Chapter four

2165 Words
Mainit ang pakiramdam ni Aning kaya nagpasya siyang lumabas ng bahay nang gabing iyon. Tumambay saglit at tinitingnan ang langit. Maliwanag ang buwan at napakaraming bituin ang kumikislap na nakakadagdag sa kagandahan ng kalangitan kahit na madilim. Nakatayong nakatingala si Aning nang makita siya ng kaniyang ina na nakasilip sa bintana. “Aning, ano ang ginagawa mo riyan sa labas?” tanong nito sa anak. Nilingon ni Aning ang ina. “Nag-iisip lang po, inay,” nakangiti niyang sagot dito. “Ano naman ang iniisip mo? Kung kailan ka makapupunta ng langit?” “Heto na naman si Nanay. Sinisimulan na naman akong biruin.” Kunwaring naiinis siya sa ina. Hindi pa kuntento ang kanyang ina. Lumabas ito saka tinabihan siya. “Eh, kanina ka pa nakatingala sa langit. Ano? Hinahanap mo ba ang bituin na para sa iyo?” Siniko pa nito ang anak. “Nanay talaga? Bakit ko hahanapin?” “Siyempre, lahat tayo may mga pangarap na bituin. Eh, ’yung akin, dumaan lang. Nanatili sandali saka umalis din. Hindi ko alam kung kailan babalik.” “Si papa po ba ang tinutukoy n’yo?” Tinanguan siya ng kanyang ina. “Kung ganoon, hindi mo na makikita ’yung bituin mo kasi dumating na pero umalis din,” biro din niya sa kaniyang ina. “Mali ka pa rin anak. Para sakin, bawat tao may kanya-kanyang bituin na nais makuha o maabot. Nawala ’yung akin pero tiyak naman na may darating pang bagong bituin para sa akin.” “Ako kaya, Nay. Kailan kaya darating ’yung para sa akin. Pero ayaw ko ’yung kagaya n’yo na bituin na dumaan lang tapos iiwanan ako. Gaya ni papa.Gusto ko ’yung bituin na isasalba tayo sa kahirapan. Gusto ko rin naman makatapos at makatulong sa inyo.” “Sipag at tiyaga, anak. Iyan ang kailangan mo para makamtan mo ang iyong pangarap na bituin. At syempre, samahan ng tiwala at pananalig sa itaas. Huwag mong iasa sa lalaki ang pangarap mong makaahon sa kahirapan.” “Ang ganda namang sagot iyan, ’Nay. Pero hindi po ako ng naghahanap ng lalaking mag-aangat sa akin sa kahirapan. Ang bituing tinutukoy ko ay ang bagay na maari maging paraan ng pag-angat ko.” Niyakap nito ang ina. “Eh pero, ’Nay, graduation ko na sa susunod na dalawang buwan. Dito pa rin ba ako magkokolehiyo?” “Puwede naman. Pero kung sa tingin mo ay mas hahasa ang kaalaman mo roon sa maynila, ayos din naman iyon.” “Kaya n’yo po ba? Naglalabada lang po kayo at sabi mo nga po kaunti pa lang po ’yung naipon mo.” “Kaya ni Nanay iyan. Para sa iyo, kakayanin ko. Walang hindi kayang gawin ang isang ina para sa anak. Kung kailangan kong gumapang ay gagawin ko para sa iyo.” “’Nay, ayaw ko naman po na gumapang kayo. Paano kung gagapangin n’yong daan ay lubak-lubak. Ayaw ko po n’on. Masakit po sa akin na makita ang aking Ina na nahihirapan dahil sa akin.” “Eh, sa ganiyan talaga ang papel ng isang ina.” “Ang gusto ko po, ’Nay. Sabay tayong gagapang. Malubak man o maayos na daan ang tatahakin natin. Basta't kasama ko kayo. Magagawa natin iyon,” buong pagmamahal niyang saad sa kaniyang ina. “Pero Aning, hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako. Pagdating ng araw, kakailanganin mong magdesisyon ng mag-isa. Maniwala ka lang sa sarili mo at magagawa mo ito nang maayos.” “Sige po. Pag-iisipan ko kung mananatili ako rito o sa maynila po ako mag-aaral.” Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap nang biglang nag -brown out. “Naku! Ang dilim!” napasigaw si Aning at napayakap nang mahigpit sa ina. “Sandali. Papasok ako sa loob. Hahanapin ko lang ’yung flashlight.” Binitiwan nito si Aning at agad na pumasok sa loob ng bahay. Naghintay ang dalaga sa labas. Pero hindi rin nakatiis at sumunod sa ina dahil sa sobrang dilim ng buong paligid. Pumasok siya ng bahay. Kinakapa-kapa ang bawat madadaanan niya. “Nay, nakita n’yo na po ba?” tanong niya sa ina. “Nay!” ulit niya nang hindi pa ito sumasagot. Ilang hakbang pa ang kaniyang ginawa. “Nay!” Pero hindi pa rin sumasagot ang kanyang ina. Nakaramdam na siya ng takot at panginginig. “Nay. . . ” mangiyak-ngiyak na niyang turan. “Wah!” “Ah!” Abot hanggang sa labas ang ginawang pagtili ni Aning. Nakakita siya ng nakakasilaw na mukha at napakalapit pa nito sa kanyang mukha. Sa taranta ay napatakbo-takbo ang dalaga sa loob ng kanilang bahay kahit na nagkauntog at nababangga dahil sa walang nakikita. “’Nay. . .” sambit niya. Tumigil siya at nagkubli nang makapa ang kanilang mesa. “Aning! Uy! Ako ’to. Si Nanay mo.” Napawi ang takot ni Aning nang marinig ang boses ng kaniyang ina. “Eh, nanay naman. Papatayin n’yo po ako sa nerbiyos!” naiinis niyang wika. Tinawanan lamang siya ng kaniyang ina. “ Hanggang ngayon ay matatakutin ka pa rin, anak.” “Kasi naman hindi ko kayo nakilala. Tinapat mo po kasi sa baba n’yo ang flashlight kaya lumiwanag po ang mukha ninyo,” Halos maiyak na siya. “Bakit hindi na lang po kayo mag-asawa ulit at nang maranasan niya naman ang pinaggagawa mo po sa akin.” “Aba! Ayaw ko nga. Mawawalan na ako ng atensyon sa iyo. Huh! Iba ako mainlab anak. Lahat ibinibigay ko agad. Kaya huwag mo akong biruin ng ganiyan.” “Eh, wala na naman po kayong ibibigay. Hindi na po kayo birhen.” “Uy! Hindi na nga ako birhen, pero may asim pa naman.” “Binibiro n’yo po ako lagi. Papaano po kaya ako makakaganti sa inyo?” “Huh! Hindi mo ako maiisahan anak. Mas matalino yata ako sa iyo,” kumpiyansa nitong saad kay Aning. Maya-maya ay nagkailaw na. “Oh! May ilaw na.” “Maiwan ko na po kayo. Matutulog na ako.” Akmang tatalikuran na ang ina niya nang pigilan siya nito. “Sandali!” “Ano na naman po?” “’Yung halik ko.” Lumapit ito sa dalagitang anak at hinalika si Aning. “Pampasuwerteng halik galing sa akin para sa iyo.” “Hu. . . Suwerte nga ba?” “Sigurado! Sige na. Pasok na sa kuwarto mo at matulog ka na.” “Opo. Magandang gabi po.” Kinabukasan sa school.... Nakita ni