"Hello," sagot nito. "Kung natutunaw lang sa sikat ng araw ang mga plastic baka tunaw na tunaw na talaga ang isa diyan. Napaka-nature lover, recyclable," pasaring ko. Sinadya ko talagang marinig niya para makagante ako sa ginawa niya sa'kin sa cafeteria kanina. "Having good manners is not plasticity. It's hard to understand the difference of the two if you don't have one," nakangiting niyang sagot. Nagpaalam siya sa babaeng kaharap niya kanina at kay Eli, kinuha niya ang metal bucket at tumalikod. Hindi ko namalayan na nagusot na pala ang mga flyer sa kamay ko dahil sa pagkakuyom. Halos umusok ang ilong ko sa inis. Napasuntok ako sa hangin nang mawala siya sa paningin ko. "Ikaw ang masama ang ugali," I shouted. "Bakit kasi pinaringgan mo, sumagot tuloy," sabi ni Eli. Inalis ko ang

