CHAPTER 8
"JUANCHO, nariyan ang instant coffee sa mesa. Magtimpla ka na lang, ha," bilin ni Georgina sa kakagising na si Juancho.
Kasalukuyan na kasing nag-aagahan ang dalaga at napagod yata si Juancho sa shoot nila kahapon kaya't anong oras na itong nagising.
"I-instant coffee?" pag-uulit pa ni Juancho na tila hindi sigurado kung tama ba ang pagkakarinig nito mula kay Georgina.
"Um, yes. Instant coffee ang tawag riyan sa mga kapeng handa na na timplahin, lalagyan mo na lang ng konting asukal," mabilis na sagot ni Georgina habang naglalagay ng palaman sa kanyang sandwich.
"Ito ba ang kape sa panahon ngayon? Sa aming panahon ay dadaan pa ito sa isang maliit na makinarya pagkatapos nitong anihin, sasalain, at kung ano-ano pa. Ano't sa panahon niyo ay ganito na kadali ang mga bagay?" may bahid ng pagtataka at pagkamangha si Juancho sa kanyang mga sinabi.
Sanay kasi ito na sa kanyang panahon, kahit salat ka man o may kaya ay pinaghihirapan ang ano mang gawain.
"Tulad nga ng sinasabi ko sa'yo ay sobrang layo ng agwat ng ating mundo. Ilang tupi ang iniabante namin sa inyo. Mahihirapan kang pag-aralan ang lahat kung gugustuhin mo pero sa palagay ko, dahil matalino ka naman ay mabilis ka lamang matututo," mahabang pagpapaliwanag ni Georgina bago ito pumakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Mayroon pa ngang three in one coffee sa panahon ngayon, iyong may kape, creamer, at asukal na agad—kumpleto na, ilalagay mo na lang sa tasa mo," dgtong pa nito.
Binuksan ni Juancho ang isang sachet ng kape at ibinuhos sa kanyang tasa at bigla itong nagsalita.
"Kasing pait mo ang kapeng ito, Binibini," anito sabay higop sa kanyang kape upang tikman ito. Mapait nga talaga.
"May sinasabi ka, Juancho?" pag-uulit ni Georgina.
"Sa iyong palagay?" pagbabalik nito ng tanong sa dalaga. Tuso rin itong si Juancho dahil palagi nitong ibinabalik ang tanong sa dalaga.
Magsasalita na sana si Georgina nang biglang may bumukas ng kanilang pintuan. Bahagya pa ngang nasamid dahil roon si Juancho.
"Georgina, hija!" tawag ng may-ari ng apartment sa labas habang sunod-sunod na kinatok ang kabilang pintuan. Ano naman kaya ang kailangan nito sa mga oras na ito?
"Po?" magalang na sagot ni Georgina pagkatapos pagbuksan ang matanda. Nakasuot ito ng isang bistidang puti at tila gayak na gayak.
"Kayo bang mag-asawa ay libre sa susunod na linggo?" tanong ng matanda saka binalingan ng tingin sina Juancho at Georgina.
Napaismid na lamang si Georgina nang marinig ang katagang "mag-asawa." Talagang kailangan na nila itong pangatawanan mula ngayon kung nais talaga nitong matulungan ang binata. Mukhang mahihirapan sila sa isang ito.
"Siguro po, bakit po?" tanong ni Georgina.
"Ako'y magpapasama sana sa Baguio. Matarik kasi ang lugar na iyon, sa palagay ko'y kailangan ko ng makakasamang aakay sa akin. Kayong dalawa agad ang pumasok sa isipan ko," hnihingal pang pagpapaliwanag ng matanda sa dalawa.
Sa tono nito ay parang siguradong-sigurado siyang sasamahan siya nina Georgina at Juancho, ni hindi pa nga nito nasasabi kung anong gagawin niya roon pero hindi na muna sila nagtanong.
Nagkatinginan naman sina Juancho at Georgina. Saglit na nag-isip ang dalaga at ngiti ang mabilis nitong itinugon sa matanda.
"O, sige po. Sasama po k-kami ng a-asawa ko," pagsasang-ayon nito na tila nahihiya pang bigkasin ang salitang "asawa" sino ba naman kasi ang mag-aakalang pati asawa ay instant na rin sa panahon ngayon?
"Malamig doon, hijo. Wala pa kayong anak, hindi ba? Anong malay mo at baka doon na kayo makabuo!" excited na excited pa ang tono nito na tila ba magkakaroon ito ng apo.
Napakamot na lamang ng ulo si Georgina bago inakay ang matanda palabas ng unit nila. Ang importante ay nagkausap na sila kaya't hindi na pupwedeng humindi pa. Ano bang sinasabing anak nito? Pagiging mag-asawa nga ay hirap silang panindigan. Pag-aanak pa kaya?
"Tunay bang malamig sa Baguio, Binibini?" tanong ni Juancho na gustong kumpirmahin kung totoo ang winika ng matanda kanina lang.
"Oo, kaya't magdala ka ng mga damit na may mahahabang manggas. May long sleeve akong binili sa'yo noong isang araw," bilin nito sa binata. Sa isang linggo pa naman ang lakad nila kaya't may oras pa silang makapag-handa.
"Ako'y sanay na sa lamig ng pakikitungo mo sa akin. Sa palagay ko'y hindi ka kayang gahisin ng Baguio," pagbibiro pa nito sabay pasimpleng tumawa.
Kahit ang mga tawa nito ay pawang mga malalambing na tunog sa tenga ni Georgina.
"Sorry," wika nito sa harapan ng binata.
Nagulat ang kanina ay tatawa-tawang si Juancho sa mga sinambit ni Georgina. Hindi niya iyon inaasahang lalalabas sa bibig nito. Katahimikan ang namagitan sa dalawa bago pa man nagsalita si Juancho.
"Anong ibig mong sabihin, Binibini?" Naguguluhang tanong nito sabay higop ng kanyang kape.
"Patawad kung naging labis ako sa'yo. Kung hindi naging wasto ang trato ko sa isang tulad mo, na nangangapa pa sa mundo ko—namin," panimula ni Georgina.
Lumiwanag naman ang mga mata ni Juancho na kanina lang ay tila naguguluhan. Ano nga ba ang nakain ni Georgina at gan'on na lamang ang mga tinuran nito?
Nakokonsensya na kaya siya sa ginagawa niya kay Juancho? O nakararamdam na ba siya ng kakaibang pakiramdam na nag-aapoy sa kanyang puso?
"Tunay kong batid na may mabuti kang kalooban, Binibini. Hindi mo naman ako pinabayaan, bagkos tinanggap mo pa ako sa iyong tahanan," nakangiting sagot ni Juancho.
Halos haplusin ang puso nito dahil sa mga sinabi ng dalaga. Ang lakas ng tama ng mga simpleng salita nito sa kanya na kahit pa ilang pagsusungit at masasakit na salita nito ay tila napawi sa isang salitang "patawad" lang.
Aamba na sana ang binata upang yakapin si Georgina nang biglang bumukas muli ang pintuan ng kanilang unit.
Nanlaking bigla ang mata ng matanda sa kanyang nasaksihan.
"Ay, naku po! Paumanhin at tila nasa kalagitnaan kayo ng paglalambingan sa umagang kay gandang ito. Nako! Pasensya ka na, hija dahil naiwan ko yata rito ang aking cellphone," wika ng matanda.
Napakamot na lamang ng ulo si Georgina nang makitang ang hinahanap nitong cellphone ay hawak-hawak rin lang niya.
"Ah, eh, lola. Hawak niyo naman po ang cellphone niyo," sagot nito sa matanda.
"Diyos ko! Malala na yata ang pagka-ulyanin ko," anito sabay sapok sa kanyang ulo.
Muli ay inakay ito ni Georgina palabas ng unit nila at natatawang humarap kay Juancho. Parehas silang nagsitawanan ngunit ilang saglit pa ay nahinto ang dalawa noong narealize nilang ito ang unang beses na sabay silang tumawa. Napangiti na lamang sila sa isa't isa.
"Ang ulyanin ni lola," sabi pa ni Georgina sa pagitan ng kanilang tawanan.
"Maari ba kitang hagkan?" Magalang tila naglalambing na wika ni Juancho.
Nagitla roon si Georgina kaya't napaawang ang mga labi nito ag hindi nagawang kumurap kaagad.
"A-ano?" Pag-uulit nito. Nabingi yata siya sa kanyang narinig. Hahagkan siya ni Juancho? Kahit isang lalaki sa buhay niya ay hindi pa siya nayayakap. Tanging ang Papsy niya lamang.
Pero bago pa man makapaghindi si Georgina ay bigla na lamang siyang hinagkan ni Juancho. He wrapped his arms around Georgina's back.
Hindi maipaliwanag ni Georgina ang nararamdaman noong mga oras na iyon. She felt warm. Sobrang sarap sa pakiramdam ng mga yakap na iyon ni Juancho. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso pero hindi niya iyon inisip pa bagkos in-enjoy nito ang sandaling iyon na nasa bisig siya ng binata.
"Salamat," pabulong na wika ni Juancho nang inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ng dalaga.
Nanindig ang balahibo ni Georgina sa tindi ng naramdaman. Bakit ganito na lamang kung pabilisin ni Juancho ang t***k ng kanyang puso? Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng mga kabayo.
Sa isipan ng dalaga ay sana hindi na kumalas pa si Juancho sa pagkakayakap sa kanya. Limang segundo lamang iyon pero pakiramdam niya ay sobrang tagal na tila nag-slowmotion ang oras.
"Maligo ka na. May shoot ka pa ngayon," wika ni Georgina nang kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Tinapunan niya ng isang tingin at isang napakagandang ngiti si Juancho bago pa man nito tinungo ang banyo upang maligo.
Ilang minuto pa lamang mula noong mag-cr si Juancho ay sunod-sunod na sigaw nito ang umalingawngaw sa loob ng cr.
"Binibini! Umuulan sa loob ng banyo!" Natatarantang wika nito. Nakapagtataka? Wala namang butas ang bubong ng banyo nang maligo siya kanina? Sa taranta ni Georgina ay binuksan nito ang pintuan ng banyo. Hindi ito naka-lock dahil malamang, hindi rin marunong si Juancho. Sasabihin na naman no'n na walang ganoon sa kanyang mundo. Kabisado na ito ni Georgina. Tinungo naman ni Georgina ang banyo upang i-check kung may butas ba ang bubong nito kaya nasabi ni Juancho na umuulan sa loob.
"Ano ba ang sinasabi mong umuulan sa loob ng—" Nanlaki at namilog ang mga mata nito dahil hindi paman nito natatapos ang kanyang sasabihin ay tumambad sa kanya ang mala-adonis na katawan ng binata higit pa roon ay ang umiigting nitong sandata sa may bandang ibaba. Basang basa pa ito gawa ng shower at maging siya ay nabasa na rin.
"Takpan mo ang iyong mata!" nahihiyang sigaw ni Juancho sabay takip sa kanyang hinaharap. Gulat na gulat rin ito at hindi inaasahang papasok ang dalaga. Nataranta na rin pati si Georgina sa kanyang nakita.
"Waahh! Ang mga mata ko! Ang dumi dumi na ng mga mata ko!" mangiyak-ngiyak pa nitong sabi habang nagpapapadyak palabas.
"A-ako na ang bahala sa sarili ko!" bulalas ni Juancho hanggang sa nakapaligo na nga ito.
Nang makalabas siya sa banyo ay agad niyang binalingan ng tingin si Georgina. Umiwas naman ng tingin ang dalaga dahil sa kahihiyan.
Makita mo ba naman ang magiting na sandata ng isang makisig na lalaki ay hindi ka matataranta? Pakiramdam ni Georgina ay may bahid na ng dumi ang mga mata nito. Hindi na tuloy nito matingnan ng diretso si Juancho.
"Hoy! Ang shower, hindi mo napatay! Naririnig ko pa ang agos ng tubig!" sigaw ni Georgina sa kakalabas lang na si Juancho pero hindi pa rin niya ito tititingnan.
"Shower pala ang tawag doon? Ang buong akala ko kanina ay umuulan sa loob ng banyo," napakamot na lamang ito ng ulo habang ang isang kamay ay nakahawak sa tapis nito sa baywang. Mahirap na at baka malaglag ang towel at tumambad na naman ang magiting nitong sandata.
"Siya nga pala, Binibini. Patungkol sa nakita ng iyong mga mata kanina. P-pasensya na," anito saka dumiretso na sa banyo upang patayin ang shower.
Sinubsob na lamang ni Georgina ang kanyang mukha sa lamesa upang hindi makita ni Juancho ang pamumula ng pisngi nito sa sobrang kahihiyan. Sa lahat ng pwede nitong makita ay bakit iyong sa ibaba pa? Hindi ba pwedeng pwetan na lang?
HINDI makapag-concentrate si Georgina sa kanyang ginagawa nang dahil sa nangyari kanina. Bumabalik sa kanyang alaala ang ganap sa banyo at kung gaano niya pinahiya ang sarili sa harap ng binata. Ngayon ay nasa trabaho na ito habang si Juancho naman ay busy rin sa kanyang shooting. Siguro ay pinagpepyestahan na naman nila ngayon si Juancho. Isip pa ni Georgina.
"Aish! Ano ba 'yan," iritadong sabi nito sabay punit sa ginagawa niya at inulit itong muli.
"Sis, kalma. Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Sandra habang nakatingin sa pinunit na papel ni Georgina.
"Sorry, Sis. May iniisip lang." Pagdadahilan nito.
Napataas naman ng kilay si Sandra sa dalaga kaya't hinawakan niya ang balikat nito upang iharap sa kanya.
"Iyong totoo, Sis?" pag-uulit pa nito.
"Huhu, Sis! Kasi naman, eh," pagmamaktol ni Georgina. "A-aksidente kong n-nakita ang e-espada ni J-juancho, hindi na maalis sa isipan ko!" Mahina nitong sabi at baka marinig ng mga kasamahan nila.
"A-anong espada ang ibig mong sabihin? As in, sword? Like shing, shing?" ani Sandra at naguguluhan pang in-action ang paggamit ng espada.
"H-hindi, eh. A-ang espada sa pagitan ng mga b-binti niya," anito sabay pilit na pumikit na tila hindi maatim ang sinasabi. Napakagat-labi pa ito.
Napatakip ng bibig si Sandra sa kanyang narinig.
"What the heck? Malaki ba, Sis?" interisadong tanong nito na tila ba nagbago agad ang mood.
Binatukan naman agad siya ni Georgina dahil sa kanyang inasal. Kahit kailan talaga ay puro kapilyuhan ang nasa bibig ni Sandra.
"A-ano ka ba! S-syempre, oo. I-I mean, s-sobra, Sis—teka, bakit ko ba sinasabi sa'yo? E, nagsisisi nga ako sa nakita ko!" mangiyak-ngiyak pang pagpapaliwanag ni Georgina.
"Ano ka ba, Sis. Ayaw mo no'n, hindi ka pa nagkakanobyo pero nakakita ka na ng espada! Wow, sana all" pabiro pa nito tsaka humagalpak ng tawa.
Mas lalong nag-init ang pisngi rito ni Georgina
"Pinahihiya mo naman ako lalo, e." Inis na sabi nito.
"Hindi 'no. Sa tingin ko naman ay aksidente iyon, tama?" tumango-tango lamang si Georgina.
"Iyon naman pala, e. H'wag ka nang umiyak riyan, sana ako na lang ang naaksidente sa harapan ng espada," anito tsaka pabirong inirapan si Georgina. "Focus, girl. Baka gusto mong masesante?" pagbibiro pa nito.
"Kahit kailan talaga, napakasama ng mga biro mo," naka-pout pa nitong sabi. "Bakit ko pa kasi iniisip si Juancho sa mga oras na 'to? Eh—"
"Si Juancho." Sabay tingin ni Sandra sa pintuan.
"Oo nga. Ang sinasabi ko ay dapat hindi ko na iniisip si—" Agad na pinutol ni Sandra ang sasabihin pa ng dalaga ng masilayan si...
"Juancho!" sigaw nito kaya mabilis na napatingin si Georgina sa pintuan. Agad namang nagsitilian ang mga kababaihan sa loob.
"Binibini!" Tawag nito kay Georgina tsaka kumaway habang ngiting-ngiti. May dala itong kape na nakalagay pa sa isang styro cup.
"B-bakit ka nandito," nauutal pang sambit ni Georgina habang pinipigilang balingan ng tingin si Juancho.
Kahit gan'on paman ay hindi nito naiwasang tingnan ng maigi ang suot nito. Napakaguwapo nito sa suot na tuxedo. Bagay na bagay sa makisig niyang pangangatawan at malaki niyang sandata—este, muscle.
"Dinalhan kita ng kape, ako mismo ang nagtimpla niyan," nakangiting iniabot ni Juancho ang kape sa dalaga.
Medyo nahihiya pa siya noong abutin niya ito pero napangiti rin naman ito sa simpleng ginawa ni Juancho.
"S-salamat, Juancho," tugon ni Georgina na halos matunaw na ang pakiramdam sa pagkapula.
"E, wala bang para sa'kin?" naka-pout na tanong ni Sandra. Maya-maya pa'y kumapa si Juancho sa kanyang bulsa kaya't nagningning naman ang mga mata ni Sandra rito.
Napa-poker face na lamang ito nang i-abot sa kanya ni Juancho ang isang candy.
"Pasensya na, hindi kita naipagtimpla, e. Si Binibini lang kasi ang nasa isipan ko kanina."
Pagdadahilan nito kaya't nagsihiyawan naman ang lahat sa loob ng silid. Syempre, maliban sa mga kababaihan na hopeless na kay papa Juancho. Todo irap ang mga ito na tila lumuwa na ang mga mata sa inggit. 'Pag inggit, pikit, mga sister!
Kinilig ng bahagya roon si Georgina. Isang simpleng pagtimpla pa lang iyon ng kape. Paano pa kaya kung puso na ni Juancho ang ibigay nito sa kanya? May ibibilis pa kaya ang t***k ng kanyang puso? May ipupula pa ba ang pisnge niya?