CHAPTER 12

2656 Words

HABANG nasa shoot pa si Juancho ay napagpasyahan ni Georgina na kausapin ang kababata at ipabatid dito kung ano nga ba talaga ang katotohanan. Lalo pa't hindi na ito makapaghintay pang malaman ang totoo. "Kahit ako ay hindi ko alam na mag-asawa kayo ni Juancho, Sis, ah. Like, paano nangyari? E, sobra pa kayo sa aso't pusa kung magsama," medyo nagtatampo pang sabi ni Sandra. "There must be a reason," dugtong niya pa. "Ganito kasi iyan..." Panimula ni Georgina. "Kaya lang naman kami nagpanggap na mag-asawa ay dahil doon sa matandang landlady sa apartment na tinitirhan namin," dugtong nitong sabi. Hindi agad maipinta ang mukha ni Enzo nang marinig mga sinabing iyon ni Georgina. "W-what?! You're living together?" paghihisterika nito. "Enzo, mahabang istorya kasi," tila naiiyak na bo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD