"HINDI talaga ito tama, Sis, e. There is really something wrong." Napahilot si Sandra sa kanyang ulo. Kanina pa siya pabalik-balik at nakapamewang. Nasa bahay niya ngayon si Georgina. Dito nagpalipas ng ilang mga gabi ang dalaga. "Magtigil ka nga sa ginagawa mong iyan, Sis. Sumasakit ang mata at ulo ko sa iyo!" suway niya. "Malakas talaga ang kutob ko na sinamantala ng Monique na iyan ang kahinaan ni Juancho!" "Siya pa talaga ang nanamantala ha? Ayus-ayusin mo nga iyang sinasabi mo at naka bumalik 'yan sa'yo," singit bigla ni Enzo na kanina pa tahimik na nakikinig sa pagtatalak ni Sandra. "Pwede ba, Enzo? Hindi ka kasali rito. Wala ka bang friends? Papansin 'to!" reklamo ni Sandra saka bumaling kay Georgina. "Sis, hindi natin alam. Malay mo, talagang sila na. Totoong nanligaw talaga