Zuriel si Aning na naglalakad. Subalit nagtaka ito nang makitang hawak ang tuwalyang pagmamay-ari niya. “Papaano napunta sa girl na iyon ang tuwalya ko?” bulong nito habang nakaupo. Sa kabilang dako naman. . . “Hindi mo pa ba naisasauli ’yan?” tanong ni Rhea kay Aning nang mapuna ang hawak na tuwalya ng huli. “Kanina sana, pero nakalimutan ko. Nalampasan ko kasi ang bahay ni Aling Lilian. Nawala sa isip ko.” “Nalabhan mo na ba iyan?” “Oo, siyempre. Amuyin mo pa?” Inilapit pa nito sa ilong ng kaibigan. Nakita ni Zuriel ang ginawa ni Aning sa kaniyang tuwalya mula sa hindi kalayuan. “Aba! Ang mga bruhang iyon. Inaamoy-amoy pa ’yung tuwalya ko. Nakakainis, masisimot nila amoy ng Kobe ko. . .” pairap na saad niya. Habang patuloy pa rin ang ginagawa ng dalawang babae. . . “Hm, ang bango nga,” ani Rhea. “Akin na lang iyan.” “Uy! Hindi puwede. Isasauli ko pa ’to kay Aling Lilian. Iniisip ko nga na baka sa anak niya ang tuwalyang ito kaaya nakakahiya.” Samantalang hindi pa rib maalis-alis ang inis ng baklang si Zuriel. “Nakakairita ang girl na iyan. Matapos kong maibigay nang ’di sadya ang first kiss ko sa kaniya na dapat kay Kobe lang, heto at pati tuwalya ko hawak niya.” Pinipilit pa ring hinihingi ni Rhea ang tuwalya ni Zu na hawak ng kaibigan. “Akin na lang iyan!” Sapilitang hinablot ni Rhea sa kamay ni Aning ang tuwalya at saka tumakbo. Nagpahabol sa kaibigan. “Hoy!” sigaw niya saka niya hinabol si Rhea. “Kunin mo nga sa akin, Aning! Akin na ’to! Ang cute ng kulay. Blue.” “Rheang, akin na. Ikaw saka si Nanay pareho. Lagi akong inaasar.” “Uy! Ngayon lang kita binibiro, ha! Kaya habol pa!” Iwinawagayway pa nito sa ere ang tuwalya. Naghabulan silang dalawa. Tuwang-tuwa sa kanya si Rhea. Pero sa huli ay hiningal din si Rhea kaya naabutan siya ni Aning. “Yes! Bleh, talo ka!” kantyaw nito kay Rhea. Saka tumalikod na sa kaibigan para siya naman ang magpapahabol. Pero pagtalikod ni Aning, isang lalaki ang umagaw sa tuwalyang hawak niya at itinaas sa ere. Sa tangkad ng lalaki, napatingala ang dalagita. Ang masama pa, napasubsob pa siya sa dibdib nito. “Eherm!” panimula nito. “Papaano napunta sa iyo ang tuwalyang ito?” Titig na titig si Zuriel kay Aning habang nakayuko. Hindi naman mapakali si Rhea sa nakita. “Hala! Si Lucky charm ko!” Kinilig pa puwet ni Rhea. Agad na dumistansiya si Aning sa lalaki. “Akin na nga iyan! Hindi ka naman kasali, nakiki-ano ka,” mataray nitong saad. “Dali! Akin na!” Inilahad pa niya ang kanyang kamay. “Papaano napunta sa iyo ang tuwalya ko?” ulit nitong tanong sa dalagita. “Ha? A-ano! Tuwalya mo? Papaano kaya iyon? Eh si Aling Lilian ang. . . ” Huminto siya nang maalala na kolehiyo rin pala ang anak ni Lilian. “So, papaano? Ipinahiram ba ni ’Nay Lilian sa iyo?” Tama nga ang iniisip ni Aning. Maaring ito nga ang anak ni Aling Lilian. “Ah. . . na- nabasa kasi ako ng nanay mo noong isang araw kaya ipinahiram niya sa akin iyan. Huwag kang mag-alala. Nilabhan ko na iyan. Puwede mo nang kunin.” “Anwo!” wala sa sariling sigaw ni Zu. Biglang natigilan si Aning. . . “A-Ano!” Binago agad ni Zu ang tono ng kaniyang boses. 'Shaks! Nilabhan ng babaeng ito ang tuwalya ko. Ang tuwalya ko na may amoy ni Kobe ko. Hindwee. . .' sabi nito sa kaniyang isip. “Pakisabi kay Aling Lilian na salamat.” Iyon lang at tinalikuran na niya si Zuriel saka hinila si Rhea habang nakatulalang nakatingin kay Zuriel. Naiwang nakatingin lang si Zu sa dalawang babae. Hinayaan niya na lang na umalis ang mga ito dahil nakuha na niya ang kanyang tuwalya. Tatalikod na rin sana siya nang biglang natanaw niya ang grupo nina Kobe. 'Shaks! Ang guwapo talaga niya' Umiiral na naman pagkabading nito. Umayos siya ng sarili nang makitang papalapit na sa kanya sina Kobe. “Oh! Nakita ko ’yung babaeng nakasalamin. Kayo na ba, Zuriel?” “H-ha?” “Nakita kasi kitang kausap siya at parang. . . uy, naglalaro pa.” Nginitian pa siya nito nang nakakaloko. “Ang daya mo naman, Zu. Ipinakilala ko sa iyo girlfriend ko pero hindi mo ipinakilala ’yung sa iyo.” “Ha? Ah. . . ” Sabay kamot sa ibabang bahagi ng ulo “Sige na. Tawagin mo siya ulit. Ay hindi pala, ako na lang!” Umalis ang isa nilang barkada at hinabol sina Schiyev. “Ang guwapo niya hindi ba?” Kilig na kilig pa rin ito. “Tumigil ka nga. Halata ka masiyado, Rheang. . .” “Ah, sandali lang mga miss.” Pigil sa kanila ng isang barkada ni Kobe. Huminto ang dalawang babae at lumingon. “Hi?” bati nito kay Aning. “Hello, babaeng nakasalamin. Pinapatawag ka ng boyfriend mo.” “Ano! Bo- boyfriend?” nagulat si Rhea sa sinabi nito kaya binalingan ang kaibigan. “Hoy! Tumigil ka! Ang bata-bata ko pa para magkaroon ng. . .” Hindi rin natuloy nito ang sasabihin dahil bigla siyang inakbayan ni Zuriel. “Tol, may klase pa ’yung sweetie ko kaya hayaan na lang muna natin silang umalis,” sabi niya. Alam niyang tinitignan siya ngayon ni Aning nang masama kaya idiniin niya ang kanyang kamay sa balikat nito. “Hindi ba, sweetie, may klase pa kayo? Ah Rhea,pakisamahan naman si Sweetie ko.” Nginitian nito nang matamis si Rhea. “Ha? Si-sige. Halika na.” Kahit na nalilito, binulungan pa rin niya si Aning na umalis na. “Bye, sweetie. . . ” ngumiti pa ito sa dalagita habang matama lang nakatitig sa kaniya. “Tara na.” Hinila na lang ni Rhea si Aning. Naramdaman niya kasi ang init nito. Init na nais lumiyab dahil sa pagsisinungaling ni Zuriel sa harap ng barkada ni Kobe. “Bye!” Hanggang sa malayo ay nakakaway pa rin si Zuriel sa dalawang babae. “Hanep ah! Sweetiee?” “Oo, eh. Ang bata pa kasi. Pero hihiwalayan ko rin iyan kasi nga napakabata pa.” nasabi na lang niya kahit na hindi naman talaga niya Gf si Aning. Nakumbinsi naman niya ang mga barkada ni Kobe. Pero patay siya kapag nagkita silang muli ni Aning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD