[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Sa sobrang bored ko ay naisipan kong gumawa ng tirador. Naka-anim na tirador na yata ako na nagawa. Nakalkal ko lang doon sa drawer ang mga ginamit ko. Naghahanap kasi ako kanina ng lason para sana magpapatiwakal nalang ako. Aburidong ipinalibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa mataas na palapag ako ng building. Kapag tumalon ako sa bintana, basag ang beauty ko. Kapag naman tumakas ako, babarilin ako ng mga guards. It was already proven, dude. Tumakas ako kagabi pero tinutukan ako ng mga b***l sa ibaba. Nakatanggal ang safety ng b***l nila at ready-to-shoot na sila. Maraming guards ang nakabantay sa buong building. And AC Amberson? Gone. Pumasok siya sa company niya. And well, he's wearing a very professional-looking attire. Nagmukha siyang makap

