ILANG linggo na rin ang nakakalipas mula nang nagbalik si Juancho sa kanyang panahon pero si Georgina ay parang hindi pa rin nakakabalik sa kanyang sarili. Wala na 'yung ningning ng mga mata nito. Wala na 'yung sigla sa mga tawa at biro niya. Nawalan na siya ng lakas na harapin ang araw-araw. Pakiramdam niya, kalahati sa buong pagkatao niya ang nawala sa paglisan ng unang taong minahal niya sa buong existence niya. Si Juancho lang iyon. Walang makakapalit sa puwesto niya. Parang kahapon lang kasi ang lahat. Sariwa pa sa sariwa ang lahat ng alaalang pinagsaluhan nilang dalawa. Sunod-sunod na katok ang naulinigan niya sa pintuan ng kanyang kuwarto. "Anak?" ang Mamsy niya. Nakailang balik na ito sa kuwarto niya pero hindi niya sinasagot. Nag-aalala na sa kanya si Aling Gina. "Anak, magsab

