[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "A-Ayos ka lang ba, Ana-pot?" Hindi. Hindi ako ayos. Paano ako magiging maayos? Nilayasan ako ng walang'ya. Ni hindi manlang bumalik para sana mag-sorry manlang sana sa akin, tapos saka na siya lumayas! Tangina, magpakita lang siya sa akin, dudurugin ko talaga ang mga buto niya! "Akin na nga 'yan," Hinablot ko kay kuya ang hawak niyang lata ng Red Horse. Agad ko itong tinungga. Ang pangit ng lasa pero keri lang. Ramdam na ramdam ko ang tapang nito sa lalamunan ko. Pabagsak akong umupo sa sofa. Lahat ng natirang mga beer ni papa ay kinuha ko. Maglalasing ako. Bahala na si Batman. Tutal, lilipat naman na ako ng school at baka pati itong bahay namin ay baka ibenta na rin namin para makalipat at makabili na kami ng bago. Hindi pa man sinasabi ni papa o ni kuya

