KABANATA 15

1578 Words
Third Person's POV Natapos din ang kanilang photoshoot, at ramdam ni Melody ang pagod, napa upo na lamang siya sa kanyang upuan dahil sa maka ilang beses na nagbihis siya para sa kanilang photoshoot. May solo din siya kaya ilang beses din siyang nagbihis. "Here's your water miss melody.." Iniabot ni Shannie ang kanyang tumbler na may laman ba tubig. "I want to go home.." Anas niya matapos uninom ng tubig, nauna na ngang umalis si luigi kanina. "Malapit na akong matapos dito, pwede ka na ding mauna sa parking lot.." Tumayo na nga siya dahil hindi padin naman tapos ito sa pagliligpit. Nag paalam naman siya na mauuna na sa parking lot, pati ang ibang staff ay tinugunan niya lang ang mga ito dahil nag paalam na din ito sa kanya. Naglalakad na nga siya patungong parking lot, minasahe niya pa ang kanyang batok dahil ramdam niya ang kirot doon, photoshoot pa nga lang ay pagod na pagod na ang katawan niya tapos bukas ay magsisimula na silang mag taping, dumagdag pa ang presensiya ni Aiden kanina sa kanya, masama kung makatingin sa kanila ni Luigi. Di niya din naman mapigilan ang mapangisi dahil natutuwa din naman siya sa nagiging reaksyon nito, batid naman niyang mahal pa siya ng binata dahil nga unamin ito ng maghalikan silang dalawa. Ramdam niya ang pananabik nito sa kanya, kaya malaki ang tsansa na mapadali ang mga plano niyang paghihiganti dito, ang paibigin ito hanggang sa mabaliw ito sa kanya. Yun ang gusto niyang mangyari. Nakarating na siya ng parking lot nang may tumawag sa kanya. "Melody.." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, ang malalim na boses na yun ay kilalang kilala niya kahit pa nga nakapikit siya ay kilala niya ang boses nito. Humarap naman siya dito na may ngiti na naka paskil sa kanyang labi. "Aiden? anong kailangan mo?" Lumapit naman ito sa kanya kaya magkaharap na sila ngayon, at agad naman nagtama ang kanilang mata, ang mata nito na malamig ngayon kung makatitig sa kanya. "What are you trying to do?" Seryoso at walang emosyon nitong tanong. Kumunot naman ang noo niya sa tanong nito, kahit naman alam niya ang ibig sabihin nito ay kailangan niya paring umakting. "What? hindi kita maintindihan.." Nag igting ang panga nito dahil sa sagot niya, halata nadin ang pagpipigil nito ngayon. Mas lumapit naman siya dito kaya umangat ang paningin niya ngayon, matangkad kasi ito kahit pa naka high heels siya ngayon ay sobrang tangkad parin ni Aiden sa kanya, sa tansta niya ay nasa mga 6'3 ang taas nito. "You know what Aiden, you are just tired..kaya kung ano- anu nalang ang nasa isip mo..dahil ba sa halik na yun kaya ka nagkakaganyan?" May mapaglarong ngiti ngayon sa kanyang labi, mapang akit niya din itong tiningnan at humaplos ang kanyang mga daliri sa dibdib nito, nakita niya ang paglunok ni Aiden. "I told you, forget it..hindi ako si Emerald..kaya kalimutan mo na ang halik na yun.." Bahagya pa siyang nagulat dahil sa marahas na paghawak nito sa kanyang pulsuhan. "Hindi ako naniniwala na kapatid mo si Emerald, dahil wala siyang nabanggit sa akin noon na may kambal siya.." Mariin nitong saad sa kanya, ang mga mata nito ay matalim kung tumitig sa kanya ngayon, isang ngisi lamang ang tinugon niya dito. "Bakit naman niya sasabihin sayo na may kambal siya? ganun ba kayo ka close? sa pagkaka alam ko..niloko mo siya..pinaglaruan.." Tumitig siya sa mga mata nito at nakita niya ang labis na konsensiya, he looks so guilty. Nag igting ang panga ni Melody dahil naalala na naman niya ang nakaraan, ang mapait na nakaraan na gusto man niyang kalimutan. Pero paano nga ba kung ang mismong lalaking iyon ay nasa harapan niya na, habang nakikita niya ito ay bumabalik lamang ang lahat. Ang mapait at masasakit na alala niya noon. "You don't know anything melody.." Aniya sa mababa at malamig na boses, mapanganib din ito. Natawa naman siya ng pagak at piniksi ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pulsuhan. "Yes I know everything Aiden.. she's my sister, she told me everything..kayong dalawa ni blair..kayo ang sumira sa buhay niya.." Mababa lamang ang boses niya pero puno ng bigat at pagkasuklam habang sinasabi iyon. "You have no idea, how she suffered from depression and anxiety because of what you've done to her..she was so helpless..to the point na gusto na lamang niyang mawala kasama ang parents namin.." Pigil ang emosyon niya, nagsisimula na naman umusbong ang galit niya sa dibdib ngayon. Nakita ni Aiden sa mga mata ng dalaga ang pagkasuklam dito. Umurong na nga ang dila niya dahil wala siyang masabi, hindi niya inaasahan na ganun ang nangyari kay emerald, kaya mas lalo lamang umusbong ang kagustuhan niyang makita