[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Bakit pati ang pera ko sa bangko?!" naibulalas ko nang mapagtanto kong naka-freeze ang account ko. Hayup talaga. Napahilot ako sa sentido saka ako galit na umalis sa tapat ng ATM Machine. Naiyukom ko ang mga kamao ko habang naglalakad ako papasok sa subdibisyon na tinitirahan namin nila papa. Hindi ko na kaya 'to. Nakakagago na ang mga ginagawa sa akin ng hayop na 'yon! Este... insekto pala. Kinuha ko ang phone ko at agad na idinaial ang numero ni Pres na agad niya namang sinagot. "Hello?" "Pati bank account ko pina-freeze ng hayop!" walang kagatol-gatol na hiyaw ko. Nanlalamig na ako sa sobrang galit. Wala akong pakialam kung siya pa rin si Caleb na inalagaan ko, wala akong pakialam kahit n siya si Caleb na minahal ko-- Minahal? Baka nga... Ewan... Sigu

