CHAPTER 47

1203 Words

NAWALAN ng malay si Georgina sa dalampasigan kaiiyak. Mabuti na lamang at sumunod si Enzo sa kanya pati na rin ang mga magulang nito dahilan para makita nila ang dalaga na nakahiga na sa buhangin at walang malay. Dali-daling tinakbo ni Enzo ang kinaroroonan ni Georgina. "Georgi! Anong nangyari?!" anito sabay pilit na isinandal sa kanyang dibdib ang dalaga. "Anak! Ang anak ko!" histerikal na wika ni Aling Gina. "Anong nangyari?" Si Lola Ester. "Mukhang nawalan siya ng malay," sagot naman ni Sandra. Dahan-dahang iminulat ni Georgina ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay napakabigat niyong imulat. Masakit pa ang ulo niya sa kaiiyak. Nang maimulat niya ang dalawa niyang mata ay nakita niya ang buo niyang pamilya at mga kaibigan kaibigan. Ramdam niya ang pamamaga ng kanyang mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD