HINDI na magkandaugaga ang buong pamilya sa mga dadalhin nilang mga pagkain, gamit, at kung anu-ano pa sa El Fuego Beach Resort ngayon. Bagay na rin itong naisip nila sa dami ng stress na nangyari sa kani-kanilang mga buhay. Si aling Gina ay busy sa tinatapos niyang lutuin, si Sandra naman ang naghanda ng mga kubyertos at mga plato. Matiyaga niya iyong inilagay sa basket. Habang si Lola Ester ang tiga utos lang at papalakpak palakpak pa ito. Si Juancho at Enzo ang tiga karga ng mga gamit na dadalhin sa sasakyan. Si Mang George ang nag-uutos sa dalawa, syempre pakitang gilas rin ang dalawang mokong. Nag-aagawan pa sa bibitbitin. "Georgina, ilang swimsuit ba ang dala mo? Ayaw mo bang hiramin iyong may polkadots kong panty? Nako! Antique 'yon! Minana ko pa sa Lola mo!" biro ni Aling Gina sa

