[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Una, Veronica ang pangalan ng girlfriend ni Caleb. Ewan ko kung naging ipis din ba ang babaeng iyon, o sadyang pinangalanan lang ni Caleb na Veronica ang shota niyang ipis noon, dahil may naaalala siyang taong Veronica na naging parte ng buhay niya. Ayokong mag-isip. Ayokong balikan ang mga problemang iniwan ko na dati. Matagal na silang naglaho at kung lilitaw man ang mga problemang iyon ngayon, wala na akong pakialam doon. Pero putsa! Hindi ako makalabas ng bahay dahil pinagpi-piyestahan ng mga kapitbahay ko ang mga scandal ko with Caleb! Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ng marahas ang couch kung saan nakaupo si kuya. Umurong ang couch kaya biglang napatingin siya sa akin. "O, Ana, 'wag ka mandamay. Baka pati ako mabugbog mo. Takot ko lang sa 'yo," naiiling

