PAGKARAAN ng tatlong taon ay bumalik na sa normal ang buhay ni Georgina. Parang kahapon lang ang nangyari. Parang kahapon lang ay nasa tabi pa niya si Juancho. Sa pagkakataong 'to ay mas lalo niyang sinipagan sa trabaho. Maraming beses na naalala niya pa rin si Juancho lalo na tuwing nasa apartment siya. Bawat sulok ay may alaaala ng binata masaya man iyon o malungkot. Pero hindi tulad ng dati, nagagawa na niya ngayon na ngumiti habang inaalala si Juancho. Kung noon ay hagulgol ang naisasagot niya sa lahat, ngayon ay mas matibay at matatag na Georgina Pallez ang ipinapakita niya. Kailanman, hindi niya nakalimutan si Juancho. Paulit ulit pa rin niyang binabasa ang liham nito saka tahimik na kikiligin. Paulit ulit rin niyang sinasariwa ang mga masasayang alaala nila ni Juancho na hindi niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


