PANGALAWANG araw ng shoot ni Juancho ngayon sa Alberto's Ranch. Nakasuot ito ng pang cowboy habang nagbabaka-sakaling dumating si Georgina. Wala naman itong sinabing darating ito pero hindi niya napigilan ang kanyang sarili na umasang susunod ito. Totoo ngang dumating si Georgina. Hindi naman nabigo si Juancho sa paghihintay. Pero bakas sa mukha nito ang pagkadismaya nang makitang may kasamang lalaki ang dalaga. "Anong ginagawa ng lalaking iyan dito, Binibini?" tanong nito sa dalaga habang salubong ang kilay. Hindi maipinta ang mukha nito. Mapait na binalingan ng tingin ni Juancho si Enzo. "Bakit ka naririto?" maotoridad nitong tanong na tila ba kailangang sagutin ng kaibigan ni Georgina. Natawa ng bahagya roon si Enzo dahilan upang mainis si Juancho sa kanya pero hindi niya iyon pin

