Chapter Eight

1283 Words
Mula sa ika ikalimampung palapag ng gusali patungong pababa hanggang sa marating ni Dome ang ikalawang palapag ang kaniyang paghahanap. Bawat madadaanan ay walang mintis niyang tinitingnan. Hinahanap ang matapat na sekretarya ng Lolo ni Bekket. “Nasaan na kaya ’yon?” tanong niya habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad. At nang makarating sa isang sulok kung saan nakalagay ang fax machine, nakita na niya ang kanyang hinahanap kaya agad itong nilapitan. “Ate Myrn . . .” panimula niya. “O h,may kailangan ka?” baling sa kaniya nito. “’Yung boss ko kasi, ipinapatanong kung natawagan mo na raw po ba ang ka-blind date niya.” Matanda si Myrna ng anim na taon sa kanya kaya labis ang kanyang paggalang dito. “Ah, ’yun ba? Hindi pa pero tatawagan ko pagkatapos nito. Kakasabi lang din ni Dorector Choi sa akin,” sagot nito na ang mga mata ay nakatuon nasa fax machine. “Ah . . .” tanging sambit lang ni Dome. “Puwede po bang tingnan ang numero niya?” “Ha? Para saan?” “Ibibigay ko kay boss. Para kung saka-sakaling maganda ang naging resulta ng blind date nila, hindi ka na niya kailangan ipahanap sa akin para hingin ang numero ng babae.” “Okay. Sandali.” Itinigil nito sandali ang ginagawa saka ibinigay ang kanyang telepono kay Dome. “Mm, walang password iyan kaya madali lang buksan.” “Salamat po,” tugon niya nang makuha na ang telepono. “Ano’ng name po?” “Blind date.” “Po?” “Blind date. ’Yun ang nakarehistro sa telepono ko. Hindi ko inalam ang pangalan niya.” “Sige po. Titingnan ko po.” Nakabuti kay Dome ang sinabing iyon ni Myrna. Para kung papalitan niya ang numero ng babae, hindi niya mahahalata. Dahil expert sa paggamit ng kahit ano’ng telepono si Dome, mabilis niyang nabura ang numero ng ka-blind date ng boss niya at inilagay niya ang numero ni Aning na binigay ni Bekket / Zuriel sa kanya bago umalis sa opisina nito. “Heto na po ate Myrn. Salamat po. Alis na po ako.” “Sige.” ’Yun lang at sumakay na uli sa elevator pagkatapos makausap si Myrna. Samantala . . . Tinawagan ni Zuriel si Aning. Sa una'y nagdadalawang isip pa subalit nagkalakas loob ding tumawag dahil sa nanganganib na mawala ang lahat ng meron siya. Inalala niya rin ang kanyang ina na nakatira sa bahay na kanyang binili para rito. Baka kapag hindi niya sinunod ang kanyang lolo, babalik sa umpisa ang buhay niya pati ng kanyang ina. “He-hello?” alanganin niyang tanong. “Hello?” sagot naman sa kabila. “Anya?” “Speaking. Sino ito?” “Ahm . . . It’s me. ’Yung . .. ’yung nag-swimming sa mga prutas kanina,” biro niya para maalala ng babae ang nangyari kanina. “Ikaw ba ito? Bakit? May masakit ba sa iyo? Ano? Ahm . . . saan kita puwedeng puntahan?” Nag-aalala naman siya sa lalaki dahil baka may problema sa kawatan nito. Bahagyang inilayo ni Bekket ang hawak na telepono sa kanyang teynga. “Wow, ha. Concern na concern si Girl sa akin,” mahina niyang saad. Tamang-tama lang sa hina para hindi marinig ni Aning. “Ahm . . . pupunta ka ba rito?” “Oo!” maagap niyang sagot kahit hindi niya alam kung malapit ba o malayo ang lugar ng kausap. “Malayo kasi ako. Pero ganito na lang. Kapag may tumawag sa iyo na babae at ibinigay ang address at oras, puwede bang pumunta ka? Kailangan lang kasi.” “Ah, seryoso ba naging pinsala mo?” Hindi pa rin nawawala ang pag alala ni Aning kay Bekket kahit na ito pa ang bumangga sa kanya. “Ah . . .” Maging si Bekket ay nag-aalinlangan sa pagsagot. Nadama niya kasi ang pag aalala ng babae. “Ano?” “Medyo lang naman. Kaya please come,” sagot nito nang totoo sa puso. “Okay. Pupunta ako.” “Thank you.” Bukal sa loob na sagot ni Bekket. Buti at pumayag si Anya/Aning. Sana man lang tuloy-tuloy na hanggang sa magawa niya ang kanyang plano. Ibinaba na ni Aning ang telepono. Nalilito man ng bahagya pero inisip na lang niya na kailangan niyang tulungan ang lalaki dahil sa siya rin naman ang nagbigay ng sariling numero. Maya-maya ay may tumawag uli sa kanya. “Hello,” sagot niya. “Hi ma’am. This is the secretary of Director Choi of BC company, i'll text you the address at time for the blind date.” “Bli--” Nagtataka niyang tanong pero hindi na siya nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil sa bigla na lang ibinaba ng kausap niya ang telepono mula sa kabilang linya. “Ano raw? Blind date? Tama ba ang narinig ko? ’Yun ba talaga?” Mga tanong na taglay sa kanyang isipan. Naalala niya bigla ang lalaking tumawag sa kanya kani-kanina. Address at oras lang ang binigay sa kanya kaya inisip niya na baka ang babaeng kakatawag lang sa kanya ay ang siyang tinutukoy ng lalaki. Inisip agad ni Schiyev na baka kaya niya kailangan pumunta dahil baka hindi makakarating ang lalaking ito sa ka blind date at kailangan siya doon para magpaliwanag kung bakit hindi ito makakasipot. Tama nga ba ang kanyang naiisip? Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang telepono. Isang mensahe galing sa numerong kakatawag lang. Naguguluhan si Aning kaya tinawagan niya si Rhea. “Hello, Rheang . . .” “Aning, napatawag ka?” “Tinawagan kasi ako ng lalaking nakabangga sa akin kanina. Pinapapapunta ako sa blind date.” “Ano? Grabe naman siya. Hinanapan ka agad ng ka-blind date. Nahalata ba niya na walang kang jowa?” “Rheang . . .” “Sorry,” bawi nito sa kaniyang biro. “Pupunta ka ba?” “Ah . . .” Napakamot si Aning sa kanyang batok. “Nagkataon kasi na pareho sa araw ng pagbalik ko sa Maynila kaya siguro, saka sinabi ko rin naman sa lalaking iyon na tawagan ako kung may problema.” “Parang ikaw ang nakapuwersiyo sa kanya ah, samantalang siya naman ang may kasalanan.” “Alam ko. Pero kasi hindi naman ako nasaktan. At kitang-kita mo naman ’yung nangyari sa kanya hindi ba?” “Sa bagay. Pero uy! Mag ingat ka. Baka naman masama ang lalaking iyon. Guwapo lang sa panlabas pero mm, alam na.” “Ano’ng gagawin ko?” Humingi ng payo. si Aning sa kaibigan. “Isama mo kaya ako.” Tila umiba naman ang hitsura ni Rhea matapos sabihin iyon. Kinikilig ito sa iisiping sasamahan niya si Aning. Makikita niya kasi ulit ang lalaki. “Hindi ba may trabaho ka? Saka, malayo iyon. Sino ang kasama mo pabalik?” “’Yun ang problema. Hmp! Nararamdaman kong exciting to ah. Baka, siya na iyong magiging jowa mo, Aning.” “Oy! Tumigil ka. Crush mo ipinamimigay mo sa akin.” “Okay lang naman basta ikaw. Gaya noon.” “Oh! Babalik na naman ba tayo sa Zuriel na iyon?” “Hindi naman.” “Sige na, ibaba ko na ’to. Ipagluluto ko pa si nanay. Ako muna ang gagawa ng mga gawain niya ngayon habang nandito pa ako at kasama siya.” “Sige na. Balitaan mo na lang ako.” “Sige.” ’Yun lang at sabay na nilang ibinaba ang kani-kanilang telepono. Pagkatapos naghanda na si Aning sa pagluluto para sa kanyang ina. Sasamantalahin ang pag-aalaga rito habang nasa piling niya. Babalik rin kasi siya ng Maynila pagkatapos ng isang linggo. At doon magsisimula na ang kanyang buhay na kay kasamang kilig at saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD