"Binibini, naiilang ka pa rin ba sa'kin?" Tanging naibulalas ni Juancho habang naglalakad sila ngayon pauwi. Kanina pa kasi sila naglalakad at hindi siya kinakausap ni Georgina. Malamang, nahihiya ito at naiilang na rin. "H-hindi, ano ka ba. Sorry, pagod lang, e," pagdadahilan ni Georgina pero ang totoo ay tama ang hinala ni Juancho rito. "Alam mo ba, kawangis ni Binibining Monique, ang binibining nakatakdang ipakasal sana sa akin doon sa aking mundo," panimulang kwento nito. Napatingin sa kanya si Georgina. "Si Lucia?" tanong ni Georgina na siyang ikinagulat ni Juancho. Nagtaka siguro ito kung paanong kilala iyon ni Georgina. "P-papaano mong nalaman?" tanong ng binata. "Sorry, aksidente ko kasing napulot ang sulat mo sa kanya na hindi ka makasisipot sa kasal n'yo dahil hindi mo siy

