[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Nanginginig ako sa pinaghalong takot at kaba. Titig na titig ako sa sapatos na nakalapag sa sahig habang si Fox naman ay hinihingal pa rin. Napa-upo siya sa sahig at napasapo sa kaniyang mukha. "Takot talaga ako sa ipis, pasensiya na," mahinang sambit niya, "They're evil." Napasalampak ako sa sahig tulad ni Fox. Wala sa sarili kong nilapitan ang sapatos. Dahan-dahan ko iyong inangat, marahan na marahan... Ayokong makita ang durog na Caleb. Ayoko. Ayoko. Mas gugustuhin ko na lang na pasabugin ng bomba ang sarili ko kung mawawala na ng tuluyan sa akin ang lintek na lalaking iyon. Hindi siya puwedeng mawala! Napahinga ako ng maluwag nang makita kong buhay pa si Caleb. Naroon siya nakapuwesto sa maliit na espasyo ng suwelas. Hindi siya napuruhan dahil gumagalaw