ito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito, pero walang emosyon ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. "Melody..tell me..where is she..i want to see her, gusto ko siyang maka usap.. please.." He said pleaded sa isang iglap lang ang kaninang malamig na mga mata niya ay punong puno na ngayon nang pagmamakaawa, hinawakan nito ang kamay niya, sa hindi malamang dahilan para siyang nakuryente ng madikit nito ang kamay sa kanya, at hinawi nito para mapabitaw siya dito. "I'm not in the mood Aiden, next time nalang .." Walang gana nitong sabi at agad na tinalikuran siya nito. Awang ang kanyang bibig dahil sa ginawa nito, pero nang mahimasmasan siya ay sinundan niya ito hanggang sa mahablot niya ang braso nito kaya napaharap ito sa kanya. "Ano bang kailangan kong gawin para sabihin mo sa akin kung nasaan si Emerald?" He's desperate. Gusto niya lang maka usap ito, gusto niyang humingi ng tawad, at sobrang namimiss niya din ito. Kahit man lang sandali niya lang itong masilayan ay sapat na sa kanya, ilang gabi na siyang hindi nakakatulog, simula nang dumating si melody ay palagi na lamang gumugulo sa isipan niya ang dalawang babae, na para bang pinipilit ng puso niya na iisa lamang ang mga ito. Pero ang isip niya ay sumisigaw na magkaibang tao ang dalawa. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Melody, bigla siyang hinila ng dalaga at isinandal sa tagong pader, gulat ang mukha niya dahil sa ginawa nito. "Baka mahuli tayo ng paparazzi.." Saad nito, habang nakatingin sa paligid. Nakatitig lamang si Aiden sa magandang mukha nito, kaya napalunok na naman siya ng wala sa oras, sobrang lapit nito sa kanya at naamoy niya din ang nakakahalina nitong pabango, matamis at mukhang masarap tikman,Damn it!. Hindi niya malaman kung bakit ganito na lamang mag react ang katawan niya pag naglalapit silang dalawa ni Melody, simula nang mahalikan niya ang malambot at matamis na labi nito ay para bang hinahanap niya na ito. Magkatulad ang labi nito sa labi ng babaeng mahal niya, o dahil lasing lang talaga siya ng mga oras na yun kaya ganun nalang ang naramdaman niya, kaya nga siya nasampal nito dahil sa pagtawag niya sa pangalan ni Emerald. "Gusto mo ba talagang malaman kung nasaan si Emerald?" Tanong nito sa kanya, di mawala ang pilyong ngiti nito sa labi, kumabog tuloy ang puso niya dahil iba ang nararamdaman niya, iba ang pinapahiwatig ng mga ngiti nito. "Y-yes, i want to know.." Nauutal niyang sagot dito, mas lumalakas pa ang t***k ng puso niya ngayon, lalo pa't mas lumalapit pa ang mukha nito sa kanya. "At gagawin mo ang lahat diba?" Mapang akit nitong saad sa kanya, napalunok na naman siya ng laway ngayon dahil nagsisimula ng matuyot ang lalamunan niya. Di naman niya maitatanggi na nakaka akit ito sa paningin niya ngayon,sino ba namang hindi ma aakit sa alindog nito, kahit si Luigi nga ay na aakit dito. "Let's talk in private, why don't you come to my condo..at doon ko sasabihin sayo ang gusto mong malaman.." She flirted said to him, habang ang daliri nito ay humahaplos sa kanyang dibdib pababa, pero agad niyang pinigilan ang kamay nito at bahagya niya rin itong inilayo sa kanya, mahigpit ang hawak niya sa kamay nito. Matalim ang titig na pinukol niya sa dalaga, pero bakas din sa mukha niya ang nagsisimulang umusbong na pakiramdam sa kanyang katawan, at hindi niya na nagugustuhan ang nangyayari ngayon. "Damn it! why are you doing this?!" Nag igting ang panga niya habang pigil ang kanyang boses na wag tumaas, naghalong inis at init ng katawan ang nararamdaman niya ngayon para dito. "What do you mean? mag uusap lang naman tayo Aiden, wala naman tayong ibang gagawin..gusto ko lang naman na maging private ang usapan natin dahil baka may makakita sa ating dalawa.." Inosenteng saad nito na para bang walang ginawang pang aakit sa kanya ngayon. "O baka naman iba ang iniisip mo?" Nakakalokong ngiti ang sumilay sa mapulang labi nito, naramdaman niya agad ang pamumula ng pisngi niya ngayon. What the fck Aiden?! you're blushing?!! damn you! Malutong na mura niya sa kanyang isip. "I'm not thinking of something---hey!" Nabitin ang sinasabi niya nang tinalikuran na pala siya nito. "Pag isipan mo na lang Aiden..and call me.." Humarap ito sa kanya at nag call sign at sabay siyang kinindatan nito, sandaling nahigit niya ang kanyang paghinga dahil lang sa pag kindat nito sa kanya. Pumasok na nga ito ng tuluyan sa kotse nito at sakto namang pagdating ni Shannie at nagtatakang napatitig sa kanya pero hindi nadin nag tanong pa at dali daling sumakay ng kotse, ilang sandali pa ay umalis na ang mga ito at naiwan na lamang siyang nakatayo at tulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD