[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Ana!" How the f**k did he--- Mabilis akong tumakbo palayo nang makita ko ang papalapit niyang bulto. Buwisit! Hanggang dito ba naman ay nahabol niya pa ako?! "Ana! Look, it's just--Ana!" Putakteeee! Mabilis akong lumiko sa isang eskinita at agad na lumiko ako kung saan-saan hanggang sa hindi ko na nadinig pa ang tinig ni Caleb. Teka. Nasaan na nga ba ako? Kagagaling ko lang sa palengke at hindi ko lubos-maisip kung papaano ako nahuli ni Caleb sa palengke kanina. Naghabulan kami na parang mga action star. Pinagtitinginan tuloy kami ng maraming tao. Actually, dalawang linggo na kaming nagtataguan. Nagsorry siya sa akin sa text message at sinabi niyang mag-usap daw kami ng maayos para sa ikakabuti ng lahat. Ilang beses niya akong sinubukang tawagan pero wa

