[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Pasalamat ka at wala na ang kuya ko dito ngayon, Antonio Caleb! Puwede bang umayos ka---Caleeeeb!" Jusko! Jusko! Juskoooo! "What?" kunot-noong nilingon niya ako. Kunwari pa siyang hindi niya alam ang ginagawa niya pero ang totoo, iniinis niya lang ako! "Huwag mong hahawakan ang hamster ko!" Nilapitan ko siya at hinila sa braso. Inilayo ko siya sa kulungan ng hamster ko, "Kapapanganak lang niyan kaya bawal siya hawakan, gets mo? Hindi mo ba nakikita 'yong maliliit na babies na dumedede sa kaniya?!" "Okay, okay," tatawa-tawang sagot niya. Muli siyang nagtungo sa kama ko at prenteng humiga roon. Tanging pantalon lamang ang suot niya kaya naman kanina pa busog na busog ang mga mata kong mahaharot. Mas lalo kasing humubog ang abs ng yawa. Kung dati, siya ang C

