[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Okay na ba iyang mga sugat mo? Hindi na ba sumasakit?" tanong ko kay Caleb. Kasalukuyang ginagamot ko kasi ang mga sugat sa kaniyang mukha. Hindi na rin siya nahihirapang dumilat pero may itim pa rin sa ilalim ng mga mata niya. Dalawang araw na kaming absent. Bahala na si Batman. "Just a little," sagot niya saka ngumiti ng tipid. Hindi na ako sumagot pa. Ipinagpatuloy ko ang pagdampi ng bulak na may gamot sa mga sugat niya. Mabuti nga at mabilis siyang nakarecover, eh. "Pasensiya ka na pala..." mahinang paumahin ko, "...binugbog ka niya nang wala kang ideya kung anong dahilan. Nadamay ka pa tuloy." Ang dami ko nang kasalanan sa kaniya. Idagdag mo pa ang ginawa ko sa girlfriend niya kahit na alam kong hindi ko naman kasalanan ang nangyaring iyon. Haaaay.

