[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Sino 'yong babaeng kasama mo kanina, Ana-pot?" tanong ni kuya habang abala siya sa harapan ng computer. Suot-suot niya ang salamin niyang napaka-kapal ng lenses. Nasa 800+ yata ang grado? Malabo na kasi talaga ang mga mata niya dahil sa kapo-program. "Si Saica, schoolmate ko," mahinang sagot ko. Pabagsak akong umupo sa sofa. Naihilamos ko ang mga palad ko sa 'king mukha. Nangungunsumi ako dahil sa nangyari kanina. Anong trip ni Jepoy para gulpihin si Caleb? Anong gusto niyang palabasin? Na walang kuwenta si Caleb at hindi ako kayang protektahan ni Caleb--katulad ng mga ipinangako niya sa akin noon? Gusto niya na ulit bumalik sa akin? Pagkatapos niya akong iwanan sa ere, ipagtabuyan at ipahiya, ngayon naman ay babalik siya? Ulol siyaaaaaa. "Nasa'n na si boy

