may kailangan po ba kayo?"
Inosenteng saad ko dito, hindi naman niya siguro ako tuluyang makikilala diba? dahil may nilagay din naman akong nunal sa mukha ko at naka braces din ako at naka wig ng itim at naka cap din, kaya imposibleng makilala niya ako bilang emerald.
"W-wala miss.."
Agad siyang umiwas sa akin ng tingin kaya kinuha ko iyong pagkakataon at umalis sa harapan niya, nagmamadali akong maglakad at pumunta agad sa restroom at nagkulong sa isang cubicle, nasapo ko ang dibdib ko at para na akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Sa dinami dami ba naman ng taong mababangga ko ay si Aiden Cooper pa talaga? the heck! at ano naman itong nararamdaman ko? kinakabahan ba ako dahil nakita niya ako sa ganitong itsura? pero parang hindi naman niya ako nakilala bilang melody, buti na nga lang napanatili ko ang maging kalmado kanina. At ano naman ang ginagawa niya dito? tsk, ano bang pakialam ko?!
Huminga nalang ako ng malalim habang pinapakalma ang sarili ko nang tumunog naman ang phone ko at agad ko ding sinagot.
"Bff! nasaan ka ba?!!"
Bahagya ko na lamang inilayo ang phone ko sa aking tenga dahil sa hysterical na boses ni Shannie.
"Andito ako sa restroom bff, lalabas na din ako.."
"Pinakaba mo naman ako! akala ko kung ano nang nangyari sayo..akala ko nabuko kana ng mga tao.."
"Tss, relax bff hindi mangyayari iyon..ako pa ba?"
Nang matapos kami sa pag uusap ay lumabas na din ako ng cubicle at tuluyan nading lumabas ng restroom, kalmado lang akong naglakad hanggang sa makita ko na si Shannie, may dala na itong malaking cart at puno ang ito sa nga pinamili niya.
"Let's go.."
Sabi ko pa sa kanya at tuluyan na din kaming lumabas ng mall hanggang sa makadating kami ng parking lot.
"Nagkabunggo kami ni Aiden kanina.."
Kalmadong saad ko kay Shannie na agad naman siyang napalingon sa akin at gulat ang reaksyon niya.
"What? kanina? anong nangyari?"
Panic niyang saad.
"Mukhang nakilala niya ako bilang emerald, pero hindi naman ako nagpahalata na kilala ko siya, naka disguise din kasi siya.."
Walang gana kong saad.
Para namang nabunutan ng tinik si shannie at nakahinga ng maluwag.
"Don't think too much bff, wala lang yun at kung makilala niya man ako ay may ma e rarason naman ako.."
Dagdag ko pa, kumunot naman ang kanyang noo.
"What do you mean?"
Napangiti naman ako, pero ramdam kong hindi niya nagustuhan ang pag ngiti ko.
"Malalaman mo din bff..not now.. let's go.."
Agad naman akong naglakad para maunahan na siya, naiwan siyang nakatulala at nag iisip kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko.
Ako naman ay ngiting ngiti dahil sa mapaglarong isip ko ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni shannie ang mga plano ko.