[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "You need to act normal," muling paalala ko kay Caleb. "At katulad din ng sinabi ni ate Isme, kailangan mong magpalakas para kayanin mo si Veronica," Nilingon ko si Caleb na nakatitig pala sa akin. Nginitian ko siya ng tipid. Iniangat ko ang kamay ko para ipatong sa pisngi niya. Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Mula sa asul niyang mga mata, pababa sa matangos niyang ilong, pababa sa mapula niyang mga labi. Malinis ang panga niya ngayon, wala akong nahahawakang papatubong mga balbas tulad nalang ng palagi niyang hitsura. Ang sexy niya kasi kapag mayroon siyang maliliit na balbas. Pero ngayon? Ang aliwalas ng mukha niya at mukha talaga siyang mabait. Malaki ang pagkakaiba niya kapag may facial hair siya. Kahit yata hindi siya mag-effort sa sarili niya, natural

