Melody's POV
"Why?..why did you do that?"
Lukot ang mukha niyang nakatitig sa akin, ako naman ay nagtatakang napatitig din sa kanya. Mas lumapit pa siya sa akin habang ang isang kamay niya ay nakaharang sa gilid ng ulo ko.
"What do you mean?"
Takang tanong ko dito.
"Why did you slap me??"
Napangisi naman ako sa tanong niya.
"Ofcourse, para magising ka na hindi ako si Emerald.."
Nakataas kong kilay na saad sa kanya at isang nakakalokong ngiti ang ginawad ko dito, nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya ngayon, naibaba niya din ang kanyang kamay mula sa pagkorner sa akin.
"Sino ba siya Aiden? kamukha ko ba talaga siya para makita mo siya sa akin?"
Hindi na maalis ang nakakaloko kong ngiti ngayon, habang nakatitig lang ako sa mukha niya ngayon, he look so anxious right now. At di ko mapigilan ang magsaya ang kaloob looban ko.
"M-magka mukha kasi kayong dalawa..ang babaeng mahal ko.."
Nauutal niyang sabi, ni hindi man lang siya makatingin sa akin ngayon. Napaismid ako sa sa huling sinabi niya.
"Ofcourse, cause she's my twin sister.."
Sa isang iglap lang ay napako na ang tinging niya sa akin, sobrang gulat sa mukha ang naka ukit ngayon sa kanya, and i feel so satisfied dahil sa naging reaksyon niya. That's it Aiden, mahulog ka sa mga kasinungalingan ko.
"T-twin sister? h-how come?"
He looks pale, hindi makapaniwala sa ibinunyag kong kasinungalingan, gusto ko na lamang matawa, No! i want to laugh so hard, but i try my best not to.
"Emerald Santibañez, she's my twin sister..this is so unexpected Aiden..hindi ko akalain na first love mo pala ang kambal ko, what a small world.."
Hindi siya nakapag salita, para bang nasa ibang mundo ang isip niya ngayon, halata talaga sa mukha niya ang malalim na pag iisip, at alam kong marami na din siyang katanungan ngayon, but let's end this here Aiden. Gusto kong gumapang ka papalapit sa akin para sa mga sagot sa katanungan mo ngayon.
"This is enough, i need to go..yung nangyari ka gabi .. kalimutan nalang natin iyon.."
Tuloy tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makalabas na ako, isang matagumpay na ngiti ang naka paskil ngayon sa labi ko..mas lalo pang lumala ang hangarin kong saktan ang lalaking iyon. At di rin naman magtatagal ay mangyayari ang araw na iyon.
KINABUKASAN ay andito ulit kami sa studio dahil sa gagawing photoshoots, nakaupo ako ngayon habang abala ang mga make up artisr sa pag aayos sa akin, si shannie naman ay abala din sa pag ready ng mga damit na susuotin ko ngayon, katabi ko naman si blair na inaayusan din sa ibang kwarto naman ay andoon sila Aiden at luigi or should i call him Zen, well trip niyang tawagin ko siyang Zen para maiba daw at siya naman ay tawag niya sa akin ay eunice.
"Ready na ba kayo? sisimulan na ang photoshoot.."
Tumango lang ako kay manager sam, kaya nang matapos akong make up an ay tumayo nadin ako, agad naman akong nagbihis. Pinili ko yung dress na medyo daring pero hindi naman malaswang tingnan. Ofcourse I have to be attractive in his eyes, it's my plan after all.
"Grabe ang ganda niyo po talaga miss Melody.."
Nangingislap na saad ng isang make up artist sa akin na agad ding sinang ayunan ng ibang staff. Kulang na nga lang ay mag korting puso ang mga mata niya.
"Thank you.."
Matamis akong ngumiti sa kanila, sinuot ko na din ang high heels ko.
Narinig naman namin ang pagtikhim ni Blair, kaya lihim na lamang akong napangisi.
"Miss blair sobrang ganda mo..bagay na bagay sayo ang suot mo ..mas lalo ka pang sumexy..bagay na bagay talaga kayo ni Aiden.."
Malakas na sabi ng isang make up artist niya na halata naman na sinasadya nito na lakasan ang boses upang marinig namin.
"Tara na Miss melody.."
Pag aya naman sa akin ni bff na nakairap pa kay blair ngayon.
Lumabas na nga kami ay sakto naman lumabas na din si Aiden galing sa kanilang dressing room, agad na nagtama ang mga mata namin. Pero imbes na hindi ko siya pansinin ay isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya na ikinagulat niya, hinawi ko pa ang buhok ko para mas makita niya ang makinis kong balikat. At di naman ako nabigo sa naging reaksyon niya, isang paglunok ang ginawa nito at agad na nag iwas ng tingin sa akin.
"What was that?"
Napatingin naman ako kay shannie na mahina akong siniko.
"Why?"
Inosenteng tanong ko dito, at nagpatuloy na lamang sa paglakakad, agad naman itong sumunod sa akin.
"Ano yun? inaakit mo ba siya?"
"No.."
I plainly said, ni hindi ko siya tinapunan ng tingin, pero may munting ngiti parin sa aking labi. Magsasalita pa sana siya nang makarating na din kami sa loob ng studio.
"Eunice.."
Napalingon naman ako dahil sa pagtawag ni Luigi sa akin, at pansin ko na agad ang mga titig ni Aiden sa akin na nasa amin na ngayon ni Luigi.
"Wow, you're so gorgeous.."
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig lamang sa akin si Aiden at ramdam ko ang madilim niyang awra, kaya matamis akong ngumiti kay Zen at medyo nilandian ko ang kilos ko, inayos ko ang kwelyo ni Zen na ikinagulat naman nito.
"You look handsome too Zen.."
Nakatitig ako sa mga mata niya, nangislap naman iyon at namumula rin ang kanyang pisngi.
"Aiden come, let me fix your sleeve.."
Narinig kong saad ni Blair dito, pasimple na lamang akong napatingin sa kanilang pwesto at dikit na dikit nga si blair dito na para bang sinasadya din nito. Pero hindi ko na lamang iyon binigyan pa ng pansin at umiwas agad ng tingin.
Ilang sandali pa nga ay nagsimula na din ang photoshoot, unang kinunan ay sina Aiden at blair habang nagsisimula na sila ay panay kwentuhan lang kami ni Zen, nag eenjoy din naman akong kausap siya dahil napaka jolly naman kasi ni Zen.
"Hey Aiden! look at her.."
Sabay naman kaming napalingon dahil sa pagsigaw ng photographer, pero agad na nagtama ang paningin namin ni Aiden at matalim ang tingin niya sa akin at madilim ang kanyang awra. Pero imbes na mabahala ako ay mas lalo pa akong lumapit kay Zen ay may binulong ako dito na nag pangiti naman dito, ang mga mata ko ay nakapako lamang sa kanya habang bumubulong ako kay Zen.
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang palad.
"What is your problem Aiden?"
Rinig kong inis na wika ni blair dito, naiirita nadin ang mukha nito ngayon.
Nagpatuloy ang photoshoot nila, maka ilang beses din silang paulit ulit dahil halata sa mukha ni Aiden na wala na ito sa mood. Natapos na nga sila na hindi parin maipinga ang mukha ni Aiden, pati ang photographer ay mukhang naiinis na sa kanya. Palihim na lamang akong napa ngiti.
"Let's go Zen?"
Pag aaya ko kay Zen.
Now it's our turn, pumwesto na nga kami ni Zen, halata din sa mukha nito ang excitement. Dahil nga siya ang ka love team ko kaya kaming dalawa ang kukuhanan ng mga pictures ngayon.
The photographer instructed us sa mga posing na gagawin namin ni Zen.
"Ang unang pose na gagawin ninyu ay dapat magkadikit ang inyung katawan..
Ok that's easy.
"Yung right hand mo luigi ay dapat nasa bewang ni Melody, at yung dalawang kamay mo Melody ay dapat nakapulupot sa batok ni Luigi..nakuha niyo ba?"
Tumango naman kaming dalawa ni Luigi at sinimulan nadin ang pag kuha ng larawan sa amin. Magkatitigan kaming dalawa ni Luigi kaya kitang kita ko ang mukha niya kung paanong namula, kaya napangiti ako sa kanya na ikinalunok naman niya. Mukhang malakas ata ang tama nito sa akin, ramdam ko naman iyon sa bawat titig niya.
Pero hindi naman ako sa kanya naka pukos kundi sa lalaking nakatitig lang din sa akin ngayon, masama at nakakamatay na tingin ang pinupukol sa amin ngayon.
Hmm? what's with that sharp gaze Aiden cooper?