KINAUMAGAHAN ay abala si Georgina sa mga dadalhing mga gamit ni Juancho para sa shoot nito habang si Juancho naman ay sinusundan ng kanyang tingin ang dalaga na kanina pa pabalik-balik sa sala at kwarto. "Maghunos-dili ka nga, Binibini. Ako itong nahihilo sa iyong ginagawa," suway ni Juancho kay Georgina. Kanina pa kasi ito hindi magkandaugaga sa kaka-empake ng mga gagamitin ni Juancho sa kanilang shoot. Outdoor kasi ang photoshoot nila ngayon. Their team decided to use Vintage Cowboy themed photoshoot kaya't sa isang Rancho sa Tagaytay sila pupunta. Malayo iyon, pero hindi na iyon inisip pa ni Georgina. Buong loob niyang ipagkakatiwala si Juancho sa team nila kahit na madaming umaaligid na asungot doon at kahit pa maiiwan siya rito sa syudad mag-isa. Nariyan pa naman si Sandra. Kahit

