HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala si Georgina na nasampal niya si Juancho ng pagkalakas-lakas kani-kanina lamang. Ngayon lang ay narito sila sa loob ng isang ice cream store at abalang-abala si Juancho sa panlalantak ng sorbetes.
Si Georgina naman ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Maaawa ba ito dahil bumakat sa pisngi ng binata ang kanyang palad at hanggang ngayon ay namumula pa, o matatawa dahil sa madumi nitong pisnge gawa ng ice cream na nilalantakan niya ngayon na para bang hindi ininda ang pagkakasampal sa kanya ng dalaga. Napailing-iling na lamang siya nang sariwain ang nangyari kanina sa labas ng mall.
"Binibini, napakasarap naman nito. T-teka, ikaw? Ayaw mo bang kumain? Matutunaw na iyang iyo, e," wika ni Juancho sa kalagitnaan ng pagkain niya ng sorbetes.
"Hindi na, ayaw kong kausapin ang isang bastos," mataray na tugon ni Georgina.
Napahawak naman si Juancho sa kanyang tiyan sa kakatawa sa mga binitawang salita ng dalaga. Hindi nito lubos maisip na marumi rin pala ang isipan nito.
"Hindi ko alam na marumi ka rin naman palang mag-isip, ano?" sagot ni Juancho sa dalaga na siyang dahilan upang umismid ito.
"Bakit? Ano ba ang dapat kong isipin sa mga sinabi mo? Anong ipapahawak mo sa'kin?" mataray nitong tugon na siyang lalong nakapagpalakas ng tawa ng binata.
"Huwag mo nga akong tinatawanan! Hinaan mo ang boses mo at wala tayo sa bahay!" suway ni Georgina.
"Ano ba ang iniisip mong ipahahawak ko sa iyo?" pagbabalik ng tanong ng binata rito.
Lalo lamang namula roon si Georgina kaya't pagalit nitong sinubo ang sorbetes na malapit na ngang matunaw. Itinuon na lamang niya ng pansin ang pagkain nito kaysa ang makipagbangayan sa tusong si Juancho.
"Sikreto na lamang muna iyon." Walang ano-anong wika ni Juancho sabay kindat kay Georgina.
Pinandilatan lamang siya ng mata ng dalaga at siya naman ay napangisi sa inasal nito. Mukhang mahihirapan yata siya sa ating bida.
"Binibini," wika ni Juancho habang pinagmamasdan si Georgina na inuubos ang sorbetes sa harapan niya.
Parang wala itong pakealam kung madungis na siya basta't patuloy lamang siya sa pagkain. Pero nang mga sandaling tawagin siya ni Juancho ay halos napaatras ang dila nito.
"A-ano na naman ba?" nauutal pa nitong sagot sa binata.
"Ano't tila lalo kang gumaganda sa aking paningin," sagot ni Juancho habang hindi inaalis ang pagkakatitig nito sa kanyang mukha.
Si Georgina naman ay hirap kontrolin ang sarili dahil hindi nito matitigan ng diretso si Juancho. Kino-corner siya ng mga banat ni Juancho.
"Ano ba. H-huwag mo nga akong pinaglalaruan," sambit nito habang iniipit ang boses. Hiyang-hiya na ito ngayon dahil sa ginagawa ni Juancho. Hindi niya ito pinaglalaruan. Sadyang nagsasabi lamang ito ng totoo.
"Iyon ay katotohanan, Binibini." Pagtatanggol nito sa kanyang sarili sabay kindat sa dalaga.
Bahagyang napalunok ng laway si Georgina dahil sa mga tinuran ni Juancho sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay nagugustohan na siya ni Juancho?
"Tara na nga!" bigla na lamang tugon ni Georgina at sinimulan na lumabas ng lugar na iyon. Kung gaano ba naman kasi kalamig ang ice cream na kinakain niya ay gano'n naman kainit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Kahit kakakain lang ng malamig ay pinagpapawisan ito na akala mo naman ay humigop ng mainit na mainit na sabaw.
Sa kanilang paglalakad ay isang tunog mula sa cellphone ni Georgina ang nagpatigil sa dalawa. Dinukot naman agad ng dalaga ang cellphone sa kanyang bulsa upang tingnan kung kanino nagmula ang tawag.
Walang iba kung hindi si Sandra.
"Hello?" sagot ni Georgina sa kaibigan.
"Georgina! Omg! You won't believe this!" pambungad nito sa kanya.
"Bakit? Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni Georgina sa kaibigan.
Lumapit naman ng bahagya si Juancho upang makinig sa kanilang usapan.
"Pinatatawag ka ni Ma'am Monique, now na!" nagmamadaling wika nito. Nanlaki naman bigla ang mga mata ng dalaga.
Sa boses kasi ni Sandra ay tila masama ang ihip ng hangin.
"Sa anong dahilan naman, Sis?" nag-aalalang tanong nito. Baka kasi at bubugahan pala ito ng apoy sa harapan niya at wala itong kamalay-malay, kailangan niyang maghanda.
"Pakibitbit ang alaga mong si Juancho, Sis! Today is his screening! Mainit ang ulo ng bruha, hindi niya bet ang mga inirekomenda ng mga kasama natin!" mangiyak-ngiyak na wika ni Sandra sa kabilang linya na tila hindi na rin alam ang gagawin.
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Georgina ng mga oras na iyon dahil sa mga tinuran ni Sandra. Plano pa sana nitong turuan si Juancho sa pananamit at kung paano ang mag-model ngunit mukhang kailangan na lamang nitong i-asa sa katalinuhan at kapogian ni Juancho ang kanyang kapalaran.
Pinatay na agad ng dalaga at tawag at nagmamadaling hinigit ang kamay ni Juancho. Mismong siya ay nagulat sa kanyang ginawa. Pinaghalong kaba at kakaibang dagundong ng kanyang puso ang dahilan ng mabilis na pagtibok nito.
Tila nag-slowmotion ang paligid para kay Juancho habang hawak-hawak ng dalaga ang kanyang kamay.
Kahit halos takbuhin na nila papuntang opisina ay tila ang bagal ng takbong iyon. Hindi niya maialis ang mga titig sa dalaga at sa malalambot na kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay na may kagaspangan.
"Narito na tayo!" hinihingal pang sambit ni Georgina habang nakatigil sila sa tapat ng pintuan. Hindi muna niya ito binuksan. Samantalang si Juancho ay nakatulala pa rin at hindi na yata maialis ang mga titig sa mukha ni Georgina, papunta sa nga labi nitong nakaawang pa ng konti upang habulin ang hininga sa kakatakbo.
"Juancho, galingan mo, ha. Kapag na-impress si Ma'am Monique sa iyo, good shot na agad ako sa kanya," bilin nito sa binata habang hawak-hawak ang dalawa nitong mga kamay na mas lalong nakapagpabilis ng t***k ng puso ng binata.
Tanging pagtango ang naging sagot nito. Hindi na nito malaman pa ang isasagot dahil sa tindi ng kabog ng kanyang dibdib.
"FINALLY!" mataray at malakas na wika ni Monique nang iniluwa ng puting pintuan sina Juancho at Georgina. Halos maulol lang naman ito nang masilayan ang pamatay na ngiti ni Juancho.
Inilibot ni Georgina ang paningin sa loob upang makita kung sino-sino ang mga taong kasama nila. Mismong siya ay kinakabahan para sa binata.
Agad na tinungo ng binata si Monique. Nilapitan niya ito at inilahad ang kanyang palad. Nahihiya pa ang mataray na Chief Editor nang igawad niya ang kanyang palad sa binata.
Marahan itong hinalikan ni Juancho at para sa isang babaeng matagal na hindi nakaranas ng pag-ibig at pagkakilig, nanlaki ang mga mata nito sa gulat at halos himatayin na ito sa kilig.
Iba rin ang ginawa ni Juancho. Si Monique agad ang pinaamo nito. Nasaksihan iyon ng halos lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon at kung gaano mangatog ang mga tuhod ni Monique sa paghalik ni Juancho sa kanyang palad.
Hindi inaasahang makaranas si Georgina ng kirot sa kaibuturan ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang ganoong eksena. Kahit kailan ay hindi pa niya iyon nagagawa sa dalaga at wala naman siyang nakikitang rason upang gawin niya ito sa kanya.
Bakit nga naman ito makararamdam ng kirot? Nagseselos ba ito? Hindi ba't siya rin naman ang nagsabi na kinakailangang galingan ng binata?
"Lakas naman ng dating, i love the formality!" wika at papuri ng isang bakla na katabi ni Monique kay Juancho na tila mahuhulog na ang panga sa kakatitig sa mala-adonis nitong tindig. Sobrang lagkit ng tingin nito kay Juancho. Isang matalim na titig naman ang ibinigay sa kanya ni Georgina.
"Magandang umaga, Binibini," pagbati ni Juancho kay Monique na siyang lalong nagpalakas ng nakapagpaingay ng kwartong iyon. Tila ba unang beses nilang makarinig ng ganoon kapormal na pagbati.
"Sus, first time? E, araw-araw akong tinatawag na binibini niyang si Juancho," bulong ni Georgina sa isang sulok.
"May ino-orasyon ka, Sis?" natatawang wika ni Sandra.
"Ah, wala," pagpapalusot nito tsaka nagbigay ng pilit na ngiti habang kumakamot ng ulo.
"Iba talaga si Juancho, ano?" wika ni Sandra na tila bilib sa binata.
"Sobra," tanging naisagot ni Georgina bago ito nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Okay, let's start!" pumalakpak si Monique hudyat na mag-uumpisa na ang pagsubok nila kay Juancho. Maganda ang timing nang pagpunta nila sa mall upang mamili ng mga masusuot ng binata kaya't nagamit niya ito. Mas lalo tuloy itong gumwapo. Paglabas niya ng dressing room ay pumaroon agad ito sa gawi ni Georgina.
"Ano'ng masasabi mo, Binibini?" nakangiting tanong ni Juancho.
Tiningnan siya ni Georgina mula ulo hanggang paa at halos matunaw ito sa mga titig ng binata. Sobrang lakas ng dating nito na halos mapatili ang mga kababihan sa loob ng silid. Hindi na tuloy mawari ni Georgina kung saan ibabaling ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"M-maganda, b-bagay sa'yo," nauutal pa nitong sambit. Halos mabuhol ang dila nito sa tindi ng kabog ng pusong nararamdaman niya ngayon.
"Sa wari ko'y lubos na babag—" Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay tinawag na ito ni Monique.
"Juancho, dear. We'll start!" Timing naman itong si Monique.
Nakahinga roon ng maluwag si Georgina. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya makahinga kapag kaharap na niya si Juancho. Palagi siyang tila hinahabol ng kabayo sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Isang kakaibang pakiramdam na ngayon lang din niya naramdaman at tanging si Juancho lang ang unang lalaking nakapagparamdam sa kanya ng gan'on.
Tuloy-tuloy lang ang pagkuha nila ng litrato kay Juancho.
"Humarap ka rito ng kaunti, Juancho dear," ani Monique.
Malalagkit ang titig nito sa binata. Maging ang tono ng kanyang pananalita ay tila nang-aakit. Nasaan na ang professionalism nito? Asar na asar si Georgina sa kanyang isipan habang nakatitig ng isang napakatalim na titig kay Monique. Kung nakakasugat lang ang titig ay lasog-lasog na ang mukha nito.
"Perfect! Ang galing mo naman, Pogi! Saan ka natuto?" Kyuryosong tanong ng baklang photographer kay Juancho. Ngiti lang ang itinugon nito sa kanya kaya't tila nadisappoint ito ng kaunti.
"Anyway, I finally decided to choose him." Humarap si Monique sa mga tao doon sa loob ng silid na abot tenga ang ngiti.
Galak naman ang naramdaman ni Georgina nang mapili ni Monique si Juancho.
"Ang galing talaga ni Papa pogi!" pumapalakpak pang wika ni Sandra.
Sinulyapan muna muli ni Monique si Georgina bago tuluyang humarap sa binatang si Juancho na ngayon ay nakangiti kay Georgina. Mapang-akit nitong hinimas-himas ang braso ng binata at inayos pa ang kwelyo ng damit nito. Hindi naging kumportable doon si Juancho kaya't kaunti siyang dumistansya dahilan ng pagkairita ni Monique.
"Kung iyo sanang mamarapatin, maari na ba kaming umalis?" magalang na tanong ni Juancho sa wala na sa mood na si Monique.
"Oh, yeah. I'll just send you your schedule. Ano ba ang f*******: mo? Or your phone number? Baka naman, pupwede kong mahingi?" malambing na wika ni Monique rito.
Bakas naman sa mukha ni Juancho ang pagtataka. Hindi nito maintindihan ang mga tinuran ni Monique sa kanya.
"F-feysbuk? (f*******:) Ano ang bagay na iyan? Tsaka, wala akong ano nga ulit iyon? Fown namba? ( phone number)" Hindi siguradong tugon nito.
Maarte kasi ang pagkakasabi ni Monique kaya't ginaya rin niya ang accent nito dahilan upang matawa sila Georgina at Sandra sa isang sulok.
Nanlaki naman ang mga mata ni Monique sa gulat. Papaaning ang isang guwapong lalaki sa panahon ngayon ay hindi alam ang f*******: at walang cellphone number? Magtatanong pa sana ito pero hindi na lamang niya itinuloy. Bigla kasi itong na-weirdohan kay Juancho.
"Well, nevermind." Ngumiti na lamang ng isang pilit na ngiti si Monique bago ito umalis.
Unti-unti na ring nagsi-alisan ang mga tao. May mga gusto pa sanang makapagpa-picture kay Juancho pero tinanggihan ito ni Georgina.
"Ang damot naman, jowa mo, teh? Jowa?" reklamo ng isang babae kay Georgina. Binelatan lang siya nito na parang isang batang walang muwang.
"Anong sinasabi ng babaeng iyon, Binibini?" mahinang tanong ni Juancho rito.
"Wala, 'wag mo nang subuking malaman," sagot ni Georgina rito.
Beastmode na nga ito kanina, hanggang ngayon ba naman ay sisirain pa rin ang mood niya? Bakita naman kasi kailangang maging ganito kagwapo itong nilalang na ito sa tabi niya? Sobrang bait naman ni Lord. Hindi tuloy malaman ni Georgina kung blessing ba ang dala ni Juancho o sakit lamang ng ulo at puso.
"Nakikipag-away ka ba sa ibang kababaihan dahil sa akin?" tanong muli ni Juancho.
"H-hindi ano!" maang-maangang sagot nito saka umiwas ng tingin sa binata nariyan na naman ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.
"Congrats, Juancho!" bati ni Sandra nang biglang sumulpot si Sandra sa gilid nito.
"Maraming salamat, Sandra," tugon nito sa masiglang pagbati ni Sandra sa kanya.
"Ano? Kain tayo sa labas?" pagyayaya ni Sandra. As always, kapag galaan talaga ay aktibo itong si Sandra. Handa pa siyang librehin ang mga kaibigan kung saka-sakali. May pera naman kasi ito at isa pa, hindi naman naghihirap sa buhay dahil anak mayaman ito.
"Tara! Natunaw na rin ang kinain kong sorbetes kanina sa ice cream store, eh," sagot ni Georgina rito.
"Pati nga rin ang aking pisnge, palagay ko'y natunaw rin sa lakas ng iyong pagkakasampal." Pambabara ni Juancho sa dalaga.
Nagpantig naman ang tenga ni Sandra sa narinig kaya't histerikal ang naging reaksyon nito.
"What? Sinampal mo si papa pogi?!" histerikal na tanong nito.
"Ah, e... Medyo may kalakasan pero okay na naman siya. Hindi ba, Juancho?" anito saka tinaasan ng kilay si Juancho.
"Sa palagay ko'y hindi," hindi pagsang-ayon ni Juancho sa kanya.
"Kawawa naman ang baby Juancho na 'to, nilalapastangan pala ni Georgina. Hmp!" pagmamaktol ni Sandra.
Wala nang sinabi pa si Juancho bagkos ay sumunod na lamang ito sa dalawang binibini na pumasok sa isang fast food chain.
Sa kahabaan ng pila sa Mila's fast food chain ay biglang tumunog ang cellphone ni Georgina, tumatawag ang Mamsy nito. Naka-on kasi ang data nito kaya't akala siguro ng Mamsy niya ay online ang dalaga. Nag-aalangan tuloy siya kung sasagutin ba ang videocall sa kadahilanang nasa pila sila at nasa likuran pa niya si Juancho.
Walang nagawa si Georgina. Sa huli ay sinagot na lamang nito ang tawag ng Mamsy niya matampuhin kasi iyon at baka kapag nagtampo 'yon ay wala na siyang bahay na uwian. Pinagdasal nitong sana naman ay hindi nila mahalata na kasama nitoang lalaki sa aking likuran.
"Anak! Miss na miss ka na ng Mamsy!" mangiyak-ngiyak na bungad ng kanyang ina. Takip pa nito ang kanyang bibig at tila emosyonal na tulad ng sa pelikula.
"Mamsy naman, miss ko rin po kayo," sagot ng dalaga at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Kinalabit naman itong bigla ni Juancho kaya pasimple niya itong pinandilatan ng mga mata.
"Ano?" Bahagya niya itong nilingon.
"Sino iyang kausap mo, Binibini? Nagsasalita ka bang mag-isa?" kyuryosong tanong ni Juancho nang makita ang Mamsy ni Georgina sa videocall. Bahagya naman siyang nilingon ni Georgina at pinandilatan ng mata saka sumenyas na itikom ang bibig nito.
"Ah, anak, sino ba ang kinakausap mo?" nagtatakang tanong ng Mamsy nito.
"Ah, wala, Mamsy. C-customer lang, k-kasama ko sa pila," nauutal pa nitong sagot sa ina.
"Patingin nga? Mukhang lalaki iyan, ah," may bahid ng pagdududa ang mga binitawang salita ng Mamsy nito.
"Ay! Nako, hindi na, Mamsy! Nakakahiya," pag-ra-rason pa nito.
"Sige na, saglit lang, e." Pagpupumilit ng ina.
Walang anu-ano'y kinalabit muli ni Juancho si Georgina.
"Binibini, iyan ba ang iyong ina?" tanong nito.
Bakit ba naman pagkakulit-kulit mo, Juancho? Napapikit na lamang si Georgina at napakagat-labi. Bigla kasing inilapit ni Juancho ang pagmumukha nito sa screen ng cellphone ni Georgina. Napasapok na lamang sa ulo ang dalaga. Hindi siguro nito naintindihan ang pagsenyas ng dalaga kanina. Tuloy ay mukhang mahuhuli sila.
"Mahabaging bathala! Kaninong anak ang napakaguwapong nilalang na iyan?" Histerikal na reaksyon ng ina ni Georgina nang masilayan sa camera ang mukha ni Juancho.
"W-wala, Mamsy! A-ano kasi..."
"Magandang araw po! Ako si Juancho, ikinagagalak ko kayong makilala," singit ni Juancho nang bigla niyang agawin ang cellphone sa dalaga. Halos isubsob na nito ang mukha sa cellphone.
"Diyos ko! Napakagalang pa!" sagot ng Mamsy nito. Inagaw na bigla ni Georgina ang cellphone kaya't napanguso tuloy si Juancho.
"A-ah, sige na po, Mamsy, bye!" mabilis nitong sabi bago binabaan ng telepono ang Mamsy niya. Buti na lang talaga at wala doon ang Papsy nito, dahil kapag nagkataon ay baka ano pa ang mangyari. Kung bakit naman kasi ubod ng kulit nitong si Juancho.
Hinarap nito ang binata na nakasalubong ang mga kilay subalit sa sobrang lapit ng pagkakaharap niya kay Juancho ay nagdikit ang tip ng kanilang matatangos na ilong. Nanlaki tuloy ang mata ni Georgina sa gulat. Natigilan pa itong saglit at tila ba nanuyo ang lalamunan nito. Bigla itong inuhaw. Tubig!
"Ehem," singit ni Sandra na tila ba may nasesense na kakaiba sa dalawa.
"Ah, e, ako na pala," natatarantang sambit ni Georgina bago tuluyang um-order ng kakainin.
Si Sandra naman ay dumiretso na sa kanyang upuan habang nakangisi at nakatitig kay Georgina na tila may nais ipahiwatig sa mga titig nito.
"What's your order, Ma'am?" tanong ng crew kay Georgina.
Pinagmasdan lamang siya ni Juancho nang nakangiti. Ibang klase ang dating ni Georgina para sa kanya. Kung gaano kasi kahinhin ang ibang babae sa kanyang panahon kapag kaharap siya, ay gan'on rin naman kagaspang ng pakikitungo nito sa kanya.
"Ka'y gandang binibini," bulong ni Juancho sa kahanginan habang nakatingin sa dalaga. Tila nacha-challenge ito sa katangian ni Georgina. Dahilan para mas laling gustuhin nitong makilala pa siyang lubusan.
Pagkabalik ni Georgina ay hawak na nito ang tray na may lamang in-order niya.
"Sa susunod ay huwag kang susulpot kapag kausap ko ang mga magulang ko. Mamaya magduda iyon sa akin. Lagot talaga ako sa Papsy ko!" nag-aalalang bilin ng dalaga.
"Natuwa naman ang iyong inang masilayan ang aking mukha kanina, hindi ba? Siguro naman ay matutuwa rin ang iyong ama" pag-ra-rason ni Juancho.
"Hindi iyon natutuwa sa mga lalaking umaaligid sa unica hija niya. Akala ko ba ay gusto mo pang umuwi sa mundo mo? Gusto mo na bang tapusin ka ng Papsy ko?" pagbabanta pa ni Georgina.
"Paumanhin. Hayaan mo, Binibini. Habang naririto pa ako ay ako ang po-protekta sa iyo."
Iba ang dating ng mga binitawang salitang iyon ni Juancho. Tila ba balak talaga nitong isakatuparan ang kanyang mga sinabi.
Hindi niya maipaliwanag pero sa mga sinabing iyon ng binata ay pakiramdam niya ay ligtas siya at handa siyang saluhin nito kahit anong mangyari. Pero may bahid ng lungkot na naramdaman si Georgina sa mga sinabing iyon ni Juancho. Lungkot, dahil baka isang araw ay mawala rin ito sa kanyang mundo at hindi na nito magampanan ang pagpo-protektang sinasabi niya.