[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Hindi ko alam kung ilang oras na ako pabali-baliktad sa hinihigaan kong kama. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mukha kanina ni Caleb. Kung papaano siya tumitig sa akin, kung papaano siya magsalita, kung papaano siya kumilos... Kamusta naman kaya ang boxers niya, 'di ba? Buwiset. Hindi na ba uso sa kaniya ang pagsusuot ng matinong shorts kapag may taong kumakatok? Argh. Kung sa bagay, may MAIPAGMAMALAKI naman kasi siya. Mas lalo ring nahubog ang katawan niya kaya siguro siya hindi nahihiya. Huh. Pasalamat siya at tinaasan ko lang siya ng middle finger. Nanghihinayang kasi akong sapakin ulit siya. Mas lalo siyang gumwapo, eh. At ako? Naging jologs. Ni walang hustisya na nangyari sa akin matapos niya akong iwan. Kahit sana tumubo manlang ang boobs ko, pero wal

