"Dito ako tapos doon ka." Tinuro ko ang kabilang parte. Naghiwalay kami ni Eli para maghanap ng kailangan namin. Inisa isa ko ang bawat book shelf na madaanan ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. Kinuha ko ang year book ng athletes ng UED, pagkakuha ko no'n sa shelf nakita ko sa kabilang si Seve, pero hindi siya nakatingin sa'kin. May kausap siyang babae. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Bakit kapag nakikita ko ang lalaking 'to palaging may kausap na babae? Para silang langaw na nakasunod sa tae. "Don't touch me," sabi ni Seve. Nakangiti siya pero halata sa mukha at mata niya na hindi siya komportable. Napakalapit sa kanya ng babae. Halos dangkal lang ang layo nila. Itinaas niya ang mga kamay niya para hindi sila magkadampian ng balat. Kumunot ang noo ko. May allergy ba

