CHAPTER 25

1360 Words

"SIS! Nasaan ka na ba? Tutubuan na ako ng ugat sa talampakan kakatayo rito!" Banas na banas at halatang iritado na si Sandra sa tono ng boses nito. Sa tagal ng paghihintay nila ni Enzo kay Georgina ay tinawagan na niya ang dalaga. "Bakit ka ba nakatayo? Maupo ka kaya sa loob ng kotse ni Enzo!" suhestyon ni Georgina. Napa-roll eyes naman si Sandra saka tiningnan ang kababata ni Georgina na si Enzo, nakangisi ito sa kanya. Talagang iniinis siya ng binata. "Nevermind na lang! Mas pipiliin kong tubuan ng ugat sa talampakan kaysa tubuan ng sungay diyan sa kaibigan mong pinaglihi kay satanas! Nako, kung hindi mo lang talaga kaibigan ko, matagal ko na 'tong pinaligpit, e." Halatang puno ng konsumisyon ang mukha ni Sandra. Mababakas mo ito sa nakakunot niyang noo at nakabusangot niyang bibig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD